Kabanata 2

1.7K 38 2
                                    

Sa isang mesa na gawa sa kawayan ay tahimik na kumakain and mag-inang Ferel at Sylvia. Manaka-nakang sumulyap si Ferel sa nagpakilalang ina niya at saglit na pinag-aralan ang kabuuan nito. Sa tantiya niya ay nasa singkwenta anyos na ang ginang o mas higit pa. Mababakas sa mukha nito ang kagandahang minsan nitong tinaglay noong kabataan pa nito. Tumingin ito sa kanya. Siguro ay napansin nito na sumusulyap siya rito.

"Ano 'yon anak?" tanung nito.

"Ah.. Ho?" nag-isip siya ng idadahilan. "May itatanong lang po sana ako sa inyo."

"Sige, ano 'yon?"

"Nasaan po ang asawa niyo..?" huminga siya ng malalim saka nagsalita ulit, "..a-ang tatay k-ko."

Hindi ito umimik. Pero nakita niyang nag-iba ng ekspresyon ng mukha nito. May nadama siyang takot sa nagpakilalang ina. Pero binalewala niya iyon at nagpatuloy sa pagsadalita.

"Pasensiya na po kayo sa kapangahasan ko," inilayo niya ang tingin sa ginang at nagsalita ulit, "pero sa tingin ko po ay may karapatan naman po akong malaman ang bagay na iyon."

Ngunit hindi pa rin ito nagsalita. Naghintay pa siya ng ilang segundo ngunit wala pa rin siyang narinig na sagot mula rito. Tumingin siya sa mukha ng ginang. Pero nakatingin lang ito sa plato nito at mukhang may iniisip na malalim.

Hinawakan niya ito sa kamay, "N-nay, may problema po ba?" masuyo niyang tanong.

"Wala," mabilis na tugon nito at saka binawi ang kamay nito sa pagkakahawak niya, "tapusin mo na yang pagkain mo't magpahinga ka na."

Kapansin-pansin ang pag-iiba ng timbre ng boses nito. Hindi na iyon ng boses nito kaninang naguusap sila sa may dalampasigan. Mas parang naging matigas iyon at hindi na masuyo.

Nag-alala siya sa naging reaksyon nito. Nasaktan ba niya ito sa mga sinabi niya? Ayaw ba nitong pagusapan ang asawa nito? Pero sana man lang ay sinabi nito nang maayos. Ganoon ba talaga ang kanyang ina?

Napilitan siyang tumayo sa bangkong kinauupuan niya at inilagay niya sa lababo ang mga pinagkainan nila.

"Iwanan mo na 'yan. Ako na'ng maghuhugas ng mga 'yan."

Napapitlag siya sa sinabing iyon ng ina. Hindi pa rin kasi ito nagbabago ng timbre ng boses. Nilingon niya ito. Tumango na lang siya at saka tinungo ang kwartong natatabingan lang ng kurtinang puti. Nasa gilid iyon ng mesang kawayan na kinainan nila kani-kanina lang.

Narinig niya ang pagkalampag ng mga sartin na pinggan sa may lababo. Naghuhugas na ito ng mga pinagkainan nila.

Nahagip ng mga mata niya ang mga unan, kumot banig at kulambo na maayos na nakasalansan sa gilid ng silid. Maliit lamang iyon at gawa sa kawayan ang sahig. Inilatag niya ang mga iyon maliban lang sa kulambo na hindi niya alam kung paano iyon ikakabit.

Dito ba talaga siya nakatira dati? Bakit simpleng pagkakabit lang ng kulambo ay hindi niya alam? Dala ba iyon ng pagka wala ng mga alaala niya? Umiling siya. Pati ba naman 'yon sakop ng trahedyang iyon?

Trahedya? Oo nga pala. Ano nga bang nangyari sa kanya at nawala ang kanyang mga alaala? Bakit hindi man lang sinabi sa kanya ng doktor? Baka ang nanay niya ang sinabihan ng huli. Pero bakit di man lang ito nagkusang loob na ipaalam sa kanya? Nakakapagtaka.

Ah! Bukas na bukas din ay tatanungin niya ang kanyang ina tungkol dun.

"Bakit di ka pa natutulog, anak?" masuyong sabi ni Aling Sylvia pagkapasok nito sa silid.

Bumuka ang bibig niya pero walang salitang lumabas mula roon. Baka bigla na naman magbago ang aura nito. At ayaw niyang mangyari ulit iyon.

"Oh, bakit 'di ka makapagsalita diyan? Naputol na ba ang dila mo?" untag nito.

"Ah, hindi ko po kasi alam kung paano ikakabit itong kulambo.." sabi niya na lang.

"Akin na yan," inilahad nito ang kamay para kunin ang kulambo, iniiabot naman iyon ni Ferel, "ako na ang magkakabit at mahiga ka na lang diyan."

"Opo," at sinunod niya ang sinabi ng ginang. Nahiga na siya at nagkumot.

Mabilis namang naikabit ng ginang ang kulambo at humiga ito sa tabi niya. Nakatalikod siya rito. Bumuntong hininga siya at pilit na na ipinikit niya ang mga mata.

Sadyang binibiro naman siya ng tadhana at ayaw siyang dalawin ng antok. Parang ayaw ng katawan niyang magpahinga kaya't hindi siya mapakali sa higaan. Sinulyapan niya ang inang si Sylvia na mahimbing nang natutulog sa tabi niya.

Tumitig siya bubungang pawid ng kubo. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatitig doon nang may tumilaok na manok. Umaga na ba? Tumingin siya sa paligid upang tumingin sa orasan. Ngunit wala siyang nakita. Naiilawan lamang ang silid ng isang gasera na nakalagay sa isang maliit na mesa na malapit na pinagkuhaan niya ng mga unan.

Kung umaga na nga dapat ay mayamaya lang ay sisikat na ang haring araw. Ngunit mahigit dalawang oras na yata siyang naghihintay ay wala pa rin ang hinihintay niyang pagsikat.

Bumibigat na ang mga talukap niya sa mata. Ngayon pa ba siya aantukin? Parang nagdadalawang isip pa siyang pumikit pero sadyang gusto na ng mga mata niya. At mayamaya lang ay nakatulog na nga siya.

ALAALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon