29: Unfulfilled Promise

1.3K 99 28
                                    


Para bang naghihintay na lang ng huling paghuhukom sina Laby at Josef sa dining room. Parehong hindi naubos ang kinakain at tinitigan na lang iyon. Nakasubsob ang ulo ni Laby sa mesa, nakapatong ang baba sa brasong pinagdikit habang nakatitig sa pagkain niyang lumamig na. Nakasandal naman si Josef sa inuupuan at nakatulala sa sariling plato.

Naputol lang ang nakabuburyong na katahimikan sa kanilang dalawa nang sumulpot si Mephist sa pintuan ng silid-kainan.

"Ano'ng ginawa n'yong dalawa?" bungad na tanong nito sa kanila na para bang siguradong-sigurado itong sila ang may kagagawan sa kung ano ba ang tinutukoy nito.

Walang sumagot sa kahit sino sa kanila.

"Hindi basta-basta kinakansela ng Citadel ang castigation para sa mabibigat na parusa," pagpapatuloy ni Mephist.

Wala sa huwisyong itinuro ni Laby si Josef.

"Magpasalamat ka na lang dahil hindi matutuloy ang castigation," sabi ni Josef at tumayo na.

"Ano'ng ginawa mo?" inis na tanong ni Mephist. Hinarap na siya ni Josef nang may diretsong tingin.

"Bagay na hindi kayang gawin ng kahit sino sa inyo." Tinungo ni Josef ang pintuan kung saan nakaposisyon si Mephist. "Nasaan ang asawa ko?"

"Hindi mo siya asawa."

"Asawa ko si Jocas."

"She is not Jocas!"

"You better stop pushing me on my limits."

Tinatamad na bumangon si Laby bago lingunin si Mephist. Umiling siya sa lalaki at itinuro ang itaas pagkatapos si Josef tapos nag-thumbs up at nag-sign language para sabihing Superior.

Bigla ang buga ng hangin ni Mephist nang makuha ang mensahe ni Laby at tiningnan nang masama si Josef. "Nandoon siya sa conference room."

Walang isinagot si Josef, nilampasan lang si Mephist.

"Hindi niya alam ang kung ano man ang ginawa mo," mariing sinabi ni Mephist.

"Hindi rin naman niya kailangang malaman."

Si Mephist at si Laby na lang ang naiwan doon matapos tunguhin ni Josef ang asawa.

Walang emosyon ang mababasa sa mukha ni Laby habang nakalingon kay Mephist. Diretso lang ang tingin ng lalaki sa dalagang bumalik sa upuan nito.

"Bago ako kunin ni RYJO sa HQ, narinig kong plano na ni Crimson ang lahat. Plano niya ang nangyari sa auction. Hinayaan niya si RYJO na patayin ang lahat ng bidders. Hinayaan niyang magka-offense ang Slayer sa elimination process para habulin siya ng mga Superior dahil lumabag siya sa batas ng Credo. Binigyan niya ng rason si RYJO para kalabanin sila. Hinayaan niya lahat at nandoon ka. If you're going to provoke a war after RYJO's defiance, sorry but it's not gonna happen. We need the Credo, Mephistopheles."

Nagtaas lang ng tingin ang lalaki nang makuha ni Laby ang lahat ng plano nila mula pa noong umpisa.

"Tinatraydor mo ang panig mo, Labyrinth. Alam mo ang laman ng data. Alam mo ang tunay na pakinabang ni RYJO sa giyerang 'to. Ginawa siya para dito."

"At ginawa ang Credo hindi para sa kapakanan ng mga Superior. Ginawa 'yon para sa kapakanan nating lahat."

"Hindi mo kilala kung sino ang kinakalaban mo, Labyrinth. May mga bagay na kailangan nating katakutan."

Nagbuntonghininga si Laby at isinandig ang ulo sa sandalan ng inuupuan. "Mamamatay tayong lahat kung di ko 'yon gagawin."

"Hindi dahil pumanig ka sa Credo, papanigan ka na rin ng Credo. Kapag hindi umayon sa 'yo ang mga Superior, papatayin ka nila gamit ang batas na pinapanigan mo. Kapag nalaman ni Crimson ang ginawa mo, papatayin ka rin niya."

Project RYJO 3: The Foxy SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon