33: Wife's Pride vs Husband's Pride

1.4K 108 24
                                    


"Tagal pa?"

"Maghintay ka nga."

"Bakit ang bagal mo?"

Nakasimangot lang si RYJO habang pinanonood na maglakad si Josef palapit sa gate ng bahay ng mga Thompson. Kinailangan kasing sagutin ng lalaki ang isang emergency call na malay ba niya kung tungkol saan.

"Napakamareklamo mo rin, 'no? Ibang klase," naiinis pang sinabi ni Josef habang binabagtas ang pathway palapit sa gate.

Nakasuot ng casual na navy blue and black combination si Josef habang nakasuot naman ng pink na corsage dress si RYJO na regalo sana ng mama niya rito noong kasal nila. Siya dapat ang mag-aabot niyon kaso nakalimutan niya—o sinadya niyang hindi ibigay dahil baka isipin ni Jocas, siya pa ang nagregalo.

Hinagod ni Josef ng tingin ang babaeng nakasimangot sa harapan niya. Nakalugay lang ito, ni hindi man lang nag-abalang magsuklay ng buhok nitong hindi pa rin nagugupitan nang maayos magmula nang kutsilyuhin ni Jocas sa HQ. Base sa personality ni Jocas, alam niyang magugustuhan nito ang floral pink at corsage na disenyo ng bestidang hanggang tuhod. Kaso nga lang, hindi si Jocas ang nasa harapan niya kundi si RYJO. At kung tumayo ito habang nakapamaywang pa at nakaurong sa harapan ang kanang paa, para itong siga sa kanto na naghahamon ng sapakan sa kanya. Lalo lang hindi nakatulong ang suot nitong doll shoes na kulay pink din. Matangkad ang asawa niya, may kalusugan din kaya proportion lang ang sukat sa itaas na bahagi ng damit na haltertop. Kaso nga lang, hindi proportion ang attitude nito sa suot na damit. Napahimas tuloy siya sa sentido.

"Gusto mong magbihis ng iba?" asiwang tanong ni Josef. Mas bagay sa kilos ng asawa niya kung naka-red bodycon dress ito at naka-stiletto pa. Masyado kasing bossy ang aura. Hindi cute tingnan. Mukhang Barbie na makikipagsampalan anumang oras sa kahit sinong makakasalubong.

"Ang arte mo," deretsahang sinabi ni RYJO sa kanya. "Nakabihis na 'ko tapos pabibihisin mo na naman ako? Bakit? Pangit ba 'ko dito sa damit ko?"

"Hindi sa gano'n. Ang akin lang kasi . . . that's for Jocas."

"O! Sino ba ang magsusuot ng dapat kay Jocas, di ba ako rin? May iba ka pa bang Jocas na hinahanap?"

Kung hindi lang Slayer ang taguri sa kaharap niya, hinamon na niya iyon ng sapakan tutal pinaninindigan nito ang kilos.

"Fine." Pinilit ni Josef na magtunog mahinahon at ngumiti nang maayos at mabait kahit na mukha siyang pinangunguya ng ampalaya. "Can you act like Jocas?"

Agad ang taas ng kilay ni RYJO at siya naman ang nanghagod ng tingin kay Josef. "Sabihin mo na lang kung may problema sa kilos ko."

"May problema nga kasi sa kilos mo! Ano ba?" Gusto na lang sumuko ni Josef at umiyak sa di niya maipaliwanag na dahilan kasi nauubos ang oras nila kaiikot-ikot sa walang kabuluhang mga bagay. "Ayoko nang makipagtalo sa 'yo. Hina-highblood ako nang wala sa oras."

Inakbayan na lang niya si RYJO at halos kaladkarin na niya ito palabas kasi naiinis na siya pero wala siyang magagawa.

"I'm gonna call you Erajin for now," paalala niya. "I can't go around here calling you RYJO."

"Wala ka bang kotse?"

Nakagat agad ni Josef ang labi at napatingin sa kanan habang nagpipigil ng inis. Napapikit na lang din siya at halos lamukusin ang hangin dahil sa panggigigil.

"Gusto mo ng sparring?" alok niya sa babae.

"Game."

Napanganga na lang siya kasi hindi naman iyon ang ibig niyang sabihin.

"That was a rhetorical question!" singhal niya at bumitiw kay RYJO.

"You mean it," sagot nito na siguradong-sigurado pa habang tumatango. "I can feel it, man."

"I didn't—ugh!"

Napataas ng magkabilang kamay si Josef para sumuko. Wala nang pag-asa si RYJO, period.

"Gusto ko lang makasama si Jocas today. I don't know whatever your plan is, hindi ko alam kung saan mo balak pumunta, hindi ko alam kung ano na ang susunod mong gagawin, but please, can you spend this day with me, normally?"

Saglit pang nagtitigan ang dalawa. Nauubos na ang pasensya ni Josef. Mukha pang nang-aasar si RYJO.

"What's with Jocas, anyway?" mapanghamong tanong ni RYJO sa kanya habang tinataasan siya ng kilay at nginingisihan.

"She's my wife."

"And?"

"She saved me from everybody."

"Ah! Okay? Can you itemize how many times Jocas saved you?"

Muli na namang natahimik si Josef. Napatingin na naman siya sa malayo para makapagbigay ng sagot sa kausap niyang matigas pa sa bato ang ulo kung mangatwiran.

"Jocas . . . saved me. That's all I know."

"Ah! That's all you know. Okay? Fact-check, Mr. Richard Zach, I was the one saving your bloody ass from anybody—everybody, for the record. Jocas just like you to live, I was the one doing the dirty works. Ever since the War of the Union began up until this very moment. At kayang-kaya kong bilangin kung ilang beses kong isinakripisyo ang sarili ko para lang mabuhay ka. Now, tell me again, how many times did Jocas saved you?"

Checkmate.

Hindi niya alam. At kung bilangin man niya, tama si RYJO. Ito ang nagliligtas sa kanya at hindi si Jocas. At noong huling tumakas pa siya sa HQ, na kahit si Jocas ang nasa katawan ni RYJO, hindi rin naman siya nito sinamahan paalis.

Suko na siya. Gusto na lang niyang umuwi at matulog maghapon hanggang sunduin siya ng mga Guardian o kung sino mang tao ng Citadel.

"Jocas likes me. A lot." Nawala na ang pagtataas ng boses ni Josef at tumanaw na lang sa mahabang kalsadang nasa likuran ng kausap niya. "Hindi si Jin. Hindi si Erah. Hindi ikaw. So don't blame me if I'm looking for her kasi siya lang naman ang may gustong makasama ako. Just so you know, it's hard for me to asked you out. You're the Slayer. May tanga bang mag-aaya sa Slayer lumabas, ha? Now, what do you want me to say? 'Hey, Miss Erajin Hill-Miller, can I ask you out before this day ends?' Certainly, it's a no for you. Nobody will dare to ask Erajin Hill-Miller out, even me. You have my wife's body. So more likely, asawa ko ang aayain ko at hindi kung sino pa man."

Saglit na napangisi si RYJO sa lahat ng lumabas sa bibig ni Josef.

"Then ask Erajin Hill-Miller out."

Muli na namang nagtagpo ang tingin nilang dalawa.

"You're enjoying this, aren't you?" nagdududang tanong ni Josef. "All this shouting and arguments with me."

Natawa naman nang mahina si RYJO. "Not really."

Mukhang pinaglalaruan na lang talaga ni RYJO si Josef kaya sumubok na naman ang lalaki, baka lang sakaling pagbigyan na siya ng kausap.

"Fine!" Humugot muna siya ng malalim na hininga bago ulit makiusap. "Can you spend this day with me, Miss Erajin Hill-Miller . . . normally?"

At sa kauna-unahang pagkakataon, matamis itong ngumiti sa kanya. "Come on, Mr. Richard Zach. Let's take a walk."


-----

Project RYJO 3: The Foxy SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon