Hindi maka-get over si Laby sa lahat ng nalaman sa araw na iyon. Sanay naman na siyang natatambakan ng impormasyon pero hindi sa ganoong paraan. Lalo pa't iba ang alam niya sa kung ano ang nalaman niyang bigla.
Pasado alas-diyes na ng gabi. Sila na lang ni Josef ang kumakain sa dining room. Nagpapahinga na rin ang mga maid sa quarters ng mga ito para pagsilbihan pa sila. Nag-aaral naman si Riggs sa kuwarto nito habang tulog na si Raven. Hindi pa nagigising si RYJO at inisip na lang nila na bumabawi iyon ng pahinga dahil sa mga pinagdaanan ng pisikal na katawan nito magbuhat pa noong naroon pa ito sa HQ.
"Matatapos mo na ba bukas yung pinagagawa niya?" tanong ni Josef habang walang ganang tinatapos ang pagkain.
"Natapos ko na, kanina pa," sagot ni Laby. Sinulyapan siya ng lalaki. Nakita siya nitong itinutulak-tulak na lang ng kutsara ang kinakain at mukhang wala na ring gana.
"Paggising niya, sasabihin mo na bang tapos ka na?"
Napainom ng tubig si Laby. Pakiramdam niya, lalo lang siyang natutuyuan ng lalamunan. "Alam ko na ang tunay na pangalan ni RYJO."
Pasubo na sana ng pagkain si Josef nang matigilan. Inilipat niya agad ang tingin kay Laby na nakatutok pa rin ang atensyon sa plato.
"Armida Evari Zordick-Hwong ang pangalan niya."
Napakunot ng noo si Josef. "Zordick?"
"Yeah," tamad na tugon ni Laby at sinulyapan ang lalaki sa kabisera ng mesa. "Why?"
"I'm sure familiar ka kay Cas. She's one of the current Superior ngayon," kuwento ni Josef at isinubo na ang natigil niyang pagkain.
"Yes, I know her."
"Colleague siya ni Nightshade. Siya ang nagturo sa 'kin ng lahat ng dapat kong malaman pagdating sa spying and camouflage. Zordick din kasi siya."
"Cas is RYJO's mother. She's the daughter of No. 99, too."
Nabitiwan ni Josef ang hawak na kubyertos at buong pagtatakang tiningnan si Laby. Umaasa siyang nagbibiro lang ito sa mga sinabi sa kanya.
Nanatili ang malungkot na tono ni Laby. "She's gonna kill her family. Masyadong komplikado para sa kanya 'tong sitwasyon. She's not the begging-for-mercy kind of person pa naman."
"No." Iyon agad ang lumabas sa bibig ni Josef at napasandal na lang sa kinauupuan. "That can't be."
"Sana nga hindi, di ba?" Malungkot pa rin ang tinig ni Laby.
Napatingin sa chandelier sa itaas ng mesa si Josef. Tinulalaan niya ang bawat kumikinang na salamin ng aranya.
Naalala niya noon si Cas at ang pakiusap nito sa kanya noong kasagsagan ng kasikatan niya bilang si Shadow.
"Ang gusto ko lang, mailabas mo ang anak ko sa islang 'yon sa lalong madaling panahon."
Unti-unti, bumabalik sa kanya ang mga bagay na ayaw naman na sana niyang alalahanin.
"Ang prinsesang 'to ang magiging kalaban ko sa trono sa darating na panahon, tama?"
Muling nanumbalik ang mga desisyon niya noon. Desisyong dala ng galit. Dala ng sama ng loob. Dala ng paghihiganti sa lahat ng sumira ng buhay niya.
"Hindi ako bobo para hindi malamang kaya ako ang pinapupunta mo roon ay para palitan ko ang puwestong iiwanan niya bilang batang isasama nila sa proyektong paglalaruan lang ng Four Pillars."
Napahilamos siyang bigla nang maalala iyon. Bakit nga ba hindi niya agad naalala iyon?
"Uy, Shadow, ayos ka lang?" tanong ni Laby nang mapansing naging mas problemado pa sa kanya ang lalaki.
Nakagat agad ni Josef ang labi at naitukod ang mga siko sa mesa bago isubsob doon ang mukha. Walang ibang umiikot sa isipan niya kundi kasalanan niya lahat. Sobrang laki ng kasalanan niya kay RYJO. Sa anak ni Cas. Sa asawa niya.
"Damn it. Bakit siya—" Muli na naman siyang napahilamos. Bumungad sa kanya si Laby na takang-taka sa ikinikilos niya.
"May problema ka ba?" tanong ni Laby dahil hindi nito maintindihan kung bakit nagkakaganoon siya.
Napahugot ng malalim na hininga si Josef at puno ng pagkadismaya ang mukha. "How can I save her?"
"What . . . how can you save . . . her?" nalilitong ulit ni Laby. "Ha?"
Nakagat muna ni Josef ang labi at saka hindi makaling umiling na lang. "May paraan ba para hindi niya matuloy ang plano niya? Para hindi na niya kailangang pumunta sa Citadel? Para—para . . . para matapos na 'tong lahat."
Doon pa lang, ramdam na ni Laby na may mali na sa ikinikilos ni Josef. Pero kung ano man ang mali, saka na niya aalamin. Ngayon, mukhang nagkaroon na siya ng pagkakataon para isingit sa usapan ang plano niyang hindi babalaking tanggapin ni RYJO.
"May access na 'ko sa CCS," panimula ni Laby. "Nakita kong isa ka sa potential ruler ng guild. Sa pagkakaalam ko, dapat wala kang posisyon dahil sa kasunduan ng Fuhrer saka ni Nightshade dahil sa pagiging Malavega mo."
Lalo lang bumibigat para kay Josef ang lahat dahil nakakalkal pang lalo ang tungkol sa pamilya niya at sa issue ng pagiging broken family nila.
"Wala akong ibang nakitang info pero good news na rin 'yon para sa lahat. Wala pa nga lang permission sa panig mo. Oras na tanggapin mo ang posisyon na ino-offer sa 'yo, puwede kang mag-cast ng order para i-hold ang castigation sa mga Ranker. Kapag nabago mo ang mandato ng guild para sa kanila at sa kaso ni RYJO, maililigtas mo sila nang walang nasasakripisyo."
Lalong pinanghinaan ng loob si Josef. Iyon na yata ang pinakamalaking kasinungaling narinig niya sa tanang buhay niya.
"Imposibleng walang masasakripisyo," nanlulumo niyang sagot.
"Walang mamamatay oras na piliin mo 'yon, Shadow!"
Napailing na lang si Josef. Alam niya sa sarili niyang oras na piliin niya ang posisyon . . . siya ang mamamatay. Napapikit na lang siya at muli na namang napahilamos ng mukha. Bumabalik na naman sa kanya ang mga pagsisisi ng nakaraan.
"Gagawin ko na at hindi mo na 'ko kailangang bayaran ng kahit magkanong halaga. Ilalabas ko sa islang 'yon ang prinsesa . . ."
Ang kasunduan nila ni Cas—
"Pero sa dalawang kondisyon . . ."
Ang pagkakamali niya noon—
"Luluhod sa harapan ko si No. 99 para magmakaawang ilabas ko sa islang 'yon ang nag-iisa niyang anak . . ."
Ang pagiging ganid niya sa posisyon—
"At kapag natapos ko ang misyong 'to . . . akin na ang posisyon ng Fuhrer."
Mga kasunduang gusto na niyang kalimutan kahit pilit na naman siyang binabalik-balikan ng madilim na nakaraan.
"Sasabihin ko sa Fuhrer na ibigay sa iyo ang titulo niya kapag tumuntong na kayo sa tamang edad para pamunuan ang Citadel."
Siguro, kung hindi niyaiyon sinabi noon, malamang na wala siya sa punto kung saan kailangan na niyangmamili ngayon.
----
BINABASA MO ANG
Project RYJO 3: The Foxy Slayer
ActionIsang all-out war ang dineklara ni RYJO laban sa Superiors at sa Criminel Credo dahilan para makilala na ng lahat kung sino talaga ang pinakasikat na Slayer na kinatatakutan ng lahat ng associations. Anong mangyayari sa Meurtrier Assemblage, kay Raz...