"Can I talk to Jocas . . . please?"
Mag-iisang oras na rin mula nang matapos mag-almusal sina Josef at RYJO. At nakatambay lang si RYJO sa sala ng bahay ng mga Thompson habang ilang beses nang nagmakaawa si Josef na kausapin ang "asawa" nito. Nakahilata lang siya sa mahabang couch sa sala habang nasa harapan naman niya si Josef.
"Kung gusto mong makausap si Jocas, ipatawag mo si Arkin. Kaya niyang ilabas ang mga alter ko," sagot ng babae habang ginagamit ang hiniram niyang pink na pink na tablet sa bunsong kapatid ni Josef para lang maglaro ng Tetris.
Napapikit nang mariin si Josef at halos panggigilan ang hangin dahil hindi na niya alam kung paano pa makikiusap kay RYJO. Malapit na siyang kunin ng mga taga-Citadel, at hindi naman siya papayag na ni isang salita, hindi siya makakapagbigay kay Jocas-sa asawa niya.
"Hindi mo ba kayang palabasin si Jocas kahit one minute lang, hmm?"
"Kung kaya ko e di sana di na tayo nagtatalo ngayon. May utak ka ba?"
Muli na namang nanggigil si Josef at kulang na lang, itaob na niya ang couch na inuupuan ng kausap dahil nakuha pang mamilosopo nito.
"Di ba, nakakapag-usap kayo, sabi mo?"
"O, ano ngayon?"
"Kailan mo siya makakausap?"
Natigilan sandali si RYJO at seryosong tiningnan si Josef. "Gusto mong magbigay ako ng appointment sa sarili ko? Alam mo, may talent kang manira ng araw. Ipagpatuloy mo 'yan."
Hindi alam ni Josef kung maiinis ba siya, maiirita, mapipikon, iiyak sa galit, o ano pang emosyon dahil naghahalo-halo na lahat sa sistema niya.
Puwede na siyang kunin ng mga tao ng Citadel anumang oras. Ito namang si RYJO, nagbabalak pumunta sa Citadel sa di niya malamang dahilan.
"Ano ba! Hindi ka marunong makisama?" Ibinagsak na lang ni Josef ang likod niya sa malambot na sandalan ng inuupuang sofa. Nakakaubos ng pasensya kausap ang primary identity ng asawa niya.
"Ano ba kasing kailangan mo kay Jocas?" irita pang tanong ni RYJO. "Magpapaalam ka? Paalam ka na."
"You're not my wife," katwiran naman ni Josef habang nakatitig sa chandelier sa itaas nila.
"Isipin mo na lang na kausap mo ang asawa mo. Maririnig ka naman niya."
"Pero hindi niya 'ko masasagot."
"Kanina pa nga kita sinasagot, di ka pa ba makontento? Ilan ba gusto mong sumagot sa 'yo? Sampung boses sabay-sabay?"
Agad na bumagsak ang balikat ni Josef dahil kaunting-kaunti na lang, papatulan na niya ang kausap.
"Ang lalâ ng ugali mo. Alam mo 'yon?" sarcastic na sinabi ni Josef. "Si Jocas, makulit lang pero tolerable. Si Jin, matino pa. Ikaw, hindi ko alam kung saan ka ilulugar."
"Sabihin mo na lang kasi ang gusto mong sabihin. Maririnig ka naman niya. Tell her, 'Jocas, I love you. Please, don't leave me.' Then I'll leave you afterwards."
"What the fuck are you talking about?"
"Ay, mali ba 'ko ng assumption?" natatawa pang tanong ni RYJO nang sulyapan si Josef na nakangiwi dahil sa sinabi niya.
"Gusto ko lang siyang ipasyal. Jocas will love that, not you. You just love killing people."
"Ay, talaga ba?" Natawa nang pilit si RYJO. "Kaya pala buhay ka ngayon. Usap nga tayo about how I love killing people. Serve the tea, please."
Napakuyom na naman ng kamao si Josef bago naglahad ng palad para makiusap na naman. "Can you just ask Jocas to come out? I'll talk to her for a minute-just a freaking minute-then we're good."
Nagtaas lang ng magkabilang kilay si RYJO at pinandilatan na naman ang tablet na hawak. Halatang pati ito, nakukulitan na rin kay Josef.
"You don't understand me. I want to talk to my wife."
"I know, Jocas is sweet and all. She's loveable and charming and everything nice, but you both are not meant to be, okay? Just tell me everything she needs to know, ako na ang magsasabi."
"Ang kulit mo."
"Wow, coming from you?" Napabangon agad si RYJO at hinarap si Josef dahil kahit siya ay naumay na rin sa kakulitan nito. "I'll be gone tomorrow. Lahat ng sasabihin mo, useless na."
"Then I want to spent the rest of the day with her before tomorrow comes! And I want you to let me!"
"Kaya nga I'm telling you to call Arkin, stupid!"
"No! Not him!"
"Then stop asking for Jocas! Isang kulit mo pa, may kalulugaran ka sa 'kin."
May sasabihin pa sana si Josef pero hindi na niya naituloy kasi nagbanta na si RYJO. At si RYJO pa rin naman ang kausap niya. Baka imbis na makarating pa siya sa Citadel nang buo, bangkay na siyang dalhin doon.
Ilang saglit pa at kumalma na silang pareho matapos pagtaasan ng boses ang isa't isa.
Sumuko na si Josef. Hindi na naibalik ni RYJO ang atensyon sa tablet, sa halip ay pinanliitan na lang ng mata ang lalaking nasa harapan niyang mukhang problemado at desperado talaga.
Ilang minutong katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Tinulalaan na lang ni Josef ang center table sa pagitan nila ni RYJO. Bumabalik na naman sa kanya ang ideya na aalis na si RYJO bukas at kukunin na siya ng mga tao sa Citadel. At hindi niya alam kung ano ang mauunang mangyari sa dalawa.
"I just want to spent a day with her," muling sinabi ni Josef sa malungkot na tono.
"Okay, fine. I'll go with you."
Alanganin ang tingin ni Josef kay RYJO na seryosong nakatingin sa kanya. "You what?"
"I'll go. With you."
"You're not my wife."
"I have your wife's body."
"Hindi mo naman kailangang magsalita na parang hino-hostage mo si Jocas sa sarili mong katawan."
"Gusto mo siyang ipasyal, di ba? Malay mo, bigla siyang magpakita kapag lumabas na tayo."
Saglit pang tinantiya ng tingin ni Josef ang sinabi ni RYJO. Di sigurado kung seryoso ba ito o nagbibiro lang. Kaso mukhang seryoso.
"Aalis ba tayo o tititigan mo lang ako nang masama?"
Ano pa nga ba ang magagawa ni Josef?
"May damit sa taas." Itinuro niya ang direksyon ng kuwarto niya. "Doon sa kama ko. Isuot mo na lang."
"Ba't parang masama pa loob mo?"
"Ay, halata ba? Sige na,sayang oras nating dalawa rito. Matagal ka pa namang magbihis."
----
BINABASA MO ANG
Project RYJO 3: The Foxy Slayer
ActionIsang all-out war ang dineklara ni RYJO laban sa Superiors at sa Criminel Credo dahilan para makilala na ng lahat kung sino talaga ang pinakasikat na Slayer na kinatatakutan ng lahat ng associations. Anong mangyayari sa Meurtrier Assemblage, kay Raz...