20: Piece of Truth

1.5K 101 1
                                    


Dali-dali ang takbo palabas ng bahay si Jocas. Hindi na siya gumamit pa ng hagdan at tumalon na lang mula sa terrace ng second floor.

"Laby, kunin mo yung baril sa may cabinet ng night stand!" utos ni Jocas bago pa makababa sa lupa ng garden.

"'Wag kayong lalapit! Kaya ko na 'to!"

Bumungad kay Jocas si Riggs na pinagtutulungan ng apat na lalaki malapit sa may gazeebo.

Napailing na lang si Jocas sa sinabi ni Riggs. Kitang-kita namang hindi nito kaya ang mga kalaban.

Tiningnan niya ang paligid. Wala roon ang mga maid ng bahay. Mabuti na lang. Tumakbo siya papalapit kina Riggs at sinipa sa leeg ang isang susugod sana sa binata. Inipit niya ang paa sa leeg nito at isinama sa pagbaba ng paa niya. Tumama ang ulo ng lalaki sa sementadong sahig ng pathway ng hardin.

"Sabi nang 'wag kang mangialam!"

Hindi pinakinggan ni Jocas ang sinisigaw ni Riggs. Hinatak lang niya ang buhok ng isa pang susugod sana sa kanya. May hawak itong combat knife at iwinasiwas sa mukha ni Jocas. Napaatras tuloy siya dahil doon.

"How dare you do that to me!" sigaw ni Jocas. Ipinaikot niya ang kamay sa braso ng lalaking umunday sa kanya ng saksak at ibinaon doon sa balat nito ang kuko niya. Buong puwersa niyang hinaklit ang balat nito at saka sinipa sa tiyan. Pumaling siya sa gilid at siniko ang mukha nito nang dalawang beses hanggang sa magkalat ang dugo sa mukha nito.

Nang bumagsak ang kalaban niya, saka lang niya nasilip ang lagay ng kapatid ni Josef.

Pinagtutulungan ito ng dalawang lalaki. Hawak ito sa braso ng isa habang tinututukan na ito ng kutsilyo sa leeg ng isa pa.

Kinuha ni Jocas ang kutsilyo ng napabagsak na lalaki at inihagis iyon sa sasaksak sana kay Riggs. Tumama ang patalim sa batok ng kalaban at bumagsak na lang sa lupa. Bumungad tuloy sa kanya ang gulat na gulat na si Riggs na may ilang patak ng dugo sa mukha.

"Argh!" Kinuha ng natitirang lalaki ang baril niya sa baywang at itinutok sa babae.

"Jocas!" sigaw ni Laby mula sa second floor at buong lakas na ibinato ang baril patungo sa kanya.

Nasalo ni Jocas ang armas at walang patumanggang nagpakawala ng balang tumama sa pagitan ng mata ng lalaking may hawak kay Riggs.

Putok ng baril ang nagpakalma sa sitwasyon nila.

Natulala na lang si Riggs kay Jocas na may hawak ng baril at nakatutok sa kanya. Kalmado lang ang ekspresyon nito sa mukha. Hindi seryoso, hindi galit, hindi naiinis—hindi niya alam kung paano nito nagagawang panatilihing kalmado ang sarili.

"Is this a drill?" inosente pang tanong ni Jocas habang diretso ang tingin sa binata. Itinutok niya sa kanan, bandang itaas, ang baril.

Bang!

Halos mapatalon si Riggs dahil sa gulat at kaba.

Hindi inaasahang bumagsak sa di-kalayuan ang katawan ng isang tao. Nagmula ang direksyon sa isang matayog na puno sa kabilang panig ng bakod ng bahay.

Ibinaba na ni Jocas ang hawak na baril. At dismayadong umiling kay Riggs. "Akala ko, kasama ka ni Josef at ng bunso n'yo."

Bumigat ang paghinga ni Riggs. Kunot na kunot ang noo at kuyom-kuyom ang kamao. "Hindi ka dapat nakialam," mahina niyang sinabi. "Hindi ka na dapat nakialam! Kaya ko naman silang lahat! Palagi silang pumupunta rito! Parati ko silang napapabagsak! Monthly training ko 'to, bakit mo—argh!"

Pinaikutan lang ng mata ni Jocas ang katwiran ni Riggs. "Don't be a brat, okay? Ni hindi mo nga sila napabagsak e."

"This is my house! This is our house! Mapapabagsak ko sila kung hindi ka nakialam!"

Project RYJO 3: The Foxy SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon