Kabanata 33

969 17 4
                                    

Kanina pa pabalik-balik si Lucas sa salas. Pilit niyang inaanalisa ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Nang makita niya si Ferel na dumaan ay hindi niya naiwasang tawagin ito at kausapin. At dahil doon ay lalo lamang siyang nagpadala sa bugso ng kanyang damdamin. Sa ngayon ay may nabuo na siyang pasya. Hindi niya hahayaang mawala na lang sa mundong ito na hindi natitikman ang matagal na niyang gusto. Salamat kay Sylvia sa pilit nitong pagpapaalala sa kanya tungkol doon.

Mabilis siyang umakyat papuntang ikalawang palapag at tinungo ang silid ni Sylvia. Pagdating niya sa tapat ng pinto ay huminga muna siya ng malalim bago marahang kumatok ng tatlong beses. Agad naman siyang pinagbuksan ni Sylvia. Napansin niyang namumugto ang mga mata nito. Mukhang galing ito sa isang mahabang pag-iyak.

“Bakit?” bungad nito sa kanya na nakapinid ang katawan sa pinto.

“Hindi mo ba ako patutuluyin, Sylvia,” sabi niyang nagpakawala ng isang maluwang na ngiti.

Inalis nito ang katawan sa pagkakapinid sa pinto at inilahad ang kamay sa loob ng silid.

Pumasok siya sa loob at tumigil sa tapat ng higaan. Nakita niyang mahimbing nang natutulog si Lourdes. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Sylvia,” simula niya.

Umupo ito sa upuan na malapit sa may ulunan ni Lourdes at marahang hinaplos ang buhok ng anak. Tumingin ito sa kanya. “Kung pag-uusapan na naman natin ang tungkol kay Nanay Rem—“

“Hindi iyon ang ipinunta ko dito,” putol niya sa sinabi nito.

Kumunot ang noo. “E, ano?”

“Pumapayag na ako sa gusto mo,” pahayag niya.

Halatang nagulat ito at biglang tumayo sa kina-uupuan at mabilis sa lumapit sa kanya. “Hindi nga, Lucas?”

“Tama ang dinig mo. Uulitin ko pa ba?”

Umiling ito. “Hindi na ako magtatanong ng kung anu-ano sa ‘yo, Lucas. Ang importante ay pumayag ka na.”

Ngumiti siya. “Kailan natin sisimulan ang plano?”

“Mamayang gabi,” mabilis na sabi nito at nagpakawala ng isang matamis na ngiti. Ngiti ng tagumpay.

“Sige,” pagpayag niya saka nginitian din si Sylvia. At ilang sandali lang ang ngitiang iyon ay nauwi sa isang malakas na tawanan.

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

Nalibot na ni Ferel ang buong silid pero hindi niya talaga makita ang bag na hinahanap niya. Nag-aalala siyang naupo sa gilid ng kama na sapo ng dalawang kamay ang mukha niya. Paano siya makakaalis ngayon? Gabi na at madilim na sa labas. Nasayang ang oras niya sa paghahanap ng bag. Naroon pa naman ‘yong kabibe na bigay sa kanya ni Mamerto. Mawala nang lahat ng damit niya ‘wag lang talaga ang nag-iisang alaala ng binata sa kanya.

Tatayo na sana siya nang biglang may narinig siyang padaskol na nagbukas ng pinto sa kanyang silid. Nilingon niya iyon at nakita niya si Sylvia na humakbang papasok. Nasa likod ang mga kamay nito at may kakaibang ngiti sa labi. Pero hindi iyon ang klase ng ngiti na masaya, ngiti iyon na parang may gagawin itong hindi maganda.

“Naistorbo ba kita, Ferel?” tanong nito na bahaya pang lumapit sa kinatatayuan niya.

Hindi siya makakilos dahil may takot siyang naramdaman sa paraan nito kung paano binuksan ang pinto. Hindi man lang muna ito kumatok gaya ng dati nitong ginagawa.

“May hinahanap ka ba?” tanong ulit nito.

Umatras siya nang maramdaman niyang humakbang iton ng isa papalapit sa kanya. “P-paano mo nalaman?”

May inilabas ito mula sa likuran. “Ito ba ‘yon?”

Iyon ang bag na kanina niya pa hinahanap. “Paano napunta sa’yo yan?” nanginginig niyang tanong.

“Alam ko naman na aalis ka e,” kutya nito.

“Ibigay mo sa akin ‘yan!” Pilit niyang inabot ang bag pero itinapon iyon ni Sylvia sa sahig.

Sakto namang dumating si Lucas at dinampot ang iyon sa sahig.

Lumapit sa kanya si Sylvia. “Akala mo ba makakaalis ka na lang nang ganoon kasimple?”

“Anong ibig mong sabihin?” tanong niya sa gitna ng pagkalito.

Tumingin ito kay Lucas na nasa likuran nito at sumenyas. Agad namang lumapit ang tinawag pero imbes na kay Sylvia lumapit ay sa kanya nito itinuon ang tingin at mahigpit siyang hinawakan sa magkabilang braso mula sa likuran niya.

“Bitiwan mo ako, Lucas!” Nagpupumiglas siya sa higpit ng pagkakahawak nito.

Hindi ito sumagot at nagpakawala lang ng nakakalokong tawa. Ganoon din ang ginawa ni Sylvia habang pinagmamasdan siyang nahihirapan sa pagkakahawak sa kanya ni Lucas. Ito na ba ang ibig ipahiwatig ng kabang nararamdaman niya kanina pa? Batid niyang sa mga sandaling iyon ay may hindi magandang  gagawin ang dalawa at may hindi magandang mangyayari sa kanya. Anong gagawin niya? Wala siyang laban sa mga ito. Ang lakas pa lang ni Lucas, alam niyang talo na siya.

Kinaladkad siya ni Lucas palabas ng kanyang silid kasunod si Sylvia. Nagpupumiglas pa rin siya pero mistulang bato ang mga braso ni Lucas. Pilit siya nitong ipinasok sa isang bakanteng silid na katabi ng silid ni Lola Remedios.

“Anong gagawin niyo sa ‘kin?!” sigaw ni Ferel na nagsimula nang tumulo ang mga luha sa sobrang takot sa maaaring mangyari sa kanya.

Bumaba ang hawak ni Lucas sa kanyang galang-galangan. Samantalang iniabot naman ni Sylvia ang isang maduming lubid rito at sinimulan na nitong itali ang mga kamay niya.

“Lucas, maawa ka sa ‘kin,” garalgal niyang paki-usap pero parang hindi nito naririnig ang sinasabi niya.

“Hindi ka naman namin sasaktan kung makikipagtulungan ka lang sa gusto namin,” nakangising wika ni Sylvia na inabot ang isa pang lubid kay Lucas.

Mabilis na naitali ni Lucas ang mga paa niya at saka siya itinulak sa kama. Bahagya siyang tumalbog sa lakas ng pagkakatulak nito. Nakita niyang bumuntong hininga ito at saka binalingan si Sylvia na nanatiling nakamasid lang sa kanya.

“Ano na ang gagawin natin sa kanya?” tanong ni Lucas kay rito na siya ang tinutukoy.

“Ano pa, e ‘di gagawa na kayo agad isang Crisostomo,” makahulugang sabi ni Sylvia pagkatapos ay tumingin ito sa kanya at ngumiti.

“Ngayon na agad?” parang gulat na tanong ni Lucas.

Sinapo ni Sylvia ang noo. “Aba, Lucas, huwag mong sabihin sa akin na naduduwag ka na agad.”

“Hindi ah!”

“Ganoon naman pala, simulan niyo na.”

Kumunot ang noo ni Lucas. “Sisimulan na nandito ka?”

“Siyem—“

“Anong pinag-uusapan niyo?!” nanginginig na sigaw ni Ferel sa dalawang nag-uusap. Wala siyang maintindihan kung anong ibig sabihin ni Sylvia sa sinasabi nito at sa gagawin nila ni Lucas.

“Malalaman mo mamaya kapag nagsimula na kayo ni Lucas,” baling ni Sylvia sa kanya.

Napalunok siya. Pilit niyang tinatanggal ang tali sa mga kamay niya na nakatali sa likuran niya pero napakahigpit ng pagkakatali ni Lucas kaya parang nauubos lang ang lakas niya sa wala.

“Siya, nagbago na ang isip ko. Lalabas na muna ako,” sabi ni Sylvia na humakbang papuntang pinto. “Baka magkahiyaan pa kayo,” dutong nito at saka nagpakawala ng isang malutong na halakhak bago tuluyang lumabas sa silid.

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

Dito na ako nahihirapan mag-sulat kapag malapit na ang end. Aja to me! :D

ALAALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon