Nasa sala ng bahay ang tatlong magkakapatid—na matagal-tagal na ring nangyari magmula noong ikinasal ang kuya nila.
Masama ang tingin ni Riggs kay Josef na nasa mahabang sofa at nilalaro ang bunso nilang kapatid.
"Ano'ng oras ang dating ni Teacher Angie, hmm?" tanong ni Josef kay Raven habang hinahawi ang takas na buhok sa bandang pisngi ng bata.
"10," sagot naman ni Raven.
Tiningnan ni Josef ang sariling relos. 9:58 a.m.
"Miss Raven, nandito na si Teacher Angie," sabi ng isang maid kasama ang personal tutor ni Raven.
"Kuyaaa!" Sumimangot agad si Raven at tiningnan si Josef para sabihing huwag muna itong umalis doon.
"Raven, you have to study." Hinagod na lang ni Josef ang buhok ng kapatid at ibinigay na sa tutor. Nginitian na lang niya si Raven habang paakyat ito sa study room nila.
Hindi pa nila puwedeng dalhin sa regular school si Raven hangga't walang pahintulot ng President, kaya wala silang magagawa kundi mag-homeschool ito.
Naiwan na lang sina Riggs at Josef sa sala.
"Nagdala ka na naman ng problema dito sa bahay namin, Kuya," naiiritang sinabi ni Riggs. "Hindi porque pinapayagan ka ni Mama na gawin ang lahat ng gusto mo, gagawin mo na lahat."
"Kahit ano pa'ng sabihin mo, ako pa rin ang masusunod dito."
Napatayo sa kinauupuan si Riggs. "Nagpapasok ka ng mga Ranker dito sa bahay! Kailan ka pa sumuway sa rules ni Daddy?"
Ibinagsak na lang ni Josef ang katawan sa sofa at saka nahiga. "Yeah, right. Rules."
"Kuya!"
"The President knows everything, Riggs. You think, hindi niya alam na nandito ako? Kami?"
"That's the point! And besides, alam mo bang may ginagawang kalokohan yung asawa mo? Nakita ko siya kaninang umaga, tumalon siya sa bakod at duguan ang kamay! Kinakausap pa niya ang sarili niya! Saka paano niya nakilala si Mephistopheles? Pati na rin yung jumper girl na 'yon! Kilala niya 'ko! Kilala niya si Daddy! Alam niya ang tungkol sa Asylum!"
Parang balewala lang kay Josef ang mga narinig. Wala naman kasing kakaiba sa mga iyon. "Mga top agent yung mga kasama ko kaya tigilan mo sila."
"What—huh? Top agent? Yung asawa mo? Kahit yung walang decorum na jumper girl na 'yon? Mababa pala ang standard ng Assemblage sa pagkuha nila ng mga tao!"
"Will you shut your mouth?" iritang utos ni Josef sa kapatid. "If you want to know everything, call your father. Tell him three of the most wanted agents of today are here in his house. Why don't you try, baka magka-reward ka pa at tumaas pa ang level mo."
Napahinto na lang si Riggs sa narinig. "What do you mean?"
"Shadow, pinapatawag ka ng primary identity!" sigaw ni Laby habang bumababa sa hagdan.
Napalingon naman si Riggs sa hagdanan dahil sa gulat. "What did you—" Ibinalik niya ang tingin kay Josef na nakabangon na. Itinuro niya agad ang direksyon ni Laby. "Did she just call you Shadow? What the hell, Kuya? Are you back on your business again?"
Hindi na pinansin ni Josef ang pagkagulat ng kapatid. "Nag-stay ba siya sa katawan niya? Hindi bumalik si Jocas?" Lumakad na siya patungong hagdan.
"Nah. Pursigido talaga yung primary identity sa plano niya. She stays a lot outside her own mind these past few hours—or days."
Napailing na lang si Josef. "She really is." Napahinto siya nang si Laby naman ang mukhang papalit sa puwesto niya sa sofa. "Bakit nandito ka?"
"Dito muna ako. Ayoko ro'n sa harapan niya, nape-pressure ako. Pakitawag na lang ako kapag si Jocas na ang nandoon," sabi ni Laby at nahiga sa upuan kung saan naupo si Josef. "By the way, dalhan mo raw siya ng ice cream, kahit anong flavor," sabay ngiti nang matamis.
BINABASA MO ANG
Project RYJO 3: The Foxy Slayer
AcciónIsang all-out war ang dineklara ni RYJO laban sa Superiors at sa Criminel Credo dahilan para makilala na ng lahat kung sino talaga ang pinakasikat na Slayer na kinatatakutan ng lahat ng associations. Anong mangyayari sa Meurtrier Assemblage, kay Raz...