Epilogue

1.6K 126 25
                                    

Nasa simbahan na si Josef at nasa harap na ng altar, hinihintay ang bride niyang hindi pa rin niya nakikita kahit isang buwan na ang lumipas mula nang sabihin sa kanya ang tungkol sa kasal na iyon.

Nakasuot naman ng puting damit si RYJO. Balot na balot ang buong katawan niya. May takip din ang ulo niya. Nakaposas ang mga kamay at nakakadena ang mga paa. Pinanonood siya ng mga Superior na lakarin ang mahabang daan na pagdarausan ng pagbibigay ng sakdal sa kanya habang hawak-hawak siya sa braso ni No. 99.

Nakikita na ni Josef ang bride, bigla tuloy pumasok sa isip niya si Jocas. Hindi na niya matandaan ang itsura ni Jocas noong kasal nila. Hindi naman kasi siya nagkainteres na tingnan ang asawa niya noong kasal nila. Pero hindi gaya noon, hindi si Jocas ang babaeng papalapit sa kanya ngayon.

Balisa si RYJO habang binabasahan ng sakdal. Ang mga alters niya, wala na.

Wala na si Jocas.

Wala na si Jin.

Pati si Erah, wala na rin.

Pagkatapos ng araw na mawala ang mga alter niya, pakiramdam niya, mag-isa na lang siya.

"Richard Zach, do you accept . . ."

Richard Zach. Isang mapait na ngiti na lang ang nagawa ni Josef nang marinig ang pangalang iyon sa ministro. Ang daming umiikot sa isipan niya, hindi na niya nauunawan ang lahat.

Hindi nakasagot agad si Josef dahil parang nawala siya sa kanyang sarili sa loob ng ilang segundo.

"I repeat, Richard Zach, do you accept—"

"I do," pagsagot niya at hindi man lang pinatapos ang pag-uulit ng nagkakasal.

Nagulat si RYJO nang sa kabila ng kawalan niya sa sarili ay narinig ang isang napakapamilyar na boses na tumawag sa kanya.

"Armida Zordick . . ."

Hindi niya mahawi ang tabing sa mukha niya para makita ang harapan—para malaman kung tama ba ang nakikita niya. Natatawa na lang tuloy siya habang patuloy ang seremonya.

"Let us take a moment and send our prayers, our thoughts and our love to these rings, so that as they wear them, they will carry our love with them, as well."

Nakatungo lang at balisa si Josef habang isinusuot ang singsing sa daliri ng pinakakasalan. "With this ring, I thee wed."

Bigla niyang naalala ang singsing nila ni Jocas na itinago niya sa isang jewelry box pagkarating niya sa Citadel.

Bahagyang kumunot ang noo niya nang mapansin ang kamay ng babaeng hawak.

May mali sa nakikita niya.

"The giving of these rings and the joining of your hands, I now declare you to be husband and wife. Congratulations, you may now kiss your bride."

Nagtataka si Josef kung bakit nakaposas ang bride niya. Unti-unti niyang inangat ang belo ng bride na kapantay ng baywang nito.

Pagkakita ni Josef sa mukha ng bride niyang hindi niya agad nakilala dahil sa belo at ayos nito, mabilis niyang inalis sa mukha ng kaharap ang tela at kinuha agad ang kamay nitong nakaposas.

"Surprise . . . husband."

Napahilamos agad siya ng mukha at hindi alam kung ngingiti ba o maluluha.

Walang ibang nasabi si Josef kundi . . .

"Ikaw na naman?"


-----

Project RYJO 3: The Foxy SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon