17: Room of Secrets

1.5K 101 7
                                    


Pagkalabas na pagkalabas ni Laby ng guest room matapos magbalita kina RYJO, dumiretso agad siya sa attic ng bahay ng mga Thompson. Doon lang kasi niya nahanap ang katahimikang gusto niya.

At gaya ng inaasahan, maalikabok doon ngunit hindi marumi. Tama lang para sabihing hindi iyon madalas linisin sa loob ng isang buwan. Maraming tambak sa loob ngunit halatang maayos ang pagkakasalansan at hindi lang basta ibinato roon para pabayaan. Bandang bintana pa iyon ng bahay kaya patatsulok ang porma ng kisame at hindi gaanong kalakihan sa loob. Malamlam na liwanag ang pumapasok dahil sa bahagyang nakabukas na bintanang napuno na rin ng alikabok kaya malabo.

"At last, lugar para makapag-focus," ani Laby at sumalampak sa gitna ng maliit na kuwarto.

Sa sandaling panahon na nandoon siya sa bahay nina Josef ay marami-rami na siyang nalalaman tungkol sa pamilya ng mga Thompson. Gamit ang isang modified mini computer na naka-camouflage bilang Gameboy niya, nagawa niyang malaman ang lahat ng gusto niyang malaman mula sa loob at labas ng bahay nina Josef.

Ang Gameboy niya rin ang nagsisilbing duplicate controller ng buong HQ Operating System. Mula sa Main Sector, sa Intelligence Agency, hanggang sa Main Core Security. Lahat ng camera, speaker, microphone, pati na ang communication networks—lahat ng iyon, hawak niya. Siya rin ang kasalukuyang may control ng buong monitoring system ng buong main building mula sa labas kaya natural lang na updated siya sa lahat ng nangyayari sa HQ kahit wala siya roon.

Nagkataon pang nagawa rin niyang i-hack ang lahat ng electronic devices at mga saved account, damay na ang ilang appliances ng bahay ng Asylum's President, kaya parang hawak na rin niya ang isang universal remote control. Suwerte niya dahil may ilang hidden accounts din siyang nakita matapos ang ginawa.

"Hmm. Bakit kaya walang info tungkol sa tatay ni Shadow?"

Panay ang scroll niya sa Gameboy at naghanap ng ibang detalyeng makakatulong sa kanya. Wala siyang ibang makitang impormasyon na puwedeng ipam-blackmail man lang kung sakaling magkakagipitan na. Ibinaba niya ang Gameboy at napatitig sa harapan niya.

"Saan ko kaya makikita . . ."

Dahan-dahang nanlaki ang mga mata niya nang matitigang mabuti ang nakasalansang gamit sa harapan.

May mga larawang naroon at magkakatabing nakahilera. Mabilis na gumapang si Laby para lapitan iyon.

Sa isang naka-frame na picture, nandoon ang magkapatid na Josef at Riggs. Maliit pa si Riggs, mukhang nasa apat o limang taon pa lang sa tantiya niya. Si Josef naman, sa tingin niya ay nasa disi-siyete o disi-nuwebe, hindi niya matukoy.

"Malamang sa mga oras na 'to, Shadow na siya." Hile-hilera doon ang mga lumang picture nina Josef at Riggs. Ang iba naman ay kasama ni Josef ang ina nito at isang photo album sa gilid.

Kinuha ni Laby ang photo album. Pinagpag niya ang napakakapal na alikabok at binuklat iyon.

"Puro si Josef at ang mama niya."

Nilipat pa niya nang nilipat. Pare-parehas lang ng laman. Puro si Josef at ang ina nito. Hindi naman nakapagtataka kung bakit nasa bodega na iyon, pero ang mas ikinatataka niya ay kung bakit wala si Josef sa mga naka-display na picture sa bahay ng mga Thompson kung doon ito nakatira. Iniisip niyang marahil ay bahay iyon ng President at stepson lang naman si Josef para dito.

"Siguro, tinatago siya ng pamilya ng mama niya sa ibang . . . oh shit."

Napanganga na lang si Laby sa nahintuang pahina at inalis pa sa loob ng cover ang picture para masilayan iyong mabuti.

"Oh no. Not him."

Para bang bumigat ang kamay niyang may hawak sa retrato at napatingin sa labas ng bintana.

"Kaya ba siya naging si Shadow?" tanong niya sa sarili.

Ibinalik niya ang atensyon sa larawan. Tiningnan niya ang likod ng picture. Napanganga na lang siya sa nakitang nakasulat doon.

"No freaking way." Lalong kumunot ang noo niya nang balikan ang larawan. Family picture iyon. Si Josef noong baby pa ito, ang mama nito, at ang taong malamang ay ama nito.

"This is insane." Isinilid niya agad ang picture sa suot na jacket at mabilis na lumabas ng attic para bumaba ng kusina dahil pakiramdam niya ay natuyuan siya ng lalamunan.

"His illegitimate wife declares an all-out war," mahina niyang iniisa-isa sa sarili habang naglalakad pababa ng bahay. "Alam niyang papatayin ng asawa niya ang mga Superior pero hahayaan lang niya?"

Tumungo na agad siya sa kusina at walang pasubaling nagbukas ng ref.

"He really needs to hide his identity with that—that level!"

Agad niyang tinungga ang nakitang orange juice kahit na alam niyang may may-ari na niyon.

"Alam ba niyang Superior ang tatay niya? Bakit siya pumapayag sa plano ni RYJO?"

"Hey!"

Napahinto si Laby sa pag-inom at napatingin sa direksyon ng entrance ng kusina. Nakita niya si Riggs na nakapamulsa at nakatingin sa kaliwang gilid. Halatang ayaw siyang tingnan.

"I can pay for the juice," katwiran agad ni Laby. "I can buy you a truck of this," sabi pa niya sabay pakita ng juice na iniinom.

Ikinakunot naman ng noo ni Riggs ang sinabi ni Laby. Hindi rin naman kasi sa kanya ang juice kaya malamang na kay Raven iyon. "I'm not here for that."

"Good!" puna ni Laby. "What's with you again?"

"Hindi ko 'to gagawin kasi sinabi mo. Gusto ko lang malaman kung sino ka bang talaga at ano'ng balak n'yong gawin dito sa bahay namin."

Napataas na lang ng kilay si Laby sa mga ikinikilos ni Riggs. Itinuloy na lang niya ang pag-inom dahil hindi naman pala kay Riggs ang juice, pero hindi pa rin niya inalis ang tingin sa binata.

"'Wag mong isiping sinusunod kita. Wala akong balak sumunod sa kahit sino kaya 'wag kang mag-isip ng kung ano-ano. Ginagawa ko 'to kasi—"

"Can you"—lumunok muna siya nang saglit—"Puwede bang diretsahin mo na lang ako."

Ibinaba na ni Laby ang bote ng juice sa katapat na mesa at pinunasan ang bibig.

"Fine." Nagpamaywang na lang si Riggs at tumingin sa bintana ng kusina. "Level 15, Neophyte trainee: Riggs." Nakasimangot siyang tumingin kay Laby. "Ngayon ka magpakilala."

"Oh!" Humalukipkip na lang si Laby at nakangiting tiningnan si Riggs. "Ibang klase din ang pride mo, 'no? Lakas! Trainee?" Natawa nang mahina si Laby. "Okay, I'm good with that. Iko-consider ko na rin 'yang introduction mo since hindi mo pa yata nababasa ang Criminel Credo."

Huminga nang malalim si Laby at inilagay ang mga kamay sa bulsa ng jacket niya.

"Since Leveler ka, I'll introduce myself to you properly as a Ranker." Naglakad na siya papalapit kay Riggs habang nakatingin nang diretso sa mga mata ng binata. "Class O: Rank 1, Zeta Intelligence Person in command, agent code: Labyrinth." Huminto siya sa tabi nito. "Alam mo na kung paano nakuha yung Laby." Tinapik niya sa balikat si Riggs. "Saka ka na magmalaki sa 'kin ng posisyon mo kapag wala na 'yang barcode sa 'yo at nabasa mo na nang buo ang handbook na pinababasa sa mga gaya mo."

Tuloy-tuloy nang lumabas si Laby ng kusina at iniwan si Riggs na nakanganga.

Hindi makapaniwala si Riggs sa narinig kaya hinabol pa niya si Laby para kumpirmahin ang sinabi nito.

"PIC? Ikaw? Teka, paano nangyari 'yon?" takang tanong pa ng binata habang sinasabayan si Laby sa paglalakad.

"Ask your brother how and why. Magka-batch lang naman kami." Kumaripas agad ng takbo si Laby paakyat ng hagdan.

"What do you mean by that?Hey!"



-----

Project RYJO 3: The Foxy SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon