9

748 46 7
                                    

CHAPTER 9

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 9

Ah, kung mababasa lang nila ang nasa puso at damdamin ni Marydale. I’m here in the Philippines. Pareho na kami ng hangin na nalalanghap ng guwapong binata ng San Simon, na carbon copy na yata ng aking si Tyler…

Habang nagpapalit ng damit ay napaluha na naman ang dalagang nangungulila sa yumaong nobyo.

I’ll make believe na ikaw ang binatang iyon, Tyler. Pero hindi ko ililipat sa kanya ang pagmamahal ko sa iyo, I promise…

“Nanay.”

“Marydale, bakit?” Nasa loob sila ng isang hotel suite. Ang tatlong bodyguards ay nasa karatig-silid, laging nakabantay naman sa mayamang dalaga.

“Nanay Lorna , alamin mo na agad kung nasaan ang San Simon. We are in Manila, right? Baka malapit lang dito…”

“Kinokontak ko na nga sa long distance ang pamangkin ko sa Pangasinan, Marydale. You just wait by and by.”

“Nanay, that is awkward English.”

“Oo na. E kahit naman kasi ako tumanda na sa Amerika sa piling mo, talagang mahina ako sa tamang Ingles, iha.” Nagda-dial na sa telepono si Nanay Lorna, long distance.

“May beach sa San Simon, therefore nasa tabing dagat ang pakay nating place, Nanay.”

“I know, Marydale, relax ka lang diyan.”

“I suddenly realized na baka hindi naman pala taga-San Simon ang kahawig na iyon ni Tyler, Nanay…” Lumarawan ang pangamba sa magandang mukha ni Marydale.

“Don’t be a pessimist, Marydale,” sagot ng yaya, “ang isipin mo ay magkita agad kayo.”

SA KABARET sa karatig-bayan ng San Simon, si Edward ay may binobola nang dalaga.

“May masarap na pagkain sa aking private cottage, At nag-iisa ako, nalulungkot.”

“Handa naman akong sumama sa iyo, kung tama ang presyo, Roger.”

Roger ang pakilala ni Edward sa dalagang taga-kabaret. Siyempre ay tinatago niya ang tunay na katauhan.

“Tama na ba ito, Rosy?”

Nanlaki ang mga mata ng belyas sa dami ng pera ni Edward na akala nga niya ay si Roger. Kumawit agad ito sa braso ng guwapong kostumer.

Saglit pa ay sakay na ng van ni Edward ang babaing magbibigay sa kanya ng kaligayahan sa gabing ito.

Nagi-guilty ba siya sa gagawin? Ito ang lesser evil. Mabuti na ito kaysa mag-asawa na ako at magkaroon agad ng responsibilidad. Sa ayoko pa ngang mag-asawa, e…

....Itutuloy….

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon