35: #BulliedHusbandClub

1.4K 105 18
                                    

Wala pang kalahating kilometro ang layo ng nilakad ng dalawa mula sa bahay ng mga Thompson at nagustuhan naman ni RYJO ang nasisilayan ng mga mata niya.

"Did Thompson buy this place?" tanong ni RYJO habang sinusukat ng tingin ang malawak na damuhan sa kanan niya na dinidiligan ng lawn sprinkler.

"Binili lang ni Uncle yung bahay at lupa. Hindi naman niya kailangang bilhin 'tong buong lugar."

"That's weak."

"That's just," kontra ni Josed. "Anyway, this is the business area of this city." Itinuro niya ang harapan nila at nababasa na ni RYJO ang malaking design ng entrance sa harapan. "Name what you need, they have it. Every establishment, nandito na. I can give a tour if you want to buy something."

"The Edénne. Uhm-hmm. If I buy this place—"

"No!" putol agad sa kanya ni Josef sabay pigil sa kanya sa paglalakad. "You will not."

"What?" sabi ni RYJO sabay taas ng magkabilang kamay para itanong kung ano'ng problema sa sinabi niya.

"Nandito tayo para mamasyal, hindi para bumili ka ng hindi mo naman kailangang bilhin. Puwede bang kahit ngayon lang, magpanggap kang interesado na maging normal na tao kahit kaunting-kaunting-kaunti lang?" naiinis na sinabi ni Josef.

"Mukha ba 'kong normal na tao?" mabilis na sagot ni RYJO.

Itinutok na naman ni Josef ang magkabilang kamay niya sa mukha ng babae at nilamukos iyon dahil said na said na ang pasensya niya. "Hindi mo ba talaga kaya? Kahit ngayon lang. Para sa 'kin. Kumilos ka lang nang pang-tao naman."

Muli na namang natawa si RYJO at pang-asar na inilingan si Josef.

"Umuwi na lang kaya tayo? Malabo kang kausap e," dismayadong sinabi ni Josef dahil sukat na sukat na ang pasensya niya sa loob lang ng ilang oras.

"You're introducing a place in that salesman's tone! Of course, I'll buy it."

"I'm not telling you to buy it! Sinasabi ko lang sa 'yo na nandito na tayo!" sigaw ni Josef habang tinuturo yung lugar. "I know you're rich as hell, but not all things, kailangan mong bilhin! Holy mother of God. I just can't!"

Lalong humagalpak ng tawa si RYJO dahil sa itsura ni Josef na parang gusto nang umiyak. Pinagtinginan tuloy sila ng mga taong naroon.

"Stop that! Fuck, it creeps me out." Mabilis na hinimas ni Josef ang magkabila niyang braso. "I'd prefer that ahahaha laugh of Jocas than your villain-y laugh. Kung tumawa ka, para kang nagpabagsak ng isang buong bansa."

"Then don't do your salestalk to me, Mr. Richard Zach," natatawang tugon ni RYJO. "I'm gonna buy everything you sell." Siya na ang kumuha ng kuwelyo ng damit ni Josef at hinila na niya ang lalaki papasok sa business area ng lugar.

SA ISTRUKTURA PA lang ng paligid, alam na pulos mayayamang tao ang nakatira doon. Unang bumungad ang daan na may magandang landscaped pathway, sunod ay ang mamahaling kapehan sa kanan at donut shop naman sa kabilang gilid. Malayo pa lang ay tanaw naman na nila ang mataas na building pero mas tumaas pa iyon sa malapitan na masakit na sa leeg kung titingalain pa.

Pinagtitinginan ang dalawa habang kinakaladkad ni RYJO si Josef mula sa kuwelyo nito. Iba ang tingin sa kanila ng mga nakakasalubong. Titingnan silang dalawa sabay ngingiti o kaya tatawa nang mahina.

"Puwedeng bitiwan mo na 'ko? Kung makahatak ka kasi sa damit ko, parang ang laki ng kasalanan ko sa 'yo e," reklamo ni Josef.

"Ang arte mo kasi." Binitiwan na nga ni RYJO ang damit ng lalaki habang nililibot ang tingin. "Nagugutom na 'ko."

Project RYJO 3: The Foxy SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon