31

667 48 5
                                    

CHAPTER 31

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 31

Halos bulungan lang naman ang usapan ng lahat. Natatakot na maririnig sila ni Edward.

Alam nila na ang pangalan ni Marydale ay hindi pa malayang nababanggit sa kabahayan ng Santiara, lalo na nga kung nasa hearing distance lang ni Edward.

“Kawawa naman ang napakabata ko pang kaibigan.” Bumuntunghininga si Cora.

“Hope it’s not true na masama ang lagay niya.”

SA SANTIARA, lahat ay nababahala para kay Marydale. Ang litrato nito sa mga diyaryo ay nakakapagdulot na ng kung anu-anong mga haka-haka.

Tulong siya nang tulong sa ibang tao, sarili niya pala ay maisasakripisyo. Parang mali…” Si Cora ay nanghihinayang.

“Mom, do you still have her number?” Nagulat sila nang biglang may nagtanong.

Napalingon ang lahat, si Edward pala.

Sinipat na mabuti ni Cora ang anak.

“Tatawagan mo ang bahay nila, anak?”

“I have to. Para lang makabalita kung saang ospital talaga siya dinala. Inilipat na pala siya, e.”

“Well, anak… sana nga ay the same condo unit pa rin ang kanilang tinitirhan ni Nanay Lorna. Ang numero naman nila sa Amerika ay hindi ko alam.”

That was an attempt by Cora para mapatawa o mapangiti man lang si Edward na sobrang seryoso ang mukha ngayon, parang pasan ang buong bigat ng daigdig.

“Mom, kung meron kayo kahit anong number, susubukan ko lang talagang tawagan.” May urgency sa mababang boses ni Edward.

Ibinigay naman kaagad ni Cora ang phone number ni Marydale.

.....Itutuloy….

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon