15 Edward Run Away

725 53 3
                                    

CHAPTER 15

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 15

Alam kasi niyang nasa salas ang mga magulang by this time. Tatakas na muna siya bago siya masermunan ng mga ito.

Mula sa bintana ng silid niya sa second floor ay tumalon sa katabing punong-mangga si Edward.

Parang unggoy siyang sanay na sanay na nagpalipat-lipat sa mga sanga hanggang sa makatalon siya sa labas ng bakuran ng Santiara.

Dalawa lang naman ang nakakita sa binata, ang dalawang batang kapatid na sina Cristian at Aizan.

Tuwang-tuwa ang dalawang bata sa mala-unggoy na acrobat ng kanilang Kuya Edward.

Dalawang minuto lang ang pagitan ng pagtalilis ni Edward sa pagpasok ng mga magulang niya sa kanyang silid.

“Natakasan tayo ng anak mong suplado, Jerome,” inis na himutok ni Cora.

“Saan nagdaan ‘yon?”

Palapit ang dalawang bata.

“Nakita n’yo ba ang Kuya Edward ninyo?” tanong ni Jerome.

“Opo, Dad!” natatawang sabi ni Aizan “Tumalon po sa puno ng mangga from his room!”

“Magaling pa siya sa monkey, wow!” sabi ni Cristian, “lumundag sa labas ng pader natin, may bag sa likod!”

Nag-panic si Cora. “Saan pupunta ang anak mo? Nakakumpromiso na ako kay Marydale, Jerome!”

“Alam ko kung saan siya matatagpuan, Cora.” Parang nakatitiyak si Jerome, inakbayan ang ginang.

SI Edward ay nagpatay ng lahat ng ilaw sa bahay na buong ingat niyang napasok.

Ito ang bahay ng kanyang ina na bakasyunan nila paminsan-minsan. Tanaw ito mula sa Santiara.

Sa second floor pumuwesto si Edward at nagpaantok sa tabi ng kama habang sinasamyo ang hangin na galing sa dagat, na buong layang pumapasok sa bukas na bintana.

Agaw-dilim na, halos ika-anim na ng gabi.

Walang kaalam-alam ang binata na siya ay naikumpromiso na ng ina sa isang sapilitang pakikipag-dinner date.

Sa babae pa namang kanina lang ay kanyang binalewala.

Agaw-tulog na si Edward nang maulinigan niya ang ilang kaluskos mula sa ibaba ng bahay.

May nakapasok bang magnanakaw? Humanda agad siya.

Papanhik ang mga hakbang, kung gayo’y higit sa isa ang taong nais manloob sa bahay ng kanyang ina, naunawaan ni Edward.

Maingat siyang pumuwesto sa likuran ng pinto, nakikiramdam.

Ginawa niya ang natutunan sa isang pelikulang Ingles. Unahan ang kaaway, gulatin saka gulpihin.

Pero bago pa niya nahawakan ang knob ng pinto ay nabuksan na ito mula sa kabila, siya ang nagulat.

At namangha nang makilala na ang mga ‘intruders’. Ang mga ito pa ang nagbukas ng ilaw.

“M-Mommy? Daddy?”

“Makinig ka sa sasabihin ng mommy mo, Edward. Kundi ay ako na ang susuntok sa iyong tulirong ulo!”

Napalunok si Edward, hindi nagbibiro ang kanyang ama.

....Itutuloy….

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon