CHAPTER 1
PARA kay Edward Barber na isang gentleman farmer, o isang magsasaka na nagtatrabaho sa kanyang taniman hindi para kumita nang husto kundi para magkaroon ng kasiyahan, ang buhay ay isang masayang paglalakbay.
Ang guwapong binatang ito na taga-Santiara ay hindi naniniwalang dapat siyang tumulad sa mga kapatid na kilala sa buong mundo.
Ayaw niyang maging kagaya ng kuya niyang si Tanner, na kinilalang henyo ng mundo dahil sa katalinuhan, na ngayo’y sa New York na nakabase at mayaman na.
Lalong ayaw din ni Edward na maging kapareho ng nakababata niyang kapatid na si Marco, na gaya ni Tanner ay tanyag naman sa global community bilang Olympic-medalist swimmer at kabilang na rin sa staff ni Barack Obama dahil sa galing sa computer.
Sapat na kay Edward na pagyamanin ang kanyang munting taniman sa paraang kasiyasiya sa kanya; segundaryo na lang ang kanyan pagkita.
Ang katabing lote ng Santiara ang pinagkakaabalahan ngayon ni Edward.
Ito ay bukod sa pagyayaman niya sa bahaging taniman ng Santiara.
May dalawa siyang tauhang tagasaka na siya ang namamahala sa tamang pagtatanim.
Tapos ng agriculture sa UP Los Banos si Edward, scientific farming ang kanyang ginagawa sa mga lupang kanyang tinatamnan.
Low-profile siya, ayaw na ayaw matulad kina Tanner at Marco na laging pinagkakaguluhan ng mga tagahanga at kababayan kapag umuuwi sa San Simon.
“Edward!”
Napatigil sa pag-aararo si Edward, ihininto ang traktora.
Padating ang kanyang ina mula sa bakuran ng Santiara, papasok na sa lupang nabili ni Edward.
Pinatay muna ng binata ang makina ng traktora.
“Mommy! What’s up?”
“Edward, dinalhan kita ng mainit pang spaghetti at pizza! Ako ang nagluto, masarap!”
Mainit ang araw pero napuprotektahan naman ng payong si Cora.
Si Edward naman ay protected din sa nakaka-damage na sikat ng araw, naka-long-sleeved shirt siya at sumbrerong balanggot.
“Kung hihintayin kitang umuwi, Edward, lalamig na ang pizza. Sayang naman, bagong concoction ko ito na kagagaling lang sa oven.”
Inamoy ni Edward ang spaghetti lalo na ang pizza.
“Smells good, wow!”
“Pinaghalong ground beef, chicken meat na may pineapple tidbits and mozzarella cheese ang toppings, sabi ng mga kapatid mo ay super-sarap.”
Kinagat agad ng binata ang mainit pa ngang pizza.
Two-thumbs up siya sa ina nang malasahan.
“Greaattt! Masarap po talaga, Mommy!”
Sumungaw ang ngiti sa mga labi ng ina, mababaw ang kanyang kaligayahan.
“Kainin mo rin ‘tong spaghetti bago ka magtrabaho.”
“Okay,” sagot ni Edward habang napapangiting pinakikiramdaman ang susunod na sasabihin ng ina.
Alam naman kasi niyang bukod sa dinalhan siya ng pagkain ng ina ay may iba pa itong kailangan sa kanya.
Na halos alam na naman niya.
Pero ang mommy niya ay halatang ayaw pang magsalita, siya naman yata ang tinatantiya.
Inubos naman niya ang pagkain nang hindi nabulunan. Hinayaan niya ang ina na sinusuri ang kanyang taniman.
“Mommy, tapos na po ako!”
Tinawag-kinawayan na niya ang ina.
Masiglang lumapit na si Cora.
“Inumin mo ‘yung fresh buko juice, Edward.”
“Tapos na po, inubos ko na.”
“Very well… now for the main event…”
“May sasabihin ka, Mommy?”
Ano kayang main event, naitanong ni Edward sa sarili. Tama kaya ang hula niya?
.... Itutuloy...
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)
FanfictionTRUE LOVE WILL COME ,, Ang Gustong buhay Ni Edward Barber ay Yong mabagal pero tiyak. Yong Simple pero Masaya. Kaya naman ang binatang Edward ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lu...