Unang araw ng Oktubre. Sa isang bahagi ng bahay ng mga Thompson, may isang kuwarto roong binubuksan lang para sa importanteng meeting. At madalas na doon nananatili si Mephist kapag kailangan niyang kausapin si Riggs o kaya ang President. At kasalukuyang naroon ang lalaki kasama si Jin.
Kasalukuyan din namang nasa sala sina Josef at Laby. Iniwasan muna nilang dalhin o sabihin man lang na sa guest room pansamantalang nananatili ang dalawang bisita ng mga Thompson dahil lalo lang magkakaproblema kapag nakita ni Mephist ang mga gamit nilang computer. Nagpumilit si Riggs na sumali sa mga usapan nila pero wala itong nagawa nang bigyan na ito ng gagawin ni Mephist bilang bahagi ng assessment exam tuwing unang araw ng buwan.
"He had a point. Mephistopheles was a member of Escadron Elites," pagbasag ni Laby sa katahimikan nila. "He was with her since when? A decade and a half? Parang tunay na magkapatid na ang turing nila sa isa't isa. And besides, he even saved your ass and the Asylum's disgrace after you die—or left, at least. Technically, it's your fault why he left the Assemblage and became a Leveler."
Natutulala na lang si Josef. Gusto niyang pahintuin sa pagsasalita si Laby pero parang wala siyang lakas para magsalita pa. Hindi niya alam kung paano kokontrahin si Mephist. Ni hindi nga niya maipaglaban na may karapatan siya sa asawa niya dahil ang pinakasalan niya ay si Jocas Española—at alam niyang hindi talaga si Jocas Española ang babaeng kasama niya ngayon kundi si Armida Zordick. Paulit-ulit na umiikot sa isipan niya ang mga panunumbat ni Mephist.
"You never saved her . . . you never did, and you still could not."
Siguro nga, magmula pa noon, hindi niya kahit kailan nailigtas ang anak ni Cas—si Armida Zordick. At dala niya ang katotohanang iyon hanggang ngayon. Lalo nga lang bumigat ang lahat para sa kanya nang magpatong-patong ang kaugnayan nilang dalawa sa isa't isa.
"You can save her, Shadow. Kahit hindi na lang ang mga Ranker, kahit siya na lang," pagpaparinig ni Laby. "Connected ang linya ng computers sa satellite ng CCS. Go signal mo lang, ikokonekta kita sa kanila."
Hindi niya inaasahang aabot siya sa puntong iyon na kailangan na naman niyang mamili: Kung siya o ang ibang taong wala naman dapat siyang pakialam.
"You had a choice and you always choose yourself."
Kung pipiliin niyang iligtas ngayon ang asawa niya—o kung iligtas man niya ang lahat ng mga Ranker na sasalang sa castigation, mapipilitan siyang tanggapin ang tronong matagal na niyang tinanggihan. At ang nakakagalit sa parteng iyon, makikita na naman niya ang mga taong naging dahilan kung bakit abot-langit ang galit niya sa mga Superior at sa Criminel Credo.
Napapikit siya at napahugot na naman ng malalim na hininga bago iyon dahan-dahang ibinuga. Kailangan na niyang mamili.
LALO LANG LUMALAMIG sa loob ng conference room na nasa ikatlong palapag ng malaking bahay ng mga Thompson. Sinasakop ng liwanag mula sa nakabukas na floor-to-ceiling window ang buong silid. Nakaupo si Jin sa kabisera ng mahabang mesa at nakatanaw sa malayo kung saan lumulubog ang araw.
Inabutan na sila ng hapon doon. Maging ang tanghalian nila ay inihatid na lang sa kanila para hindi na sila lumabas pa.
Nasa upuan sa kaliwa niya si Mephist. May ilang tao itong kinakausap sa video conference. Ilang oras din iyon. Naririnig niyang tungkol ang usapan sa mga nahuli sa castigation. Alam naman niyang Leveler na si Mephist, pero malamang na hinahayaan ni Daniel na mangialam sila dahil isang miyembro ng Escadron Elites ang nagdeklara ng all-out war sa mga Superior.
Sa mga sandaling iyon, siguro nga ay may karapatan si Mephist na samahan siya kaysa kay Josef. Ito lang naman ang kilala niya sa mga sandaling iyon na matutulungan siya sa problema ni RYJO.
BINABASA MO ANG
Project RYJO 3: The Foxy Slayer
AksiIsang all-out war ang dineklara ni RYJO laban sa Superiors at sa Criminel Credo dahilan para makilala na ng lahat kung sino talaga ang pinakasikat na Slayer na kinatatakutan ng lahat ng associations. Anong mangyayari sa Meurtrier Assemblage, kay Raz...