10

765 46 6
                                    

CHAPTER 10

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 10

NATUNTON din naman nina Marydale at Nanay Lorna ang kinaroroonan ng San Simon. Ito pala ay nasa Southern Tagalog, isang coastal area na nakatanaw na sa dagat ng Batangas.

Hustong nakapag-establish na ng tanggapan sa Manila para sa kanyang charity projects, si Marydale ay isiningit ang pagpunta sa San Simon.

Kasama niya ang tatlong bodyguards, sabihin pa. Sa isang rented car na may kasamang driver nakasakay sina Marydale at Nanay Lorna.

Nakasunod naman ang back-up car ng kanyang tatlong bodyguards.

Umiiwas sila sa media, sa kagustuhan ni Marydale na siya ring gusto ng mga bodyguards.

Mas panatag sila kung halos walang nakakakilala kay Marydale habang naggagala sa Pilipinas.

“Marydake, this is it na, ang beach ng San Simon. “Excited na itinuro ng yaya ang putimputing buhangin ng beach.

Sa di-kalayuan, ang Santiara ay natatanaw. Walang kaalam-alam ang mayamang dalaga na pareho na nga sila ng hanging hinihinga ng binatang hinahanap.

Pumarada sa tabi ng unexplored beach ang dalawang sasakyan. Bumaba si Marydale na nakayapak, ang sleeveless dress na maluwag ang palda ay nilalaro ng hangin.

Parang batang nagtatakbo sa kahabaan ng beach si Marydale.

Nakaalerto naman ang tatlong bodyguard, si Nanay Lorna ay nakasunod sa alaga pero naglalakad lang.

“Marydale, hintayin mo akooo!” sigaw ng yaya, hinihingal na.

“I love this place, Nanay! This is really unspoiled, hindi pa na-commercialized ng tao!” patuloy sa pagtakbo-pagtampisaw sa tubig ng tabing-dagat si Marydale.

But where is he? bulong sa sarili ng dalaga, na ang hinahanap ay ang kamukha nga ng yumaong nobyo. When will I see you?

NANG mga sandaling iyon, si Cora ay nasa loob ng kanyang dating bahay sa malapit sa beach. Ito ang bahay na naipundar niya noong dalaga pa, na naipagbili para matubos niya ang Santiara sa pagkakasangla.

Pero ngayo’y kanya nang muli ito, binili nilang muli sa mas malaking halaga, pinagyayaman niya minsan isang linggo.

Mahal na mahal ni Cora ang bahay na bahagi na ng makukulay na sandali nila ni Jerome.

Walang nakatira sa bahay na ito, bakasyunan lamang ng pamilya kapag nais namang namnamin ang naging buhay ni Cora noong ito ay dalaga pa.

Pagkagaling sa bahay ay nag-bike na si Cora sa kahabaan ng daan na pabalik Santiara.

Si Marydale ay namahinga muna, napagod sa pagtakbo-paglakad sa tabing-dagat.

“Nanay, ano kaya kung kunin ko na sa kotse ang copy ng Global Weekly? Ipagtanong mo na lang kaya sa mga tagarito kung kilala nila ‘yung kamukha ni Tyler?”

“Aba, okay ‘yon, Marydale. Mapapadali ang paghahanap natin sa binatang iyon.”

Sinagilahan na naman ng takot si Marydale.

“P-Paano pala kung hindi na siya binata?”

“H-ha?” Natigilan din ang yaya. “O-Oo nga, kung may mataray na asawa, hindi ka makakaporma, Marydale.”

“Or worst, paano pala kung he is… gay?”

“Gay? As in happy and gay?” inosenteng tanong ng yaya.

“No, gay as in… bakla…” nakayukong tugon ni Marydale.

“Tingin ko naman sa nasa cover ay lalaking-lalaki, Marydale.”

“Oo nga, nanay. Tingin ko rin ay 100 percent macho man siya. Wala akong problema kung gayon…”

“Kukunin ko na ba sa kotse ang cover at ipagtatanong ko na…?”

“Naku, huwag pala, nanay,” biglan pagbabago ng isip ni Marydale.

“Hindi pala dapat may makaalam man lang na parang front ko lang ang pagbibigay ng tulong sa mahihirap sa Pilipinas, na ang tunay na pakay ko pala ay makita ang lalaking kamukha ni tyler…”

“Tama ka rin diyan, Marydale,” sabi ni Nanay Lorna.

“Napakasagwa sa isang dalagang tulad mo na siya pang naghahanap sa lalaki.”

“Hindi ko naman ipahahalata, ma-pride din ako when it comes to love, nanay. The most na ay hangaan ko from a distance ang lalaking kahawig ni Tyler.”

.... Itutuloy....

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon