14: First Plan

1.4K 111 4
                                    


Yeeey! ayun, dedicated ang chapter na 'to kay Baby Ann slash Lunti hahaha Hi, Lunti! *Lunti talaga tinawag sayo nuh hahaha 

****************


Naihanda na ang guest room para sa mga bisita ng mga Thompson. Katamtaman lang ang laki ng kuwarto na sasapat sa dalawang taong titira. Dilaw ang kulay ng interior, orange ang mga kurtina, maging ang queen-sized bed at mga upuan. Nakadapa si Laby at nakapangalumbaba sa bandang dulo ng kama. Nasa harap siya ng laptop na ipinahiram ni Josef at halatang tinatamad sa ginagawa. Nakasandal lang si Josef sa pader na katabi ng pinto habang naka-de-kuwatro lang si RYJO sa club chair na katapat ng kabilang dingding at binabantayan si Laby.

"Ano? Matagal pa ba?" tanong pa ni RYJO habang naghihintay ng resulta sa ginagawa ng dalaga.

"Akala mo ba madali 'tong pinagagawa mo? Mas madali pang i-hack ang Pentagon kaysa CCS, 'no?" naiinis na sagot ni Laby.

"Ikaw ang Brain, dapat sisiw lang sa 'yo 'yan."

Tinantiya ni Laby ng titig si RYJO. "Ikaw kaya rito? Akala mo naman, madali lang lahat! Kulang ang dalawang araw para i-download ang lahat ng kailangang i-download! Personal laptop lang 'tong gamit ko! Manual ang lahat! Kung nasa HQ: Main Sector tayo, baka half day lang, hawak ko na ang buong security ng Citadel! Kung makapag-utos 'tong taong 'to!" Ibinalik niya ang pangangalumbaba at nakakunot ang noo habang tinititigan ang naglo-loading na malware na ilalagay niya sa security ng Citadel Control System.

"Two days?" Kumunot agad ang noo ni RYJO at tumayo na sabay pamaywang. "Two days pa? Maghihintay pa 'ko nang dalawang araw!"

"Wala ka nang magagawa. Kahit pa magwala ka diyan, wala ring mangyayari. Patayin mo man kaming lahat na nandito ngayon, kailangan mo pa ring maghintay," sabi ni Laby. Humiga na siya nang maayos at kumuha ng isang unan para yakapin. "Kailangan n'yo ng backup na PC kasi malo-low-bat na 'yang laptop. Hindi rin enough yung storage niyan para sa malware. Kailangan ko pa ng dalawang computer na may hardware, kahit one terabyte na storage lang para sa kailangang i-install. Ihanda n'yo na agad para mabago ko ang IP address. Mas matagal na preparation time, mas matagal na process."

Tiningnan ni RYJO si Josef. Binigyan lang niya si Josef ng you-know-what-to-do look. Nagtaas lang ng magkabilang kilay si Josef at pilit na ngumiti. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Tutungo na agad sana siya sa pinto ngunit . . .

"Wait!" Bumangon si Laby at lumingon-lingon sa paligid. "Sshh!"

Napahinto sina RYJO at Josef sa kinatatayuan at inobserbahan ang paligid. Kanya-kanya na silang reaksyon sa naramdaman.

Humalukipkip na lang si RYJO. Napailing na lang si Josef. Umalis naman ng kama si Laby at siya na ang nagbukas ng pinto.

Napataas na lang ang kilay ng dalaga dahil nakita niya si Riggs na nagmamadali ang lakad sa pasilyo ng second floor at mukhang kagagaling lang sa direksyon ng guest room.

Naniningkit ang mga mata ni Laby nang humakbang paatras at saka tiningnan nang may pagdududa si Josef.

"Bakit dito mo naisip na dumiretso, Shadow?" tanong ni Laby habang sinusukat ng tingin ang lalaki.

Kumpyansado si Josef na sumagot at nagpamulsa. "Bawal dito ang kahit sinong hindi miyembro ng pamilya. At walang mag-iisip na dito tayo pupunta."

"And you think it's safe here?"

Tumayo nang tuwid si Josef at humalukipkip. Tinantiya niya ng tingin si Laby bago magtanong. "You tell me. Alam mo kung kaninong bahay 'to. Do you think it's safe here? "

Tinantiya lang din ng tingin ni Laby si Josef. Nagkasukatan ng tingin ang dalawa. Si Laby na ang unang sumuko.

"Fine. Pero bantayan mo 'yang kapatid mo. Kapag nalaman kong nagsusumbong 'yan sa Asylum, ako mismo ang papatay sa kanya bago pa ako patayin ng mga taong pagsusumbungan niya," seryosong sinabi ni Laby.

"Do what you want. Bahala ka." Tumungo na si Josef palabas ng guest room. "'Yon ay kung mapapatay mo siya," huling sinabi nito bago isara ang pinto.

Tiningnan na lang ni Laby si RYJO na naiwan doon. "That boy is a Leveler at may direct connection siya sa President. Kung ayaw mong magkaproblema, ayusin mo ang tungkol sa kanya."

"He's not my business," sagot ni RYJO at bumalik sa inupuan.

"Once this plan leaks, he will. There's something wrong with your husband's family. I'll try to finish hacking the security ASAP." Bumalik na si Laby sa kama at kinuha ang laptop. "Kaya mo bang mag-provide ng mga gagamitin ko?"

"Of course. Ano ba?"

Sinulyapan ni Laby si RYJO na komportableng nakabalagbag ng upo sa upuan nito. "Na-decode ko na ang sixty percent, bukas ko na aasikasuhin ang natitirang forty percent. Mahirap gawin ang hacking gamit lang ang ganitong operating system." Ibinalik niya ang atensyon sa laptop na tapos na sa paglo-load. "Kailangan ko pa ng ibang gamit para doon. Kung maibibigay mo na agad ang kailangan ko bukas, mas maganda."

Natigil ang pag-uusap ng dalawa nang pumasok na naman sa guest room si Josef para magbalita.

"Nag-request ako ng computers under sa pangalan ni Mama. Ipe-prepare daw nila bukas."

"Kung bukas pa ang arrival ng mga equipment, bukas ko na lang itutuloy ang lahat ng trabaho." Iniligpit na niya ang laptop at ipinatong iyon sa nightstand na katabi ng kama pagkatapos ay prenteng humiga.

"'Yon na 'yon?" tanong pa ni Josef.

"'Yon pa lang 'yon. The remaining forty percent is the heart of the Citadel Control System. Susubukan ko pang remedyuhan ang firewall nila. Hindi basta-basta mapapasok ang CCS gamit ang ordinaryong computer lang. Kailangan ng kompletong gamit and information para doon. Delikado para sa 'tin ang ipinagagawa mo dahil may sariling satellite sila. Kapag na-trace nila ang location natin, asahan n'yo na ang mga missile sa labas ng bahay na 'to," sabi ni Laby sabay yakap sa isang unan at pumikit na.

"So, tutulugan mo na lang ang trabaho mo?" sarcastic pang tanong ni RYJO.

"Wala akong ibang magagawa kundi maghintay habang wala pa ang mga kailangan ko. And besides, I'm tired. 3 in the morning na rin. Kung kayo hindi tao, puwes ako, oo. Marunong din akong mapagod. Kailangan ko nang matulog, good night!" sabi ni Laby at nagtalukbong na ng kumot.

Umiling na lang si Josef at tiningnan si RYJO na nakasandal sa isang panig ng arm chair ng inuupuan at nakasabit ang mga binti sa kabilang arm chair naman.

"Wala ka bang balak matulog?" tanong ni Josef.

"Meron naman." Itinakip na lang ni RYJO sa mga mata ang kanang braso.

Kumunot agad ang noo ni Josef at nagpamaywang. "Diyan ka matutulog?"

"Don't forget to lock the door," sabi na lang ni RYJO. "Baka pasukin pa kami ng kapatid mo rito."

"Pero kasi . . . dapat do'n ka sa . . ." Hindi na naituloy ni Josef at hindi na sinabi pa ang sana'y sasabihin. "Fine. Good night." Lumabas na lang siya ng guest room at ini-lock ang pinto bago iyon isara at dumiretso ng kuwarto niya.

Gusto sanang sabihin niJosef na doon sana sa kuwarto niya matutulog si RYJO. Ipinahanda pa naman niyaang kuwarto para doon ito magpahinga, pero naalala niyang ang primary identityang nasa katawang iyon at hindi si Jocas. Baka kuwestyunin pa siya niyon kapagipinilit niya ang gusto niya.


----

Project RYJO 3: The Foxy SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon