19: Behind Her Name

1.5K 105 15
                                    


Nakuha na ni Laby ang lahat ng kailangan niya. Provided na ang tatlong computers at nagsisimula na siya sa pag-hack sa buong Citadel Control System.

Siya lang ang mag-isa sa guest room gawa ng pangungulit ng bunsong kapatid ni Josef na mamasyal daw silang magkakapatid. Si Jocas naman, lumabas para kausapin ang nagdala ng mga gamit na ginagamit niya ngayon.

Nagsimula na siyang mag-scan ng lahat ng information at data na puwede niyang mapakinabangan habang dini-decode ang system. Napakalikot ng mata niyang pasalit-salit sa tatlong monitor na nasa harapan.

"Kompleto sila ng lahat ng profile ng Superiors. Kahit ang origin hanggang sa present generation. This is nice. Ita-transfer ko na lang sa file ko, baka magamit ko sa future."

Ikinonekta niya ang Gameboy niya sa computer at isinalin ang mga file. Lalo lang lumalawak ang ngisi niya dahil walang tapon sa mga impormasyong naroon. Halos lahat ay mapakikinabangan.

"Joseph Maximillian Vereh Zach," pagbasa niya sa isang interesanteng profile. "Code: Nightshade. Superior Position: Person in command Initiator. Oooh, surprise, surprise. Shadow really looked like him a lot. Hindi na ako masosorpresa kung may magkamaling si Shadow si Nightshade."

Kada scroll niya ay may nababasa siyang magagamit pam-blackmail. "What? Pati history? Hmm. Anjanette Malavega, the mistress."

Sinilip niya kung tapos na bang i-transfer ang mga file sa Gameboy niya. Nakaka-forty-three percent pa lang.

Nag-scan siya ulit sa mga file ng mga Superior.

"Yoo-Ji Hwong, hmm. No. 99 do look like he's gonna kill the entire humanity with just a string." Nangalumbaba na siya habang nagbabasa. "He's just a director? Office work 'to, dapat isa siya sa implementing officer. Ano kaya'ng itsura ng opisina nito sa Citadel? Cassandra Zordick, wife? Ah, divorced . . . wait—what?"

Napaayos ng upo si Laby at inilapit pa sa screen ang mukha. "He was married to Cas? What the actual fuck!"

Madali niyang hinanap ang profile ni Cas.

"Cassandra Armida Zordick. This is Cas. Whoah, wait . . ." Inilapit niya ang mukha sa screen para lalong makita ang nasa monitor pagkatapos ay lumayo na naman para siguruhing tama ang nakikita niya. "I hope my eyes are wrong. Kung hindi ko kilala si RYJO, I must say, they look alike." Nagkibit-balikat na lang siya at binalewala iyon. Inalam pa niya ang history ni Cas para makita ang iba pang impormasyon. "Triple Agent, Agent Provocateur, Most Wanted Spy. Guild's Principal Agent. Child, Armida Zordick." Sinunod niyang i-check ang profile ng anak ni Cas. "Oh . . . oh no. No, no, no, shit, no."

Napanganga na lang si Laby at bahagyang tinakpan ang bibig. Hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya sa monitor.

"Armida Evari Zordick-Hwong. Third generation candidate for Superior position. Agent code: RYJO, S Class: Rank 1 assassin."

"Ano, tapos na ba?"

"Oh, sh—!"

Sa sobrang gulat, napatayo tuloy si Laby at pilit na tinakpan ang monitor gamit ang sariling katawan habang gulat na gulat na tiningnan si Jocas na nasa pinto.

Napalunok na lang siya at sinilip ang Gameboy niyang nakasaksak pa sa isang computer. Pasimple niyang tinakpan ng nakapatong na manual ang Gameboy niya.

"A-ano'ng . . . ano'ng g-ginagawa mo d-dito, huh? Saka matuto ka namang kumatok!"

"Kumatok?" Napatingin tuloy si Jocas sa pinto. "Bakit ako kakatok?"

"A-ano . . . n-nakakagulat ka kasi!" katwiran ni Laby. Napakagat na lang siya ng labi at napatingin sa ibaba.

"Ay, sorry naman. Okay, kakatok ako next time. Di mo naman sinasabi kasi." Lumapit na si Jocas kay Laby at sinilip nang kaunti ang mga computer screen. "Kumusta yung pinagagawa niya? Okay na ba?"

"'Wag mo na ngang tingnan 'to!" sabi pa ni Laby habang hinaharangan ang mga monitor.

"Bakit ba? Ano ba'ng meron diyan?"

"Pang-intel lang 'to! Intel ka ba? Hindi, di ba?" Kinapa ni Laby ang keyboard para ma-set sa standby ang main computer na gamit niya.

"Tabi nga!" Itinulak niya patabi si Laby kaya nakita niya ang monitor. "Ah, kaya pala ayaw mong ipakita. Wala ka kasing ginagawa. Uhmp!" Kinurot niya agad si Laby sa balikat. "Ikaw, ang tamad mo. Kapag nalaman ni Milady na wala kang ginagawa sa inuutos niya, lagot ka talaga!"

"Magtatrabaho na nga kasi ako!" Hinawakan na lang niya ang balikat na kinurot ni Jocas.

"Ang boring dito, wala 'kong nagagawa," sabi ni Jocas at ibinagsak ang sarili sa kama. "Kumusta na kaya sina Razele? Okay lang kaya sila? Mahigpit kaya ang guild pagdating sa castigation? Mga high rank official lang naman ang hinuhuli nila e. Ano ba ang ginagawa roon?"

Naupo na si Laby at bumalik na sa ginagawa niya. Sinisilip niya si Jocas sa reflection ng screen at inaabangan ang mga gagawin nito.

Tapos na ang uploading ng mga file kaya pasimple niyang tinanggal ang connection ng Gameboy niya sa main computer.

"Uhm, Jocas," nahihiyang tawag ni Laby.

"Yes?"

"Alam mo ba kung ano'ng totoong pangalan ni RYJO? I mean, yung primary identity mo?"

"Milady?" alanganing sagot ni Jocas. "We used to call her Milady kasi 'yon ang tawag sa kanya ni Daniel ever since we knew each other e. Other than that, hindi ko na alam. Parang ayaw niya namang alamin. Mas pinili pa nga niyang alamin ang history ng family ko bilang Jocas Española kaysa family niya bilang siya."

In-out na agad ni Laby ang profile ng mga Superior at inilipat sa main system ng Citadel.

Inikot niya ang inuupuang swivel chair at tumapat sa direksyon ng kama. "Paano kung may nakakaalam ng tunay niyang pagkatao? Kahit yung pangalan na lang niya, gano'n. Or parents, you know? Family history."

"Kung may nakakaalam, ako mismo ang maghahanap sa taong 'yon. Ay, teka . . ." Bumangon si Jocas at binato ng unan si Laby na nasalo naman agad nito. "Ikaw ang Brain, di ba? Kaya mo naman sigurong alamin kung sino talaga si RYJO," sabi niya habang nakangiti.

"Ha? Ah—ang totoo niyan . . . kasi ano . . ." Lalong naging alanganin ang pagsasalita ni Laby. "Paano 'pag nalaman ko nga? Ano'ng puwedeng mangyari? Ano'ng gagawin mo?"

Lalong natuwa sa posibilidad si Jocas. "E di, pupuntahan ko sila! Tapos tatanungin sila kung kilala pa ba nila ang anak nila. Parang yung ginawa niya sa parents ko, gano'n. Siguro naman, hindi nila ako itataboy kasi marami na rin naman akong narating bilang si Erajin Hill-Miller."

Bahagyang nailang si Laby sa tuwa ni Jocas. Kung alam lang kasi nito na ang sariling magulang ng primary identity niya ay kabilang sa mga taong gustong gantihan at patayin ni RYJO.

Napatingin sandali si Laby sa computer at ibinalik din ang tingin kay Jocas. Siguro, baka puwede niyang tanungin ito at sabihin ang ilan sa mga nalaman niya.

"Ano, Jocas . . . familiar ka ba kina No. 99 at Cas?"

Bang!

Napatayo agad si Jocas sa hinihigaan at si Laby naman sa kinauupuan bago nila tiningnan ang isa't isa.

"Putok ba 'yon ng baril?" tanong pa ni Laby.

Nagmamadaling sumilip si Jocas sa may bintana.

"Shit! Si Riggs!"

Project RYJO 3: The Foxy SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon