37: Last Minute

1.4K 96 9
                                    


"Aaaahhh! Fuuuu—!" Panay ang tili ni Laby nang makasakay sila sa isang ride na malaking bangkang idinuduyan sila tapos biglang babaligtad. Pakiramdam niya, hinuhugot ang kaluluwa niya mula sa iba't ibang direksyon tapos maiiwan sa kung saan at bahala na ang sinasakyan nila kung ibabalik pa ba nito sa kanya ang kaluluwa niya o hindi.

Si Riggs naman na katabi niya, tawa nang tawa kasi sigaw siya nang sigaw. Nakikisigaw rin naman ito pero puro "Whoooh!" lang ang narinig niya at halakhak.

"Rigooooory Thompsooooon!" malakas na sigaw ni Laby. "Nakakainis kaaaaa!"

Imbis na sagutin siya, tinawanan lang siya ni Riggs.

Akala niya, biro-biro at kaartehan lang ang napapanood niya bago sila sumakay. Iba pala talaga kapag naroon na siya at nararanasan na.

Maliban sa kaluluwa niyang nawawala, pati pa yata lalamunan at boses niya, naiwan na rin sa sinasakyan nang sa wakas ay bumagal na iyon at mukhang hihinto na.

Hinihingal siya at masama ang tingin nang marinig na panay ang halakhak ni Riggs sa tabi niya. Alam naman niya sa sarili niyang ginusto niya iyon dahil sabi niya, maaarte lang ang tumitili sa ganoon.

"It was fun, right?" natatawang tanong sa kanya ni Riggs na lalo niyang ikinainis.

"Fun my ass." Padabog niyang inayos ang buhok niyang nagsala-salabit na dahil sa lakas ng hangin.

"Come on. Ferris wheel na tayo." Inalok ni Riggs ang kamay para alalayan si Laby makababa pero tinapik lang nito ang kamay niya.

"Sinasadya mo siguro 'to, 'no?" Padabog ding bumaba si Laby at nagmartsa papuntang exit.

"Hahaha! You asked for it."

"I hate you," pagsusungit ni Laby. "I'd rather go for a ride on a racing car travelling 200 miles per hour than this." Itinuro pa niya ang pinanggalingang ride. "It felt like I left my soul up there! Tapos tatawanan mo lang ako? Nang-iinis ka?"

Tinawanan na naman siya ni Riggs sabay akbay sa kanya at baba ng braso niya. Gumagawa na kasi siya ng eksena roon.

"Easy, hahaha!" Iginilid na siya ni Riggs habang naglalakad dahil pinagtitinginan na sila. "That's okay. First timer ka pa kasi."

"Don't touch me! Nakakainis!" Panay ang kibit ng balikat ng dalaga para lang alisin ni Riggs ang kamay nito sa kanya.

Lalo lang tuloy siyang naiinis kasi naiinis na nga siya, pinagtatawanan pa siya ni Riggs. Malay ba naman kasi niya na ganoon pala kalalâ ang sinakyan nila.

Naging mabilis ang oras nang hindi niya napapansin. Lalo pang bumilis dahil sa nasakyang ride na hindi pa ibinabalik ang kalahati ng kaluluwa niya. Pakiramdam niya, namanhid ang kalahati ng katawan niya at na-relocate ang mga laman-loob niya habang naiwan ang huwisyo niya roon sa ere.

"Here. Nang mahimasmasan ka." Kinuha agad niya ang inaabot ni Riggs na bote ng tubig para makainom siya.

Pansamantala silang naupo sa bench na kaharap ng ferris wheel at nagpahingang saglit. Ilang minuto na lang at alas-singko na. Unti-unti na ring lumulubog ang araw.

"Hindi naman kukunin ng ferris wheel ang natitirang bahagi ng katinuan ko, di ba?" sarcastic na sinabi ni Laby habang tinititigan nang masama ang harapan nila.

Saglit na natawa si Riggs at napailing. "Hindi lang 'yan advisable sa may fear of heights. Mukha namang wala kang ganoon."

Nakailang malalim na hininga rin si Laby bago kumalma at sumandal sa inuupuan nila.

"It was nice, right?" nakangiting tanong ni Riggs nang silipin ang mukha ni Laby na nakasimangot.

"What's nice? Me shouting my lungs out?" inis pang tugon ni Laby.

Project RYJO 3: The Foxy SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon