36: Countdown of Happiness

1.4K 107 14
                                    


Nagpababa ng kinain sina Riggs at Laby habang naglilibot sa theme park. Hindi raw sila puwedeng sumakay ng extreme rides dahil baka bumalik ang kinain nila. Nakalibre na naman si Laby ng ice cream dahil nga ayaw siyang pagbayarin ni Riggs. Hindi tuloy niya alam kung pinaaandaran lang siya ng binata ng pagiging galante nito o ayaw lang talaga siyang pagbayarin dahil babae siya.

"Never ka ba talagang nagdala ng girlfriend mo rito?" takang tanong ni Laby habang ine-enjoy ang lakad at ang kinakain niya.

"Wala 'kong girlfriend," sagot naman ni Riggs. "Pa."

Agad ang taas ng kilay ni Laby at nagdududa ang tingin kay Riggs nang bahagyang tingalain ang binata. "Mukha ka namang madaling makakuha ng girlfriend a."

"Masyado pang maaga para doon. Saka wala akong time."

"Oooh. I didn't see that coming." Napangisi na lang si Laby. "Mukha ka kasing yung tipo na nagbibilang sa kamay ng girlfriend niya."

"Mukha lang. And besides, wala naman kasing deserving sa paligid. Why waste your time for that?"

Lalong lumapad ang ngisi ni Laby at dahan-dahang tumango.

"Nakuha mo siguro 'yang mindset na 'yan kay Shadow. Ay, gusto kong sumakay sa carousel," sabi ni Laby nang matanaw ang carousel sa bandang kanan nila.

"Tara."

Para kay Laby, superficial lang ang konsepto ng pakikipag-date, lalo na sa edad nila. Kung sakali man, mas mababaw pa iyon lalo na sa kung ano ba talaga sila.

Walang space for any romantic relationship dahil puwede iyong maging weak spot nila bilang mga agent. At kung sakali mang makaramdam siya ng kahit anong emosyon na may kaugnayan sa pagmamahal, isang tao lang ang naiisip niyang banggitin kung sakali man.

Hindi pa mahaba ang pila sa carousel kaya nakasakay agad ang dalawa. Magkatabi silang sumakay sa makulay na kabayo at nag-belt.

Tiningnan ni Laby ang paligid. Pakiramdam niya, lahat ng tao ay pinanonood sila sa mga sandaling iyon.

Wala namang kaso sa kanya ang tingnan ng mga tao sa paligid dahil sanay na siya sa mga pulong. Bago nga lang sa pakiramdam ang tingnan dahil mukhang masaya ang ride. Nakikita niya ang mga inosenteng mukhang hindi naman niya kadalasang nakikita sa trabaho. Humawak siya sa pole sa harapan at nginitian si Riggs na nag-aabang sa pag-andar ng carousel.

"Mga anong oras ka kaya hahanapin sa inyo?" tanong ni Laby.

"Maghahanap lang si Kuya kapag 48 hours na akong MIA. Si Raven, may sariling yaya. Si Mama, nasa bakasyon. I have my phone so puwede kong makausap si Daddy kapag tumawag siya."

Tumango na lang si Laby at umandar na rin ang sinasakyan nila.

Nakatanaw lang siya sa paligid. Pinanonood ang lahat na umikot habang taas-baba ang pakiramdam niya. Masaya ang pinatutugtog sa carousel. Parang sa music box.

Unti-unti, nilalamon na naman siya ng pag-iisip.

Bumabalik ang lahat sa kanya. Nawawala na naman ang kaunting saya. Malapit nang matapos ang araw. Base sa liwanag ng araw, pasado alas-dos na. Kung sakaling uuwi na si Riggs sa kanila, hindi siya puwedeng sumabay rito. Hindi na siya puwedeng bumalik sa bahay ng mga Thompson. Hindi rin naman siya puwedeng magtagal sa theme park kung tutulugan ang kailangan niya. Dapat bago magdilim, nakaalis na siya sa lugar na iyon.

Maghahanap na lang siguro siya ng taxi at pupunta ng train station. Kasya naman ang pera niya para makabili ng one-way ticket. Hindi siya puwedeng mag-airport dahil wala siyang dalang kahit anong ID. At kung sakali man, mas delikado kung may dala siya dahil mata-track siya ng mga taong naghahanap sa kanya.

"Hey, Labyrinth."

Naputol ang pag-iisip niya nang tapikin ni Riggs ang hita niya. Nakatayo na ito sa kaliwang gilid niya at nakababa na. Nadala na naman siya ng malalim na pag-iisip.

"Sorry, hindi ko napansin." Agad niyang tinanggal ang belt dahil nakahinto na ang sinasakyan nila.

"Come here." Nag-alok si Riggs na tulungan siya nitong ibaba kaya nagpaubaya na siya at hinawakan siya nito sa baywang. Umagapay naman ang dalawa niyang kamay sa balikat nito bilang alalay.

"You're spacing out," puna pa ni Riggs nang maibaba siya nito.

"Nag-iisip lang ako ng susunod na rides," pagsisinungaling niya. "Saka nakakaantok pala rito."

"Tell me about it." Inaya na siya ng binata sa exit ng carousel at ito na ang nag-aya sa susunod na sasakyan. "Doon tayo sa Big Boat, tara."




AT DAHIL ANG buhok talaga ni RYJO ang isa sa planong ipaayos ni Josef sa araw na iyon, dumiretso agad silang dalawa sa salon pagkatapos nilang kumain. Akala ng lalaki ay makaliligtas na siya sa kahihiyang dulot ng babaeng kasama pero nagkamali siya.

Matapos alukin ng upuan si RYJO sa harapan ng malaking salamin, pinapili na ito sa isang magazine ng hairstyle na gusto nitong ipagupit.

Gusto na lang ni Josef na patahimikin ang hairdresser na mag-aayos kay RYJO dahil isa pa itong gumagatong sa sakit ng ulo niya.

"Ma'am, may I ask, saang salon po kayo huling nagpagupit?"

"Ako ang gumupit sa sarili ko, may problema ka ba?" masungit na sinabi ni RYJO habang tinataasan ng kilay ang babaeng hairdresser sa reflection ng salamin.

"I'm sorry, ma'am. Next time, you can go to our salon for a nice haircut."

"No need. I have my own hairstylist," sagot agad ni RYJO habang naglilipat ng pahina. "Hey, Mr. Richard Zach, come here."

"Ano na naman ba?" mahinang bulong ni Josef at nilapitan si RYJO na mukhang nakapamili na ng ipagugupit.

"What do you think about this?" tanong ni RYJO nang ipakita niya ang pahinang mukha niya ang naroon bilang basehan ng isang gupit na kapantay ng collar bone ang haba, straight at rebonded, at mahogany ang haircolor. "I want this one."

Itinaas ni RYJO ang magazine para ipakita sa hairdresser.

Napahimas na lang ng sentido si Josef at napataas na naman ng magkabilang kamay para sumuko na. "Just—just do it," sabi niya sa hairdresser bilang pagsuko. "Just do her hair, please? In quiet. Thank you."

Tiningnan ng babaeng mag-aayos ang magazine, sunod ang mukha ng kliyente niya, balik na naman sa magazine.

"Oh. Okay, ma'am." Bigla tuloy kinabahan ang hairdresser sa nakita niya. Hindi naman nito inaasahang makikita niya bilang kliyente ang isa sa sample nila ng haircut.

"Don't cut your hair that way, next time . . . Erajin," paalala na lang ni Josef nang makaupo siya sa waiting area sa likuran nila.

Tinawanan tuloy siya ni RYJO. "Di ba, mas tamang sabihin mo 'yan kay Jocas kasi siya ang may gawa nito sa buhok ko? Mas normal siya, sabi mo, di ba? Kung ako lang, napupusod naman 'tong buhok ko."

Puntos na naman kay RYJO. Hindi alam ni Josef kung dapat pa ba siyang magpasalamat dahil matino-tino pa ang estado ng isipan ng kasama niya o lalo lang maiinis dahil durog na durog na nga ang pride niya, basag na basag pa ang ego niya dahil sa pamimilosopo nito.

"Sir, puwedeng magtanong?" mahinang bulong ng isa sa mga hairdresser din ng salon na nag-aayos ng mga gamit sa tabi ni Josef. "Asawa n'yo po ba si ma'am?"

Ikinalaki lang ng butas ng ilong ni Josef ang tanong na iyon sabay simangot.

"Minsan."


----

Project RYJO 3: The Foxy SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon