Next Book: The Superiors: Assassins

10.6K 280 12
                                    

Next book excerpts

Book 4: The Superiors: Assassins



"Susubukan mo bang tumakas dito?" tanong ni Josef habang inaayos ang pantalon niya.

"Now?" Ibinaling ni Armida ang atensiyon kay Josef. "I'm afraid not." Tinapos na niya ang pagbibihis at umupo sa upuang katapat lang ng kama kung saan nakapuwesto ang asawa. "Gusto kong malaman ang kalakaran dito sa loob." Kinuha niya ang pares ng medyas na nakapatong sa running shoes na nasa paanan ng kama.

"Hindi mo sinabi sa 'king may balak ka palang magpakasal sa iba nang di ko alam," sabi pa ni Armida nang maalala ang huling usapan nilang dalawa.

Natigilan si Josef at pinanood ang asawa niya. "Hindi mo rin naman sinabi sa 'king magpapakasal ka pala."

Tinapos na ni Armida ang pagsusuot ng sapatos at saka seryosong tiningnan si Josef.

"You can now start your mourning about the wedding. Sorry, wala kang ibang choice." Tinawanan na lang iyon ni Armida at saka bumalik sa salamin para mag-ayos ng buhok. "Anyway, two weeks before the wedding, nalaman kong siyam sa Superior position ang walang tumatao. And if I killed Diaz back in HQ, meaning, sampu na lang ang active ngayon sa puwesto."

Natigilan si Josef at pinanood ang asawa niyang mag-ayos. "Pero nakalagay sa status ng guild, dati ka nang may position. Ibig sabihin, siyam na lang silang nakaupo kasama ka. What's with that? May plano ka?"

Ipinusod ni Armida ang buhok at ipinangtali ang isang elastic band na ginamit pantali sa mga gamit nila at saka seryosong tiningnan si Josef.

"Aware ka bang Fuhrer ang nag-utos sa termination ng ibang Superiors? Hindi ko alam kung sakop 'yon ng Credo. May nangyari dito sa loob habang gumagawa ako ng gulo sa labas." Pumuwesto si Armida sa harapan ng lalaki. "Hulaan mo kung sino ang gumawa ng termination."

Napalingon sila sa direksyon ng pintuan nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at tumuloy ang isang lalaking nasa higit limampu ang edad at nakasuot ng damit na kamukha ng kanila, maliban sa kulay ng damit nitong kulay puti.

"How was the wedding, newlyweds?" bungad nito sa kanila.

"No. 99," magkasabay na bulong ng dalawa.


You can read the full story on The Superiors: Assassins

Project RYJO 3: The Foxy SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon