Kabanata 11

1.1K 22 3
                                    

Oh yes, this chapter is dedicated to you Reessy. Thank you so much for liking this story, and your comments, oh, they made me so glad!

Keep reading and have fun!

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

“Mamerto, aba tanghali na, bumangon ka na riyan!” Sigaw ng nanay niya mula sa kusina. Maliit lang kasi ang kubo na tinitirahan nila kaya dinig na dinig niya ang pagtawag ng kanyang ina.

Dali dali siyang bumangon at saka nagtungo sa may lababo para mag-hilamos. Nakita niyang nasa hapag kainan na ang kanyang nanay, tatay at si Dina. Parang siya na lang yata ang inaantay ng mga ito para makakain na sila.

“Ikaw ah, Mamerto, mukhang napupuyat ka na ngayon,” sabi ng tatay niya pagkaupo na pagkaupo niya sa tapat nito.

“Parang ngayong araw lang naman po e,” dispensa niya sa sarili.

“Anong ngayon lang, kahapon tanghali ka na rin gumising,” sumbong ng kapatid niya.

“Dina!” saway niya sa kapatid. Pero humagikhik lang ito.

“O siya, tama na yan. Magdasal na tayo’t makakain na,” sabat ng kanyang nanay na si Aling Minda.

Sabay-sabay silang pumikit at umusal ng dasal.

Nagsisimula na silang kumain nang magsalita si Mang Isidro, ang kanyang ama, “Kumusta naman kayo rito kahapon?” tanong nito.

“Ayos lang po,” si Dina ang sumagot.

“E, ikaw Mamerto anong ginawa mo kahapon?” tanong naman nito sa kanya.

“Katulad pa rin po ng dati,” ang ibig niyang sabihin ay, nag-igib at ngsibak ng kahoy.

Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa kanila.

“Bukas lahat tayo ay luluwas ng bayan,” basag ni Aling Minda sa katahimikan.

“Talaga Nay?” si Dina ang nagsalita, puno ng galak ang itsura nito ng tapunan niya ito ng tingin.

“Oo anak, mamamasyal tayo. Matagal-tagal na rin nating hindi ginagawa iyon,” baling ng kanyang ina kay Dina.

“Ikaw Mamerto, sasama ka ba?” tanong ng tatay niya sa kanya. Napansin yata nito na wala siyang imik.

“Ano ka ba Isidro, sasama ‘yan sa ayaw at sa gusto niya,” ani Aling Minda.

Hindi na siya umimik. Tama naman kasi ang nanay niya. Hindi siya makaka-ayaw sa gusto nito.

“Mukhang wala ka yata sa sarili mo, Mamerto,” ayaw pa rin siyang tigilan ng tatay niya.

“Naku Tay, may bagong nobya yan si Kuya!” si Dina na naman ang sumagot.

Tiningnan niya ng masama ang kapatid, “Ano na naman yang pinagsasabi mo?”

“Hindi ba kayo ni… Sino ulit ‘yon, Kuya?” kunot noong tanong ng kapatid niya.

“Ferel,” sagot niya.

“Tama, siya nga. Hindi mo pa nga siya pinapakilala sa ‘kin ng pormal e,” parang nagtatampo ang himig ng boses nito.

Bumaling siya sa Nanay at Tatay niya, “Nay, Tay, si Ferel po ay kaibigan ko lang. Wala po kaming relasyon. Hindi po totoo ang sinasabi nitong si Dina,” pagtatanggol niya sa kaibigan.

“Wala namang masama kung magnonobya ka na, anak. Basta ipakilala mo lang sa ‘min ng Tatay mo,” ang nanay niya ang nagsalita.

“Tama ang sabi ng nanay mo. Tutal naman e, binata ka na,” salo ng tatay niya.

Tumango-tango na lang siya bilang pagsang-ayon sa mga ito. Ang totoo kasi ay ayaw niya munang magsalita o magkomento tungkol kay Ferel. Hindi din naman kasi siya sigurado sa nararamdaman dito. Pero alam niya sa sarili niya na may kakaibang damdaming umuusbong sa pagitan nilang magkaibigan.

Natapos na silang kumain. Mayamaya pa ay nagpaalam na ang kanyang Nanay at Tatay papuntang bayan. Ang Nanay niya ay papasok sa trabaho samantalang ihahatid naman ito ng Tatay niya gamit ang bangkang de motor na pagmamay-ari nila.

Katulad kahapon, siya ulit ang umako ng paghuhugas ng mga pinagkainan. Si Dina naman ay naglinis ng buong kabahayan. Tapos na siyang maghugas nang magpaalam siya sa kapatid na pupuntahan si Ferel.

“Iiwanan mo na naman ako dito,” maktol nito.

“Hindi, babalik ako agad. Iimbitahan ko lang dito si Ferel,” alo niya.

“Talaga?” bigla itong naging masigla.

“Oo, kaya pagbutihin mo dahil may darating tayong bisita.”

“Siyempre naman Kuya. Ayoko yatang mapahiya sa magiging ate ko.”

Napangiti siya sa tinuran ng kapatid. Pumanaog na siya sa kabahayan.

Wala naman talaga silang usapan ni Ferel na magkikita sila ngayong araw. Pero ewan ba niya, parang gusto niyang makita ulit ang kaibigan. Napatingin tuloy siya sa kamay niya na ipinanghawak niya sa pisngi ni Ferel. Sa totoo lang gustong gusto na niya sanang haplusin iyon kahapon pero napigilan iyon nang bigla nitong tinanggal ang kamay niya. Nahiya tuloy siya. Bakit pa nga ba niya iyon hiniling at ginawa? Hindi niya maintindihan ang sarili.

Ngayon, parang nag-aalangan tuloy siyang puntahan si Ferel. Baka nagalit ito sa kapangahasan niya. Sana naman hindi. Pero imposible rin namang mangyari iyon kasi maayos naman silang nagpa-alaman kahapon.

Bahala na nga.

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

Hope you like it, Reessy.

Good Night!

PS: I'll be adding a new character in Chapter 12.

ALAALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon