CHAPTER 28
SINAMAHAN pa rin siya ng mga magulang sa pagpunta sa kalapit niyang farm, pagkatapos nilang kumain.
Natuwa si Edward sa nakita. “My God! Para akong hindi umalis, a! Ang linis ng farm, ang lulusog ng mga tanim!”
“Ang daddy mo ang nagdidisiplina sa dalawa mong tauhan. Alam mo naman ang daddy mo, talagang istrikto, hindi nangingiming magsalita o pumuna, kung may mali.”
“Mabuti na lang, anak… lagi tayong nagkukuwentuhan noon tungkol sa scientific farming mo, kaya nang nawala ka, hindi naman ako gaanong hirap sa pag-apply ng natutunan ko sa iyo, sa farm mo.” Inakbayan ni Jerome ang binata.
“My God, Dad! Ang galing n’yo rin pala sa lupa!”
“Iyang ama mo ay mahilig din naman talaga sa tanim! Hindi naman niya lalakihan ang compound ng Santiara kung wala siyang balak na magtanim nang magtanim sa paligid.”
“Marami na naman akong isi-share na knowledge sa iyo, Daddy… mga natutunan ko sa aking pag-alis.”
“Welcome home, Edward!” At niyakap ni Jerome ang anak na binata.
IBANG-IBA na ang buhay ni Marydale ngayon.
Obsessed na yata ang dayuhang dalaga sa kanyang misyon. Overworked na ito. Walang tigil sa pagtatrabaho.
Nagagalit na nga si Nanay Lorna, nagrereklamo.
“Ano ka ba naman, Marydale… kagagaling mo lang sa isang linggong food distribution sa Samar, kagabi ka lang umuwi, halata pa ngang kulang ka sa tulog, aalis ka na naman? I’m no longer happy with your kind of life!”
“Nanay, two big typhoons hit Quezon Province. The foundation representatives have to be there to give aids.”
“May mga tauhan ka naman na mapagkatiwalaan. Kahit minsan man lang, iasa mo rin sa kanila ang trabaho mo. You need to rest, Marydale.”
Pero parang walang narinig ang dalaga.
Hindi kasi alam ng kanyang yaya na ang trabaho ang gamot niya sa kanyang pangungulila.
Ang ligayang nakikita niya sa mga taong sagad sa hirap at kanyang tinutulungan ay sapat na pampatibay sa kanyang dibdib.
Kung wala ang sobrang commitment niya ngayon sa pagtulong sa kapwa ay baka maigugupo siya ng pangungulila.
Hindi nga niya alam kung sino ang mas pinangungulilahan niya, e. Ang kanya bang nobyo na matagal nang patay?
O ang kahawig nito na buhay na buhay pa, hindi nga lang niya alam kung nasaan na.
Marahil ay pareho lang. But as long as there is work, she can survive.
... Itutuloy...
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)
FanfictionTRUE LOVE WILL COME ,, Ang Gustong buhay Ni Edward Barber ay Yong mabagal pero tiyak. Yong Simple pero Masaya. Kaya naman ang binatang Edward ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lu...