27

680 46 3
                                    

CHAPTER 27

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 27

Ipinaghain niya kaagad ang matagal na nawalay na anak. Si Jerome naman ay tiniyak na nakabukas ang malaking electric fan para hindi mainitan si Edward. Ang mga younger brothers and sisters ni Edward ay nag-aagawan ng puwesto. Gusto nilang malapit na malapit sila sa kuya nila at panoorin ito sa bawat galaw. Miss na miss kasi nila ito.

Habang kumakain ay nagkukuwento naman si Edward kung saan niya ginugol ang anim na buwan.

“May dala akong konting pera kaya namuhay ako ng simple sa Mindanao. May matandang may-ari ng isang malaking lupain doon, inalok ko ang serbisyo ko bilang scientific farmer sa kanyang ari-arian. Pumayag naman. Sabi ko, hindi ko nga lang matiyak kung hanggang kailan akong magtatrabaho pero inassure ko siya na hindi ko naman iiwan na bitin ang trabaho ko.

“Hayun, nang umalis ako, nakatapos ako ng dalawang malalaking ani, at ang mga prutas naman na pananim ay siguradong magha-harvest siya ng mga pang-export. Not bad. Naging kapaki-pakinabang ang aking panahon.”

“At hindi mo na kami iiwan ha, anak?” Madrama si Cora.

“Sa ngayon, wala pa naman akong balak na muling umalis, Mommy.”

“Hindi bale kung umalis basta may communication, nagsusulatan o nagtatawagan man lang. Ni hindi ka kasi talaga kumontak sa amin, Edward.”

Halatang may pagdaramdam pa rin si Jerome sa kanyang binata.

“Sorry, Daddy. May gusto kasi akong kalimutan kaya talagang pinutol ko muna ang communication.”

“Iho, hindi mo naman dapat pinroblema si … si Marydale. Alam mo ba na pag-alis mo ay kinausap ko siya. At nangako siya sa akin na hindi na raw talaga siya magiging panggulo sa iyo.”

Hindi nakakibo si Edward sa sinabi ng ina.

Ngayon lamang niya nalaman na may binitiwan palang pangakong ganoon ang magandang dayuhan na ginusto niyang takasan noon.

At kinamuhian niya dahil sa pagbabagong dinala sa kanyang buhay.

“At mukhang tinutoo naman niya, anak. Halos patay na ang isyu sa inyo ni Marydale. Ang press, puro mga kawanggawa na lamang ni Marydale ang tanging isinusulat.”

“Baka talagang ginamitan na ni Marydale ng pera o impluwensya para makontrol niya ang mga pinagsasabi ng press.” Si Jerome uli ang nagpahayag.

Pinangatawanan ni Marydale ang sinabi niya sa akin. Bilang kaibigan, kahit munting kontak ay hindi na niya ginagawa. Ako naman ay ganoon din. Nababasa ko na lamang siya sa diyaryo. Ang napapansin ko, ang ilap niya ngayon sa press. Wala na nga siyang bagong litratong nalalathala sa mga diyaryo,” dugtong ni Cora.

“Wala ka na palang problema, Kuya Edward.” Si Cristian na subteener ang nag-comment.

Patangu-tango lang si Edward.

Kung tutuusin, magaganda naman ang mga balitang nalaman niya ngayon. Pumapabor sa kagustuhan niya na mabalik na talaga sa dati ang kanyang buhay.

Tahimik. Pribado. Simple. Walang nanliligalig.

Kung sakali ngang going smoothly na naman ang lahat, hindi pala siya nagkamali sa pag-uwi.

....Itutuloy….

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon