Napahaba yata 'tong chapter, konti? I thought kasi matatapos ko na dito 'yong story pero hindi pa pala. ENJOY READING!
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo
Kinikilabutan si Ferel sa bawat makahulugang sulyap sa kanya ni Lucas. Nakangisi ito habang parang pinag-aaralan ang bawat kurba ng kanyang katawan sa pamamagitan ng pagtitig nito. Hindi pa rin ito lumalapit sa kanya at nananatiling nakatayo ‘di kalayuan mula sa kama.
Nakaalis na si Sylvia at silang dalawa na lang ang naiwan sa loob ng silid. Kaya mas lalo siyang natatakot sa mga susunod na gagawin ni Lucas. Maya-maya pa ay dahan-dahang itong lumapit sa kanya. Naupo sa gilid ng kama na hindi inaalis ang tingin sa mukha niya.
“Lucas, huwag…” paki-usap niya sa garalgal na boses.
Parang hindi nito naririnig ang sinasabi niya. Mas lalo pa itong lumapit at pilit na inaabot ang mga paa niya. Napapaatras naman siya sa bawat pag-usog na ginagawa nito palapit sa kanya.
“Parang awa mo na, Lucas…” Pilit niyang isinisiksik ang sarili sa ulunan ng kama.
Sa wakas ay nahawakan din nito ang kaliwang paa niya. “Hindi naman tayo magtatagal, Ferel.”
“Huwag…” hagulgol niya.
Hinaplos nito ang binti niya pataas hanggang sa biyas niya at pababa. Paulit-ulit nitong ginawa iyon. Hindi pa ito nakuntento at dumukwang pa ito upang maabot ang kanyang mukha. “Ibigay mo sa akin ang sarili mo Ferel…” bulong nito na isang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha nila.
Naamoy ni Ferel ang mabahong samyo ng mga sugat ni Lucas kahit pa nababalutan iyon ng tela. Nangilabot siya sa sinabi nito. Balak pala nitong angkinin siya. Hindi siya papayag sa gusto nito. Mas gugustuhin pa niyang mamatay kesa makuha nito ang hangarin. Pilit niyang pinatapang ang boses. Gusto niyang lumaban. “Hindi ako papayag sa gusto mo!” sigaw niyang nanginginig pa rin ang boses niya..
“Alam ko,” ngiti nito na hindi man lang ininda ang pag-sigaw niya sa mukha nito. “Kaya nga pipilitin kita.”
Pilit siyang nagpumiglas. “Pakawalan mo na ako, Lucas. Mamamatay muna ako bago mo makuha ang gusto mo!”
“Iyon kung hahayaan kitang mamatay,” sabi nito saka siya dinampian ng halik sa noo.
Naramdaman niyang tumaas ang pagkakahaplos nito sa mga binti niya. Lumagpas na iyon sa biyas niya. Damang-dama niya ang init ng mga palad nito na lalong nagpapabilis ng tibok ng puso niya sa sobrang takot. Masakit na ang mga kamay niya sa pagkakatali pero pilit niya pa ring kinakalas iyon pero parang walang nangyayari.
“Masarap ba ang halik ko, Ferel?” nakakaloko nitong tanong na akmang sa labi na siya susunod na hahalikan.
“Lucas!”
Mabilis na nilingon ni Lucas ang pinagmulan ng boses. Si Sylvia iyon. Humahangos ito. Dali-daling umalis si Lucas sa kama at hinarap ang dumating.
“Ano ba?” bulyaw nito na halatang nainis sa biglang pagdating ni Sylvia.
“L-Lucas, si L-Lourdes…” tutop ni Sylvia ang bibig na parang pinipigilan ang nalalapit na pag-iyak.
“Ano?” naiiritang tanong ni Lucas.
“Si Lourdes, n-nawawala!”
Si Ferel na nasa sulok ng kama ay nagulat din. Paanong mawawala sa Lourdes gayong hindi naman ito kumikilos kapag walang umaalalay dito? Ni hindi nga ito umaalis sa kung saan ito iniiwan ni Sylvia. Imposible talaga.
Hinawakan ni Lucas si Sylvia sa magkabilang balikat. “Paanong nawawala?”
“H-hindi ko alam. Hinanap ko na siya sa buong mansyon pero hindi ko siya makita,” hikbi nito.
BINABASA MO ANG
ALAALA
Mystery / ThrillerIsang malaking misteryo ang buhay ni Ferel. Nawalan siya ng alaala at hindi niya alam kung paano niya maibabalik iyon sa kanya. Dahil bukod sa kanyang ina ay wala nang nakakakilala sa kanya sa islang kinaroroonan niya. Alam niyang maraming lihim ang...