24

658 50 5
                                    

CHAPTER 24

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 24

Galit na galit talaga siya sa mga tao sa Santiara. Hindi kasi dapat sumikat at magkaroon ng magandang reputasyon ang mga ito, e.

Ano ba ang ina ng tahanan, si Cora? Hindi ba para na rin itong isang puta na pumatol ng isang gabi sa kanyang ama, mabawi lang noon ang Santiara na pag-aari na sana ng kanilang pamilya?

Ang lihim na ito ay marami ang nakakaalam sa Santiara. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi lantarang laitin ng mga tao ang mga taga-Santiara.

Para bang iginagalang pa rin sa kabila ng lahat.

Dahil ba ang mga anak nina Jerome at Cora ay maraming napapatunayan? Si Tanner ay isang henyong sumikat sa buong mundo. Si Marco naman ay Olympic gold medalist at isa sa mga importanteng tauhan sa kompanya ng Microsoft.

At ang nawalang si Edward, hindi ba sumikat din? Ang attic ng kanilang bahay ay halos puno pa ng mga inside pages ng mga magazines na kanyang pinakyaw, na si Edward ang cover.

Dapat pala ay sunugin na niya ang mga inside pages na iyon. Dapat ay madilaan na ng mga apoy ang mga iyon.

Siya mismo ang magsusunog ng mga papel na iyon para talagang masiyahan siya.

Para na rin siyang nagtatagumpay ngayon. Sa pag-alis ni Edward sa Santiara ay hindi na kumpleto ang mag-anak.

Hindi na kumpleto ang kaligayahan ng mga ito. At iyon naman talaga ang gusto niya, e.

Nag-utos kaagad si Nikkulas II na hakutin ng kanilang mga katulong ang mga papel sa attic.

Ipinalagay niya ito sa bakanteng lote na nasa labas ng kanilang napakalawak din na bakuran.

Nagmistulang maliit na bundok ang mga papel. Na mga inside pages nga ng napakaraming kopya ng magazine na si Edward ang cover, ang Global Weekly.

... Itutuloy….

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon