Ngayon ko lang nakita na pwede pala ang dedication dito. Hihi. Kaya naman, I dedicate this chapter to THESOULLESSVAMPIRE.
Bilang PASASALAMAT ng bongang-bongga kasi unang-una siyang nagcomment, nagvote at I think nagbasa na rin ng story na ‘to. SUPER, MEGA, ULTRA THANK YOU! :D
PS:
May nagtanong pala last day sakin kung nag-UD daw ako. Hala, hindi ko gets ‘yong UD. Kala ko online game ‘yon Hahaha. Kaya ang naisagot ko nalang
-- “HINDI ” --
Then, lately ko lang nalaman na Update pala meaning nun. Ang slow slow slow ko talaga! Kaloka!
=========================================================
"Magandang umaga sa’yo,” bati ni Ferel sa lalaking pangahas sa pumasok sa kubo nila noong nakaraan gabi.
Tumaas lang ang mga kilay nito na parang nagtatanong kung bakit siya naroon.
“Kapatid mo?” tanong niya na inginuso ang babaeng papasok sa kubo.
Nilingon nito ang kapatid na tiyempong nakapasok na sa loob. “Oo, bakit?”
“Ah, wala naman. Pumunta ako dito kasi may itatanong lang sana ako.”
“Ano ‘yon?” tanong nito tuwid na nakatingin sa kanya.
Himala, mukhang interesado ito sa itatanong ko, sa isip-isip niya. “Anong pangalan mo?” tanong niyang may kasamang matamis na ngiti.
Umismid ito. “Bakit mo naman gustong malaman?”
Sinasabi ko na nga ba na iyon ang sasabihin niya, paghihimutok niya. Pero pinigilan niya ang sarili na ‘wag munang magalit. Dahil una sa lahat napagisip-isip niyang medyo mabait naman ito. Dahil kung hindi ay hindi ito pupunta sa kubo nila para tulungan siyang ilawan ang gasera. Pero hindi rin naman niya malaman kung pagtulong nga ang tunay na pakay nito. Baka may iba pa. Baka nagkataon lang talaga na andoon ito. Ewan niya. Ayaw niyang pakasiguro.
“Sige, kung ayaw mong sabihin iba na lang ang itatanong ko,” pagkaraan ay sabi niya. Ayaw niya itong pilitin baka iyon pa ang ikagalit nito’t kaladkarin na naman siya. Ang sakit pa nga rin kaya ng braso niya hanggang ngayon.
Tumawa ito. Pero mahina lang. Tumaas na naman ang dalawang kilay nito at hindi nagsalita
“Gusto kong malaman ang eksaktong araw, buwan at taon ngayon,” pagpapatuloy niya.
Tumawa na naman ito. Ngayon mas malakas na kesa kanina.
“Anong nakakatawa sa sinabi ko?” naguguluhan niyang tanong.
“Seryoso ka ba d’yan sa gusto mong malaman?” sa wakas ay nagsalita din ito.
“Oo naman, hindi ako nagbibiro.”
“Ikasiyam ng Mayo,” pagkaraan ay sabi nito. Pero tumatawa pa rin. Parang hindi ito makapaniwala sa mga itinatanong niya.
“Anong taon?”
“2012.”
Napabuntong hininga siya. Ang hirap naman kausapin ng lalaking ito!
“Mamerto,” sabi nito sa kanya na ikinagulat niya.
Nagsasabi na ba ito ng pangalan? Hanep, dapat pala hindi ito tinatanong. Heto’t nagkusa na ngang sabihin sa kanya. Lihim siyang napangiti, ”Anong sabi mo?”
BINABASA MO ANG
ALAALA
Mystery / ThrillerIsang malaking misteryo ang buhay ni Ferel. Nawalan siya ng alaala at hindi niya alam kung paano niya maibabalik iyon sa kanya. Dahil bukod sa kanyang ina ay wala nang nakakakilala sa kanya sa islang kinaroroonan niya. Alam niyang maraming lihim ang...