Kabanata 29

1K 20 14
                                    

A/N

Thank you sa mga naghihintay ng Chapter na ito. You know who you are.

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

Hindi makapaniwala si Mamerto sa hiling ng Tatay niya kapalit ng pagsama nito sa mag-asawang Manuel at Felomina sa San Antonio. Hiyang-hiya siya sa inasal nito. Hindi niya alam kung anong nakain ng ama niya at nasabi nito ang mga ganoong bagay. At mas lalo pa niyang ikinagulat ang pagpayag ng mga magulang ni Ferel sa kagustuhan ng kanyang ama. Hindi tuloy maalis sa isipan niya ang huling pag-uusap ng mga ito pa parang hindi siya kaharap.

“Kung maaari po sana ay hayaan ninyong manligaw itong aking anak na si Mamerto kay Ferel kung sakaling bumalik na siya sa inyo,” nakangiting pahayag ni Isidro.

Nanlaki naman ang mga ni Mamerto sa narinig. “Tatay!”

Sa kabila ng pag-aalala sa anak ay nakuhang tumawa ng mag-asawang Manuel at Felomina sa tinuran ni Isidro. Kahit mahina lang ang tawang iyon, batid ni Mamerto na hindi dapat iyon sinabi ng ama niya dahil hindi pa natatagpuan si Ferel. Mahirap ding umasa.

“Kahit pala sa malayong isla na ito ay may nabibighani kay Ferel,” makahulugang wika ni Felomina.

“Sa bagay na ‘yan ay wala kaming tutol,” ngiti ni Manuel, “dahil hindi namin pinapakialaman ang buhay pag-ibig ng aming anak.”

“At saka hijo, kung gusto mo talaga aming dalaga, maluwag sa kalooban namin na ligawan ni siya,” baling sa kanya ina ni Ferel.

Sa loob-loob ni Mamerto ay sobrang hiya ang naramdaman niya sa kapangahasan ng kanyang ama. Pero sa isang parte ng kanyang utak ay may naramdaman kasiyahan.Kasiyahan kung sakaling magiging sin g dalaga. Pero, teka, hindi yata iyon tama. Hindi ito ang kasintahan niya.

Nahilamos niya ang mukha ng palad. Ilang minuto na rin ang nakakalipas simula nang magpaalam ang mag-asawa. Bukas na sila magkikita-kita sa bayan para sa mahabang biyahe papuntang San Antonio. Napagkasunduan din nilang kasama siya. Dahil ayon sa kanyang magaling na ama ay sabik na sabik na siyang makita si Ferel. kahit hindi niya alam kung amy katotohanan ba ang pinagsasabi nito.

Bakit kaya hindi niya magawang tutulan ang lahat ng sinabi ng kanyang ama sa mag-asawa? Hindi kaya gusto nga talaga niyang makita ang dalaga? Paano si Lourdes? Hindi ba dapat na ito ang una niyang maging dahilan sa pagpunta sa San Antonio? Iwinaksi niya muna ang alaahanin niyang iyon at pinagpasyahang harapin ang ama. Nasa kuwarto ito.

“Tatay, bakit niyo naman po sinabi iyon sa mga magulang ni Ferel?” sabi niyang sumalampak ng upo sa banig na kinahihigaan ng Tatay niya. Nasa kanang bahagi nito ang asawa na si Minda at sa kaliwang bahagi at si Dina. Gising din ang mga ito.

“Bakit?” tanong nitong tinapunan lang siya ng tingin pero hindi umupo.

“Anong bakit? Nakakahiya po ang ginawa niyo,” maktol niya.

Tumawa lang ito at nakitawa din si Dina pati na ang Nanay niya.

Inis siyang huminga ng malalim. “Anong nakakatawa?”

“Tingnan mo nga yang itsura mo, Mamerto,” hagikhik ng Nanay niya, “para kang batang nahuling nagsisinungaling.”

“Kunwari ka pa. Hindi ba totoo naman na gusto mo talagang makita si Ferel,” salo ng ama niya, “at hindi lang yan, gusto mo din siya.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi siya makapaniwala na heto’t nagbibiro ang mga magulang niya habang nasa piligro naman ang buhay ng babaeng pinagkakatuwaan ng mga itong ireto sa kanya. “Tatay, hindi oras ngayon ng pagbibiro, pwede ba?”

Saglit sa tumahimik ang mga ito at nawala ang mga ngiti sa mga labi.

“At hindi si Ferel ang gusto kong makita, si L-Lourdes,” dugtong niya.

Si Lourdes nga ba talaga? Bulong ng utak niya. Ang gulo. Oo, nag-aalala din siya para kay Ferel pero ang dapat niyang pagtuunan ng pansin ay ang una niyang pinangakuan ng pag-ibig, at iyon ay si Lourdes. Pangalawa na lang si Ferel sa dahilan niya kung bakit sasama siya sa San Antonio. Pero hindi niya maikakailang may nararamdaman siya sa dalaga kahit pa dalawang araw lang niya itong nakasama. Hindi nga lang niya mawari kung anong klaseng damdamin iyon.

Napansin niyang hindi na muli pang nagsalita ang Tatay at Nanay niya. Nakapikit na ang mga ito pati na rin si Dina na himalang hindi nakisali sa usapang iyon. Humiga siya sa tabi nito at tumitig sa pawid na bubong.

Dapat sana ay makakatulog na siya dahil sa wakas ay nagkaroon na rin ng progreso ang paghahanap kay Ferel at kay Lourdes na din. Pero parang mas lalo lang nadagdagan ang mga bagay-bagay na bumabagabag sa kanya.

“Matulog ka na, Kuya.”

Nilingon niya si Dina. Ito ang nagsalita. Nakatagilid ito sa kanya na nakaharap. Titig na titig ito sa kanya.

“Huwag mo nang isipin ang mga sinabi ni Tatay,” sabi ulit nito.

“Bakit gising ka pa?” sa halip ay tanong niya na may halong inis sa boses.

“E, bakit ikaw gising pa?” pabulong na sabi nito na mas lalong inilapit ang mukha sa kanya.

“Hindi pa ako inaantok,” sagot niya na ginaya ang ginawa nitong magbulong sa kanya.

Ngumisi ito. “Ako, nawala na antok ko.”

“Kanina ka pa ba gising?”

“Oo, kami ni Nanay. Nakikinig lang kami sa usapan ninyo.”

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Bakit niyo ginawa iyon?”

“Alang nga naman lumabas pa kami ni Nanay at makipag-usap. E, hindi na tayo mag-kakasya doon sa may salas,” anito na inginuso ang labas ng kuwarto.

Tama ang sinabi nito. Masikip nga ang kubong iyon na ginawa ng Tatay niya para lang talaga sa kanila. Dalawang bangko na pang-dalawahan lang ang andoon sa sala. Pati nga ang nag-iisang kuwarto ay kasya lang sa kanilang apat. Para bang ayaw makatanggap ng bisita ng Tatay niya nang ginawa ang kubong iyon.

Umayos siya ng higa at inalis ang tingin sa mukha ni Dina. Ganoon din ang ginawa ng kapatid niya. Bukas na ang simula ng panibagong yugto ng buhay niya. Sana kasabay ng pagkalutas ng lahat ng problema niya ay mahanap na rin niya ang tunay na kasagutan tungkol sa nararamdaman niya. Ang pangako niya kay Lourdes o ang nararamdaman niya kay Ferel.

ALAALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon