38: Final Goodbye

1.5K 110 10
                                    


Unti-unti na ngang lumulubog ang araw habang dahan-dahang umaandar ang ferris wheel na sinasakyan nina Riggs at Laby. Paisa-isa iyong nagsasakay ng mga tao bago pa tuluyang umikot.

Nakapuwesto sa kasalukuyan ang gondola nila sa bandang gitna dahil hindi pa napupuno ang lahat ng gondola ng ride.

"Para ka lang palang nag-sightseeing sa ganito," sabi ni Laby habang nakatingin lang sa malayo at tinatanaw ang kulay kahel na araw na hinaharangan ng maninipis na ulap. "Sana pala, sumakay na lang ako sa see-through elevator ng Central."

Nakasandal naman si Riggs sa gilid ng pinto ng gondola, nakapatong sa inuupuan ang kanang binti habang kinakalikot ang phone niya. "Ferris wheel ang madalas sakyan ng mga pumupunta rito kapag malapit na ang sunset. Ito kasi yung pinakamataas na ride saka romantic, sabi nila."

Saglit na sinulyapan ni Laby si Riggs dahil sa huli nitong sinabi. "Sabi nila."

"Mukha namang hindi romantic sa 'yo kaya sabi lang nila."

"Bakit? Romantic ba sa 'yo?"

"Hindi rin naman." Itinaas ni Riggs ang phone niya at kinuhanan ng picture si Laby na nakatanaw sa labas ng gondola. "This is the first time I brought somebody here na hindi ko naman friend o ka-close."

"Then why did you bring me here?"

Nagkibit-balikat lang si Riggs habang tinitingnan ang kuha niya kay Laby na maganda ang pagkaka-capture dahil sa liwanag ng araw. "Kasi sabi mo, di ka pa nakakapunta sa theme park."

"Oh really?" Natawa nang mahina si Laby. "Parang noong isang araw lang, kulang na lang, palayasin mo kami sa inyo."

"That's our house. And I don't even know you, guys. May mga pumupuntang Leveler sa bahay for my training. Malay ko ba kung isa kayo roon."

"You still want to avenge Shadow?"

Hindi agad nakasagot si Riggs. Tiningnan lang niya si Laby na naghihintay ng sagot niya.

"I don't know. Baka hindi na." Tinanaw na lang din niya ang labas ng gondola. Naka-isang ikot na pala ang Ferris nang hindi nila namamalayan.

"Masaya rin dito sa theme park kahit paano," sabi ni Laby habang pinanonood ang paglubog ng araw.

"Natural. Gastos ko e."

"Desisyon mo naman 'yon."

"Kung libre ka next week, puwede ulit kitang dalhin dito."

"Tapos tatawanan mo na naman ako."

Natawa na naman si Riggs nang maalala niya si Laby na panay ang tili sa sinakyan nilang ride. "Cute mo kaya."

"Shut up."

Muli na namang natahimik ang dalawa at tumanaw na naman sa labas ng gondola. Pangalawa at huling ikot na iyon at nagsisimula nang magbaba ng ibang nakasakay. Saglit na huminto sa pinakatuktok ang gondola nila.

"Pag-uwi mo mamaya, sabihin mo sa kuya mo, salamat sa tiwala."

Ikinataka naman ni Riggs kung para saan iyon. "Bakit hindi ikaw ang magsabi sa kanya?"

"Wala lang. Baka ma-late kasi ako ng uwi."

"Bakit? Saan ka pa pupunta?"

Hindi sumagot si Laby. Umayos na lang siya ng upo at hinintay na bumaba ang gondola ng ferris wheel.

"Aalis na ba kayo?" tanong ni Riggs na iniiwasang mahaluan ng lungkot kung sakaling oo ang isasagot ng dalaga.

"Hindi naman," pagsisinungaling ulit ni Laby. "Susulitin ko lang ang pamamasyal."

Project RYJO 3: The Foxy SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon