24: Wishes and Regrets

1.5K 105 14
                                    


Lalo lang lumalamin at lumalamig ang gabi. Bilang na ang mga oras nila sa bahay na iyon. Nasa terrace ng second floor si Laby at doon pansamantalang nakatambay. Nakatalikod siya sa pintuan ng terasa at nakaipit ang mga binti sa balustrade ng second floor. Nakatanggap na ng balita ang Gameboy ni Laby tungkol sa gagawing castigation sa loob na lang ng labing-isang araw.

Magandang ideya naman ang sinabi niya kay Josef na tanggapin nito ang posisyon bilang Superior. At hindi lang bilang Superior kundi bilang Fuhrer.

Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit ito nag-aalangang tanggapin iyon. Iyon na ang pinakamataas na posisyon. Hindi na makakanti si Shadow oras na tanggapin nito ang titulo. At isa pa, alam naman ng lahat na sobra sa pagiging ganid sa kapangyarihan ni Shadow. Kung oportunidad lang naman ang pag-uusapan, napakalaking oportunidad na iyon.

Pero oras na mawala si Laby sa poder ni RYJO sa mga oras na iyon, magagaya siya kay Shadow at sa nangyari dito anim na taon na ang nakalilipas. Lalabas siyang patay na sa mata ng lahat at walang matitira sa kanyang kahit na ano. At hindi pa siya handa kapag nangyari iyon.

"Hindi ba kayo marunong matulog?"

Napalingon si Laby sa likuran niya at nakita si Riggs na naglalakad papalapit sa kanya.

"Ikaw, bakit di ka pa natutulog?" pagbabalik ng tanong ni Laby habang sinusundan ng tingin si Riggs. "Half past eleven na kaya. Baka may pasok ka pa sa school, dito ka pa tumatambay."

"We don't go to school regularly. Teacher ang pupumunta rito sa bahay." Naupo si Riggs isang dipa ang layo kay Laby. Sumandal naman ang binata sa balustrada at tinanaw mula sa kinauupuan ang loob ng bahay. "Ikaw, wala ka bang pasok?"

Umiling lang si Laby at nag-inat. "Natapos ko na ang masteral course ko last April. Hinahabol ko ngayon yung doctorate ko. Pero baka matagalan."

"Masteral? Ikaw?"

Nakita ni Laby na hindi makapaniwala si Riggs sa sinabi niya. "May mga educational institution na tumatanggap ng accelerated and gifted students. Galing ako ng Sanglant Congregation," kuwento niya kay Riggs. "May sarili silang school na nagte-train sa mga intelligence officer. Sila ang may pinakamagandang educational training sa lahat ng association kaya karamihan ng intel sa bawat assoc, galing sa kanila."

"Magkasing-age lang ba tayo?" tanong ni Riggs dahil hindi pa siya nakaka-encounter ng kaedad niyang nakapagtapos na ni college man lang.

"Mas matanda lang ako ng buwan sa 'yo." Tumanaw si Laby sa malayo. Masyadong mataas ang second floor base sa lawak ng bahay na iyon para makita niya ang buong paligid. Muli na naman niyang pinanonood ang umiilaw na ferris wheel na malapit sa lokasyon nila. "Gaano kalayo ang theme park dito sa inyo?"

Napalingon tuloy si Riggs sa likuran at sinulyapang saglit ang umaandar na ferris wheel bago ibalik ang tingin kay Laby na nakatutok ang tingin doon. "Bakit? Pupuntahan mo?"

"Masaya ba ro'n?" inosenteng tanong ni Laby.

"Malamang, theme park 'yon e. Bakit? Hindi ka pa ba nakakapunta sa gano'n?"

Nagusot lang ang mukha ni Laby dahil sa tanong na iyon ni Riggs. Hinawakan niya ng magkabilang kamay ang railings at inugoy-ugoy roon ang sarili. "Office, kalsada, bahay. Doon lang ako puwedeng pumunta. Naghahabol kasi ako ng mga requirement. Wala akong panahong maglaro."

Tinitigan ni Riggs si Laby na nililibang na lang ang sarili sa puwesto nito. Iba ang pagkakaintindi niya sa posisyon niya bilang agent ng Asylum. May kalayaan pa naman siyang gumala kahit pa nagho-homeschool sila ng kapatid niya. Kahit paano'y naranasan naman niyang maglaro noong bata pa siya, kahit hanggang sa kasalukuyan naman. Hindi niya alam kung ano ba ang ginagawa ni Laby bilang PIC gaya ng pakilala nito. Pero alam niya, base sa trabaho ng mga squad leader sa AA, masyadong matrabaho ang pagiging officer. Halos hindi na nga nakikita ang mga ito dahil sa dami ng trabaho.

"Puwede ka namang pumunta," sabi ni Riggs. "Gusto mong samahan kita?"

Natigilan sa pagduduyan si Laby at nalipat ang atensyon kay Riggs. Alanganin ang reaksyon niya. Hindi mawari kung tatawa ba o sisimangot.

"Matutulog na 'ko," pagputol ni Riggs sa nakakailang nilang sitwasyon.

HINDI PA RIN nagigising si Jocas—o si RYJO. O baka mas tamang tawaging si Armida Zordick para kay Josef. Ang paliwanag ni Laby sa kanya, malamang na bumabawi ito ng pahinga dahil nagising agad ito matapos nitong gawin ang pag-diffuse ng bomba sa katawan niya.

Pangalawang beses na siyang iniligtas ng asawa. At lalo lang siyang nakokonsensya.

Nakatitig lang siya sa babaeng natutulog at lapat na lapat ang likod sa higaan. Nakapatong ang mga kamay nito sa bandang tiyan, gaya ng ayos ng mga prinsesa sa mga kilalang fairy tale.

Prinsesa . . . biglang naisip ni Josef. Napahilamos na naman siya ng mukha at tumayo na sa kinauupuang swivel chair na gamit ni Laby kapag naroon ito at gumagawa ng pinatatrabaho ni RYJO. Umupo siya sa kama katabi ng asawa at pinakatitigan iyon habang mahimbing na natutulog.

Siguro nga, matagal na siyang nasa labas ng Citadel. O matagal na niyang hindi nakikita si Cas. O dahil sinadya niyang kalimutan ang bawat parte ng isinumpang lugar na iyon. Noon lang niya napagtantong magkahawig nga ang asawa niya at ang Superior na tumayong magulang niya noon sa Citadel.

Napahugot siya ng hininga. Walang ibang mababasa sa mukha niya kundi awa para sa asawa. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula sa bawat atraso niya rito.

Kung doon ba sa pagbuwis nito ng buhay para sa mga bombang nasa katawan niya?

Kung para ba sa hindi magandang pakikitungo niya rito noon. Dahil ang alam niya talaga ay isa lang itong makulit na babaeng gaya ng iba na patay na patay sa kanya?

Kung para ba sa hindi niya pagbibigay rito ng Herring's Eyes sa auction dahil akala niya ay wala na sa kamay niya ang kayamanang habol nito noon pa man?

Kung doon ba sa dahilan kung bakit ito naging mamamatay-tao?

O dahil kasalanan niya kung bakit ito nagkaroon ng kakaibang problema sa utak at personalidad?

Dahil alam niya sa sarili niyang kasalanan niya lahat ng iyon. At nasa tabi niya ang pinakamalaking kasalanan niya.

Hindi dapat si RYJO si Armida Zordick kundi siya. At kung nagawa lang niyang iligtas noon ang prinsesang halos luhuran na ni Cassandra Zordick para sagipin niya, malamang na wala sila sa posisyon nila ngayon.

Muli na naman siyang napahugot ng hininga. Hindi na niya alam kung saan siya magsisimulang humingi ng tawad.

Sa maikling panahon ng pagsasama nila, noon lang niya nagawang hawakan ang kamay nito.

Malamig iyon—gaya ng pagkakakilala ng lahat kay RYJO. Napakakinis ng kamay nito. Bagay na hindi niya inaasahan dahil ang kamay na iyon ang kinatatakutang kamay ng lahat. Di gaya ng kanyang gumaspang na lang dahil sa nakagisnang trabaho at mga pagsasanay noon bilang magnanakaw.

Napapansin na niya ang mga bagay na hindi niya napansin noong kasal nila. Hindi rin naman niya kasi gustong pansinin dahil labag naman sa loob niya ang kasal pero wala siyang magagawa. Hindi lang niya inaasahan ang lahat.

"Patawad," malungkot niyangnaibulong. "Susubukan kong ayusin ang lahat. Para sa 'yo. Susubukan ko."

Project RYJO 3: The Foxy SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon