33 Be A Man Edward haha

793 51 5
                                    

CHAPTER 33

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 33

Hindi kagaya noong mga missionary trips ng dalagang dayuhan na talagang sinasadya nang iwan sila ni Marydale.

Nakakasagabal daw kasi sa kilos ng dalaga.

Nagbabantay sa saradong pinto ng private room ni Marydale sa ospital ang tatlong personal bodyguards niya.

Humarang kaagad ito nang lumapit si Edward.

Nagtatagis ang mga ngipin ni Edward pero nakikiusap ang mga mata.

“Please, I just want to see her.”

Tinantiya siya ng tatlo. Nagkatinginan ang mga ito. Kilala nila ang binatang Pilipino.

Mayamaya ay mahina nang kumatok ang isang bodyguard sa pinto. Ang sumungaw ay si Luis Johnson.

“What is it?” mahinang tanong ng pilantropo.

Isinenyas ng bodyguard si Edward.

Kumunot ang noo ni Luis Johnson, matagal na tinitigan ang binata.

Saka ito lumabas at humarap kay Edward.

“What do you want?”

“To see her.”

“What for?” diretsong tanong ng ama.

“To ask for forgiveness. And to tell her, before it’s too late … that I love her. I love her the moment I saw her… I was just afraid that she will change my slow-paced life that’s why I pushed her back,” walang gatol na sagot ni Edward, buong katapatan.

Naningkit ang mga mata ni Luis Johnson.

“When she needed you most, you weren’t there to tell her these things.”

Yumuko si Edward.

“Mr. Del Valle , if I could only change what I did, I will.”

“What if she dies?” Umiiyak na pala ang ama.

Hindi nakasagot si Edward.

TITIG na titig si Edward sa napakagandang mukha pero hapis na hapis. Parang batang natutulog si Marydale, hapung-hapo, kulang na kulang sa pahinga.

Pero ang maraming hospital gadgets na nakakabit sa katawan nito ang palatandaan na matagal pa ang laban.

At kailangan nitong lumaban. At manalo.

Wala itong naririnig sa ngayon. Somewhere deep down ay may isang babaing nais nang sumuko sa buhay.

She has everything but she got nothing. Matagal nang walang kahulugan ang kanyang buhay.

Ang nagbibigay lamang ng direksiyon sa kanyang pagkatao ay ang pagtulong sa kapwa.

Pero tila hindi ito sapat. Kung ano iyung wala, kung ano iyung kulang… ay siyang napakamahalaga.

At nararamdaman ni Edward na siya ang kulang sa buhay ni Marydale. Ganoon ba siya kagago? Kung hindi pa lumalapit ang kamatayan kay Marydale ay hindi niya kikilalanin ang katotohanan sa kanyang puso?

Dahan-dahang hinaplos ni Edward ang maputlang mukha ni Marydale. Para sa kanya naman ay napakaganda pa rin nito. Ang mga matang kung ibubukas ay kulay green, ang mga pilik-matang kulay ginto, ang mga lips na makakapal, very provocative.

Ang buong katawan ni Marydale ay kulang na kulang sa nutrisyon, ang dextrose ay source of life niya ngayon.

“Her mom visited her yesterday. She had to leave, she is afraid of moments like this. My ex-wife hates sad situations. I just try to understahd her. Me? I will never leave my daughter. I’ll stay until she wakes up and asks to be taken home because I know that she doesn’t like hospitals.” Kahit luhaan ang ama ay parang nakangiti.

... Itutuloy....

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon