21: The Real Deal

1.6K 101 10
                                    


Matapos ang bahagyang pagtatalo, bumaba na si Laby at dumiretso sa may swing sa garden ng bahay ng mga Thompson. Umupo siya roon at kinuha ang Gameboy niya para mag-check ng updates.

Dismayado siya. Mukhang alam na rin ni RYJO ang katotohanan tungkol sa sarili nitong pamilya. Ang masakit nga lang, mukhang wala itong pakialam.

Temporary closed ang buong HQ at on-hold ang lahat ng mission ng mga low rank agent. Walang update mula sa Central. Mukhang hindi kasama ang Elites sa hinuli ng mga Guardian. Unfair para sa ibang commander, pero malamang na may kinalaman si Crimson kaya hindi sila kasama sa hinuli.

Pinatawag na rin ang ilang officers ng MA sa Citadel para magpaliwanag. Malamang na isa si Crimson sa dadalo roon.

Muli, tiningnan na naman niya ang profile ng mga Superior.

"Founder ng Citadel ang lolo ni Shadow. Co-founder naman ang kay RYJO. Pioneer Superiors ang parehong parents ni RYJO. Pioneer Superior din ang father ni Shadow. May issue 'tong Malavega kaya nandito sa labas si Shadow. Pero si Shadow pa rin ang nakatakdang pagpasahan ng posisyon ng Fuhrer. RYJO is running for a Superior position, as well."

Pumaling sa kanang gilid ang ulo ni Laby habang nag-iisip kung anong maitutulong ng mga nalalaman niya para sa magaganap na castigation sa mga kapwa niya Ranker.

"Kalahati ng guild, puro kadugo nina Shadow at RYJO. Alam kaya ng Four Pillars na—Shocks!" Naibaba ni Laby ang Gameboy at tumanaw sa langit habang nag-iisip ng connection ng lahat ng impormasyong nalaman niya. "Kung sakaling alam ng Four Pillars ang tunay na pagkatao ni RYJO, di kaya ginagamit lang nila ang kaugnayan ni RYJO sa mga nasa guild para pabagsakin 'yon?"

Ibinalik niya ang atensyon sa Gameboy at nag-search ng related info na naka-stock sa Citadel Control System. Nakabasa siya ng ilang related articles. Ilang confidential reports. Mga bagay na ituturing na kahihiyan ng guild na hindi na nabigyan pa ng pagkakataong ilabas dahil napigilan agad ang pagkalat.

"Alam nga ni RYJO ang tungkol sa nangyari sa kanya. Si No. 99 pala ang tinutukoy niyang nagpadala sa kanya sa Isle."

Hindi maganda ang family history ni RYJO base sa nakikita ni Laby sa screen ng Gameboy.

Wala pang kinse anyos naging Zenith si RYJO. Binansagang Most Wanted at Ultimate Assassin nang sunod-sunod na bigyan ng mga imposibleng misyong napagtagumpayan nito.

"Kung walang alam ang mga Superior sa content ng data na nalaman ko noon bilang Brain . . . oh, shoot."

Napanganga na lang si Laby dahil sa nakikita.

"Yung data ng Project RYJO. May kopya sila ng data! What the fuck?"

Bumagsak ang balikat ni Laby at natulala sa madamong lupa ng hardin. May kopya ang Citadel Control System ng Project RYJO. Ibig sabihin, wala ring patutunguhan kung ite-trade niya ang impormasyon tungkol sa data kapalit ng mga Ranker. Iyon pa naman ang isa sa pag-asa niya para mabawi ang mga kasamahan.

Wala sa sarili siyang napailing at pinilit maghanap sa paligid ng kasagutan sa mga plano niyang nabulilyaso nang lalo.

"We're doomed," dismayado niyang naibulong at napabuga na lang ng hangin. "Nawawalan na 'ko ng naiisip, nakakainis."

"Hoy, babaeng walang breeding," pambungad na pambungad ni Riggs habang naglalakad papalapit sa direksyon ng dalaga. "Nababaliw ka na siguro. Kinakausap mo na 'yang cheap mong laruan."

Dahan-dahang itinaas ni Laby ang ulo niya at naghuhumiyaw ang tingin niya ng "Ano'ng problema mo?"

"Alam mo bang uso na ang PSP, smartphones, at tablets? Panahon pa yata ng mama ko 'yang hawak mo. Ang cheap." Pumuwesto ang binata sa harapan ni Laby kung saan may sementadong bench na nagsisilbing bakod sa pagitan ng pathway at gazeebo. "Wala ka bang pambili ng mga latest gadget? Gusto mong bigyan kita ng pera?"

Project RYJO 3: The Foxy SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon