18: Behind Shadow

1.4K 116 3
                                    


Nasa sariling kuwarto si Josef at nagkakalkal ng mga gamit niya. Iilan na lang ang laman ng closet niya dahil karamihan ay nailipat sa bahay nila ni Jocas pagkatapos ng kasal. Hindi pa naman niya alam kung hanggang kailan sila sa bahay ng mama niya.

"Ehem."

Napalingon agad siya at tiningnan kung sino ang tumikhim nang malakas. Napakunot na lang ang noo niya dahil si Laby ang nasa pintuan at nakatukod ang mga kamay sa hamba ng pinto.

"Paano ka nakapasok dito?" inis na tanong ni Josef.

"This house needs better security," sabi agad ni Laby habang ipinakikita ang susing hiniram nito sa mga maid. "Ang bait ng mga kasambahay n'yo rito."

"Lumabas ka na bago pa kita kaladkarin palabas," banta ni Josef habang patuloy lang sa pagliligpit ng natitirang mga damit niya para ibalik sa closet.

Hindi siya sinunod ni Laby. Isinara lang nito ang pinto at sumandal sa tabi niyon.

"Joseph Zach. Does he ring a bell?" tanong ni Laby. Lumapit lang ito sa kanya at hinagis ang family picture sa kama. Nakakrus ang mga braso nitong sumandal ulit sa pader at seryoso siyang tiningnan. "What about Nightshade? Coincidence lang ba na ikaw si Shadow at si Richard Zach?"

Sinubukan ni Josef na huwag intindihin ang sinasabi ni Laby kahit na may ideya na siya kung saan tutungo ang usapang iyon.

"May rumor before na may anak si Nightshade sa isang . . ." Hinanap pa muna ni Laby ang tamang salita para sa gusto niyang sabihin. "Taga-labas? They took that child as the bastard of the monarchy. The cursed child of the guild, they say."

Natigilan si Josef at napahugot ng malalim na hininga.

"Ang kaisa-isang tagapagmana ng Fuhrer." Tiningnan ni Laby ang mga kuko niya. "Ang nawawalang uncrowned prince ng Zacharias monarchy. Ang bukod-tanging successor ni Nightshade. Apo ng founder ng guild at anak ng initiator ng Criminel Credo."

Hindi na nakapagpigil si Josef kaya nilapitan niya si Laby at sinakal ito. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa walang reaksyon na mata ng dalaga.

"Saan mo nakuha ang impormasyong 'yan?" Dinuro niya si Laby. "'Wag mong idadahilang sa computer pa rin dahil walang kahit anong info tungkol sa profile ko na may kaugnayan sa mga taong 'yon."

Pinilit pa ring lumunok ni Laby kahit nahihirapan na siyang makahinga. "Sa—sa tingin mo ba . . . m-magiging Supreme Intel ako . . . nang—nang walang dahilan?"

Binitiwan na rin siya ni Josef ngunit pinanatili nito ang masamang tingin sa kanya. Itinuro na lang nito ang picture na nasa kama.

"Saan mo nakuha 'yon?" tanong pa ni Josef.

"Sa bodega n'yo," tugon ni Laby, himas-himas ang leeg. "I found that by accident. I'm just looking for a quiet place to think."

Napapikit na lang si Josef at napabuga ng hangin. Doon kasi itinabi ng ina niya ang mga gamit niya noong bata pa. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Alam na ni Laby ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kanya.

"'Wag kang mag-alala, that will remain your secret. Kapag nalaman ng iba ang tungkol diyan, lalo lang akong mapapahamak. I've had enough trouble these past few days . . . or years."

"Dapat lang." Kinuha ni Josef ang picture at isinama sa mga gamit niyang ibinabalik sa loob ng closet.

"Your wife will kill all the Superiors," paalala ni Laby habang hinihimas pa rin ang leeg niyang sinakal ni Josef. "Including the Fuhrer and your father."

"That's her purpose. That's the project's purpose. Nakapili na ako ng kakampihan at si RYJO 'yon."

"But . . . kadugo mo ang papatayin ng asawa mo."

"Then so be it," kalmadong sagot ni Josef habang tinatapos ang pagliligpit ng natitirang gamit.

Nalitong bigla si Laby sa isinagot ng lalaki. "May galit ka ba sa kanila?"

"May galit man ako o wala, hindi mo na problema 'yon."

"Si Nightshade pa rin ang nakadeklarang pinakamagaling na magnanakaw sa lahat kahit sikat na si Shadow. He was and still is the Greatest Thief of All Time. Are you trying to take that title?"

"Do you think I'm aiming for that stupid title, huh, kid?" iritang tanong ni Josef kay Laby. "If I'm into that, tingin mo ba, pipiliin ko yung normal na buhay ko?" Itinuro niya ang direksyon ng bintana. "Hangga't hindi mo nararanasang mamuhay sa lugar na 'yon, hindi mo maiintindihan kung bakit kailangan nilang mawala."

Tinapos ni Josef ang pagliligpit at tinitigan nang masama si Laby na mukhang may gusto pang sabihin.

"You've been there, haven't you?" tanong pa ng dalaga. "Alam mong may choice si RYJO, di ba? Alam mong kaya niyang baguhin ang lahat—itong lahat ng nangyayari."

"RYJO was made to end the Credo. At dapat alam mo 'yan. Nanganib ang buhay mo noon dahil diyan!"

"Pero hindi sila puwedeng mawala."

Saglit na hindi nakatugon si Josef. Naghanap ng isasagot kay Laby.

"It's not about the war, Shadow," napapailing na sinabi ni Laby. "Alam mo ba kung bakit niya pinakukuha sa 'kin ang control sa Citadel? Kasi alam niyang hindi puwedeng mawala ang guild. She wanted to take over the control and make a deal na papabor sa panig niya. Hindi puwedeng may mamatay sa kanila."

"Hindi makakatulong 'yang ideya na walang dapat mamatay!" Napataas ang boses si Josef. "Para matapos ang lahat, may dapat mawala!"

Napailing si Laby sa katwiran ni Josef. Hindi kasi nito maintindihan ang punto niya at ng ginagawa ni RYJO.

"Josef, hindi puwedeng mawala ang mgaSuperior. Sila ang dahilan kung bakit balanse pa rin ang mundong iniikutannatin ngayon. Oras na mawala sila pati na ang Credo, mangyayari angpinakamalaking giyera na puwedeng maganap. Mag-aagawan ang lahat ng associationpara sa mawawalang puwesto ng Superiors. If you really know the purpose ofProject RYJO, dapat alam mong iyon ang punto ng lahat! She was made to end theguild to start that war of associations! Madaling patayin ang mga Superior,Josef! Ang hindi niya kayang kontrolin ay ang magiging resulta ng gagawin niya.Mas malaki ang mawawala sa kanya oras na mali ang piliin niya. It's not abouther versus the guild. It's about the associations versus our law. They won'tcall that project RYJO for nothing. If you don't get it, think again."



----

Project RYJO 3: The Foxy SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon