Kabanata 12

1.1K 25 7
                                    

This is for you MM (MM? feeling close? Hehe..), dahil nainspire mo ako sa ‘Itigil ang Kasal’ in which katatapos ko lang basahin. I’m your fan. Sana Mabasa mo 'to. Sana..

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

Nagmamadaling lumabas si Ferel sa kubo. Bakit nga ba siya nagmamadali. Katatapos lang niyang maligo. Dali dali siyang nagbihis at heto na nga, naglalakad na siya sa may dalamapasigan. Pupunta siya kina Mamerto. Wala naman silang usapan pero gusto lang niya itong makita.

Pilit niya munang isinantabi ang mga katanungan sa isipan niya ng mga oras na iyon. Magkaibigan sila ni Mamerto kaya natural lang na gusto niya itong makita. Tapos. Wala nang ibang rason.

Malayo layo na rin ang kanyang nalalakad nang may maaninag siyang bulto ng katawan. Si Mamerto! Bigla tuloy siyang napatingin sa suot niyang damit. Isang lumang bestida lang iyon na bulaklakin. Wala naman kasi siyang damit na pagpipilian. Puro luma lang andoon.

“Mamerto!” tawag niya kahit ‘di niya sigurado kung naririnig ba siya nito.

Mukhang narinig naman siya nito. Nakita niya kasi itong kumaway sa kanya. Tumakbo siya. At nakita niyang tumakbo din ito papalapit sa kanya.

Pagkatapos ng nakakahapong takbukan, heto’t magkaharap na sila. Pareho silang humahangos sa pagod.

“Ang bilis mong tumakbo ah,” sabi ni Mamerto na habol pa rin ang paghinga.

“Ikaw din naman. Mas mabilis pa nga yata sa ‘kin e,” tudyo niya sa binata.

May kakaiba na naman siyang pakiramdan ng mga sandaling iyon. Parang sinasabing magkasama na naman sila. At ang saya saya niya. Sana hindi mapansin ni Mamerto na abot tenga ang ngiti niya ng mga sandaling iyon.

“Ang lapad ng pagkakangiti mo ah,” sabi nito.

Hindi niya tinugon ang sinabi nito. Napansin din pala. Hindi niya alam, pero parang nahihiya siya sa sinabi nito kaya iniiwas na lang niya ang mukha para hindi mapansing namula siya.

“At namumula ka pa,” dugtong pa nito.

Naku! Pati ba naman ‘yon. Wala na yata siyang maitatago.

“Halika na,” yakag nito sa kanya.

“Ha? Saan tayo pupunta?”

“Pupunta ka sa ‘min, ‘di ba?

Aba’t, parang may sa manghuhula yata itong kausap niya. Sabagay, saan pa ba siya pwedeng pumunta kundi sa bahay lang nito. Hindi na mahirap hulaan ‘yon.

Wala na siyang nagawa nang biglang hawakan siya nito sa kamay at saka hinila. Naglalakad na sila, pero ang mga mata niya ay nasa pagkakahawak nito sa kamay niya.  At katulad pa rin ng dati, ayon na naman ang kuryenteng nararamdaman niya.

ALAALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon