❤FINALE❤

1.2K 66 21
                                    

LAST CHAPTER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LAST CHAPTER

Napatalikod si Edward. Para magkubli ng luha. Ang daming mahihirapan kapag nawala si Marydale.

Ang ama nito na matanda na. Ang mga mahihirap na laging kailangan ang tulong ni Marydale.

God, why do you have to take her? Ako lang. Parang parusa sa akin. Dahil ang isang taong mas may meaning ang huhay ay mas makabuluhan kung naririto sa mundo.

“All our lives, hindi kami nakakalimot na mag-ama na mag-share ng aming suwerte. Nandidiyan ngayon ang mga batang regular na tinutulungan ng aming foundation, nakita mo ba? Nakita ko na tuliro sila, tingin sigurow nila sa aking anak ay isang superwoman na walang kamatayan.
She will die a very sad perso iyon ang napakahirap na tanggapin.”

Napangiti nang buong kalungkutan si Edward. Si Luis Johnson ay naturuan din palang mag-Tagalog, nino kaya? Ni Nanay Lorna ? O ni Marydale mismo.

Para namang nahulaan ng pilantropo ang nasa utak ni Edward.

“My daughter loved you so much na pati akow ay hiniling niya na mag-aral din ng Tagalog. Iba na raw kasi kung akow na ama niya ay matutow ng salita ng lalaki na dahilan para magkaroown siya ng interes na magtayow ng isang foundation, na tutulowng sa mga mahihirap ditow Pilipinas. The last time I was here, the only Tagalog words I know is Kumusta Ka? I learned your language fast, Marydale’s nanay is a good teacher. Marydale, too is a very effective teacher, kaya mas malalim pa raw tuloy akowng managalog kaysa kanila ngayown.”

May paghangang nakipagkamay si Edward kay Luis Johnson.

“Welcome to the Philippines, Sir.”

“Thank you.”

Mahigpit na nagkamay ang dalawang lalaki tapos sabay din silang biglaang napalingon sa heart monitor ni Marydale.

This can’t be right! This is just but a dream! nasambit sa sarili ni Edward.

Ang nakikita nila ngayon ay para ngang isang milagro. Si Marydale na gising na gising na, kahit humpak pa ang mga pisngi ay biglang nagkakulay, akala mo ay pinahiran ng mga talulot ng rosas.

“Dad?! E-Edward?!”

Sabay pang sumagot, daig pa ang nag-duet… sina  Edward at Luis Johnson ay hindi magkandatuto.

“My God! This is a miracle!”

Niyakap ni Luis ang anak.

“I love you! Mahal kita, my baby!”

“Cute kang managalog, Daddy!” Natawa si Marydale.

Nang si Edward na ang nasa harapan ng pasyente, walang prenong nangumpisal ang binata.

“I love you, Marydale! Minahal kaagad kita nang makita kita sa newspaper! I am a different person, I am not your dead boyfriend! I know hindi ka malilito kung sino ba talaga ako. I am laid-back, I am a slow-footed individulal, I hate changes… I am not materialistic … this is the real me.’

Nangislap ang mga mata ni Marydale.

“I don’t want to die. I want to live. Gusto ko nang lumabas sa ospital na ito, Daddy!”

Hindi pumayag ang mga doktor na ora-orada sa araw na iyon ay lalabas si Marydale.

Kinabukasan na nakalabas ang tinaguriang ‘modern-day lady of charities.’ Ang unang-unang nangyari pag-uwi ni Marydale ay ang pag-uusap nila ni Edward.

Pagpapaliwanagan, paghahamunan … at pagpapasakop sa isang commitment at magandang pangarap.

SILANG dalawa lamang sa condo unit ni Marydale. Sila ni Edward.

“Ulitin mo nga. Klarong pagbigkas, ha? With feelings.” Utos ni Marydale sa guwapong Pilipino.

Sumunod naman si Edward habang ang dalawang palad ni Marydale ay hawak niya nang buong pagmamahal.

“I love you very much, Marydale Maria Del Valle. I’ll marry you as soon as you are ready. You are my destiny. I’ll treasure you forever.”

Parang ice cream na natunaw ang magandang dalagang dayuhan. Edward is a prized catch. Laid back nga ito pero kahit hindi nagmamadali ay marami pa ring na-accomplish.

Yayaman ang agrikultura sa bansang ito kung katulad ni Edward ang mga katangian. Masipag at matalino sa pagpa-farm.

Sumagot din naman ang dayuhang maganda, sa pamamagitan ng kanyang very provocative lips na inihain niya para sa isang matamis na halik ni Edward.

....WAKAS....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon