Nakakonekta na si Josef sa Citadel. At sa loob ng napakaraming taon, sa mga oras na iyon lang niya nasubukang kausapin ang taong halos isumpa na niya nang lubusan.
Nakikita ni Josef sa monitor ang mukha ng taong sumira sa pamilya niya, sa paniniwala niya, sa buong buhay niya—ang mismong taong kailangan niya sa mga oras na iyon para tulungan ang asawa niya.
Lalo niyang nakita ang edad nito. Alam niyang halos triple ang tanda nito sa edad niya pero naninibago pa rin siya. Iba kasi ang pagkakatanda niya sa itsura nito. Puro na puti ang buhok nitong may pagka-maalon gaya ng kanya. Nakasuot ito ng robe na kulay asul at pansin niya sa background ang kuwarto nitong puro na makina. Nakaupo rin ito sa wheelchair. Hindi naman ito mapayat at mukha namang malusog. At ang isa sa ikinaiinis niya, parang nakikita na niya ang magiging itsura niya kapag tumanda siya dahil kahawig din niya ito maliban sa kulay ng mata.
"Cas connected the line here in my office because of breaching. I didn't expect it to be you, Ricardo."
Gusto rin namang sabihin ni Josef na kahit siya ay hindi rin inaasahan ang pagtawag niya nang direkta sa Citadel. At kahit na sarili niyang lolo iyon, kakailanganin pa muna ng matinding dahilan para kausapin ang kadugong kinamumuhian niya. Kung hindi lang talaga kailangan.
"I want you to stop the castigation," diretsahang sinabi ni Josef. Ni hindi man lang binalak mangumusta o bumati man lang.
"I don't remember having a Leveler in our list of law breakers."
"It's the Assemblage's Rankers. HQ branch's agents."
Wala pa man ay nauubusan na ng pasensya si Josef. Gusto na niya ng diretsong sagot. Oo o hindi puwede lang ang kailangan niyang makuha. Ayaw na niyang magpaliwanag pa kung doon din naman tutungo ang lahat.
"You're not an agent anymore, son. But I would consider a deal from you as a Leveler. Not as a Ranker."
Nanunuyo ang lalamunan ni Josef at hindi na niya halos matagalang titigan ang monitor. Nakikita niya kasing inoobserbahan siya ng matanda. At ayaw pa naman niya niyon dahil alam niya kung gaano ito kagaling bumasa ng tao.
"Just stop it," pagdidiin ni Josef. Pilit na iniiwas ang sarili sa mga tanong na hindi niya alam kung paano sasagutin. Kahit na alam niya sa sariling hindi ang lolo niya ang tipo ng taong tumatanggap ng mga katwirang walang matibay na suporta para mapaniwalaan.
"They're here because they need to be punished under the rule they know. The burden is not yours to take but to that person they thought could save them from the Credo."
I know. Iyon ang gustong sabihin ni Josef pero hindi niya naisalita. Lalo lang niyang ipinilit ang gusto niyang mangyari.
"Just stop the castigation! Don't make me beg for it."
Biglang humalakhak ang nasa kabilang linya. Lalo lang tuloy siyang nainis. Alam naman kasi niya sa sariling sobrang estupido ng pakiusap niya, lalo pa't wala siyang matinong dahilan para sundin siya ng taong kailangan ay sinusunod nilang lahat.
"Spoiled and proud of himself. You never change, Ricardo."
Palalim nang palalim ang hugot ng hininga ni Josef. Kung siya lang ang masusunod, kanina pa niya pinatay ang video call. Wala pa man sila sa importanteng detalye, pakiramdam niya, basag na basag na ang pride niya.
"Just stop the castigation and bring them back here. All of them! And forget what RYJO did to Diaz!"
Tumaas na ang boses ni Josef, na lalo lang ding tinawanan ng kausap niya dahil nakikita siya nitong desperado sa gusto niyang mangyari kahit na wala pa siyang maliwanag na dahilan kung bakit siya nakikiusap sa mga sandaling iyon.
"Did you read the Criminel Credo, son?"
Napahimas agad ng noo si Josef. Usapang batas na naman at alam niyang iyon na ang katapusan ng usapan nila. Alam niyang kamatayan ang parusa sa ginawa ni RYJO. Pero ano nga ba ang magagawa niya? Ang sabi ni Laby, kaya niyang patigilin ang castigation. Iyon lang. Hindi naman niya inaasahang kailangan pa niyang magmakaawa para lang doon.
"I'm accepting it." Sumuko na si Josef. Mahina at desperado ang tono niya. At hindi pa rin niya nagagawang ituon ang tingin sa monitor ng computer. "I'm taking the Fuhrer's position."
"And what makes you think that that's enough for their lives? We are not above the Credo. We cannot break our law. We break ourselves against it."
Doon na napatakip ng mata si Josef gamit ang kanang palad.
"You are a coward. A selfish brat who took everything just to be on top. A heartless kid who never knew how to sympathize with people around him. You only think for yourself and never for anybody. This is not a child's play, Ricardo. Compassion is the last thing on your list that needs to be felt."
Doon pa lang, alam na ni Josef na talo na siya.
"But if you demand for it, I'll try to consider things. I know how hard it is for you to ask for a favor from me."
Agad ang tingin ni Josef sa monitor nang marinig iyon mula sa matanda. Diretso lang ang tingin nito sa kanya. Sinusukat siya at parang hinihimay ang mga desisyon niya kahit wala pa man siyang nababanggit maliban sa pagtanggap sa posisyon.
"I heard, your mother stays with Leonard Thompson. She lives with your other siblings."
Alam niyang hindi lang iyon narinig ng lolo niya. Pinasusundan at pinababantayan nito ang bawat kilos nila magmula nang isuko sila ng sariling ama para sa posisyon.
"You're taking the Fuhrer's place. You don't need anybody for your position. You don't need your family anymore."
Napapikit nang napakariin si Josef. Iyon na nga ba ang sinasabi niya.
Buong buhay niya, ang ina lang niya ang tanging naging sandigan niya. Ito ang bumuhay sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit nabubuhay pa siya. At gusto niyang mabuhay pa para lang dito at sa kaligtasan nito.
Iniwan sila ng ama niya para lang sa posisyon ng pagiging Superior, at ngayon, gagawin niya rin ang ginawa ng sarili niyang ama sa kanila? Gagawin niya sa sarili niyang ina dahil sinabi at inutos din ng taong dahilan kung bakit siya naulila sa ama?
"An agreement was made before you left here in Citadel, son. And I am hoping you are willing to sign again for a binding agreement between you and a friend of mine."
Nagtaka agad si Josef dahil wala siyang matandaang agreement na nagawa bago siya umalis ng Citadel. Masyado na iyong matagal. Ilang taon pa lang siya noon? Wala pa yata siyang labinlimang taong gulang.
"What agreement?"
"It was a prenuptial agreement."
"You mean, a marriage?"
"Exactly."
Mukhang may natatandaan na si Josef. At masyado pa siyang bata para isiping seryoso iyon noon. At kung iisipin din naman, hindi na nakapagtataka dahil masyadong mayaman ang pamilya niya sa ama. Kakailanganin talaga niyang makasal sa isa ring mayamang pamilya para hindi na kailangang magkaproblema gaya ng nangyari sa ama at ina niya pagdating sa mga titulo. At alam niyang sa lagay na iyon, kailangan na niyang isuko si Jocas bilang asawa niya. Lalo pa't hindi naman talaga si Jocas ang pinakasalan niya.
"You can save the Rankers once you agreed to everything I say."
You can save the Rankers. Iyon lang ang gusto at kailangan niyang marinig. Iyon ang solusyon sa mga problema niya. Tumango na lang siya.
"Okay. Agreed. Do what you want."
Ang Fuhrer na mismo ang nagpatay ng video call. Iyon na ang naging sagot nito sa sinabi niya.
Sa puntong iyon, paranggusto na niyang pagsisihan ang lahat.
---
BINABASA MO ANG
Project RYJO 3: The Foxy Slayer
AzioneIsang all-out war ang dineklara ni RYJO laban sa Superiors at sa Criminel Credo dahilan para makilala na ng lahat kung sino talaga ang pinakasikat na Slayer na kinatatakutan ng lahat ng associations. Anong mangyayari sa Meurtrier Assemblage, kay Raz...