17 Nasampal Si Edward Hahaha Bastard

746 48 8
                                    

CHAPTER 17

Gusto niyang gawing model farm ang lupain niya sa tabi ng Santiara, kahit pa halos hindi siya kikita, siya ang masusunod. Iyon parin kadakilaan ko.

"Humingi ka ng tawad sa akin, Mr.Barber, kung ayaw mong sampalin kita."

Pinaiiral ni Marydale ang galit. Hindi niya papansinin ang damdaming naggugumiit sa kanyang puso. Na ang binatang kamukha ni Tyler ay may mga labing alam niyang masarap ding humalik, gaya ng yumaong nobyo.

"Excuse me?" Kumunot ang noo ng binata. "Gusto mong humingi ako ng sorry, Miss Del Valle? You are asking for the moon."

Anong klaseng lalaki ka na nanghihiya ng babaing tulad ko? I am suppose to be a distinguished guest in your country," galit na tanong-sabi ni Marydale. Pero bakit ang tingin niya kay Edward ay mas masarap ding yumakap, mas masarap gawing nobyo kaysa kay Tyler?

"Kundi ka sana naligaw sa Santiara, wala namang problema. Pero ayoko na pati sa teritoryo ko ay may mga taong nagbabantang sumira sa katahimikan ng buhay ko, Miss Del Valle." Higit na madiin ang bagsak ng boses ni Edward Barber.

"Your mother invited me, you bastard!"

Kasunod nito ay sinampal ni Marydale nang ubod-lakas si Edward.

Napabiling ang pisngi ng binatang taga-Santiara.

TUMAYO SI Edward, galit na galit. Ang nais ay gantihan ng halik ang nanampal na banyaga.

Pero maagap ang mga bantay ni Marydale, nakalapit agad kay Edward, binantaang susuntukin ito kapag itutuloy ang anumang masamang balak.

Napailing-napabuntunghininga si Edward.

Tatlong malalaking Kano ang kalaban niya, kagaguhang sagupain niya ang mga ito ngayon.

Nanlilisik ang mga mata na nilisan na lang ni Edward ang bahaging iyon ng Terry's Grill.

Pero nagpahabol siya ng salita. "You owe me one, Miss Del Valle! At maniningil ako!"

Nagkibit-balikat si Marydale, ayaw pa niyang intindihin ang sakit ng paghihiwalay nila ng lalaking kahawig na kahawig ni Tyler.

Does it mean na hindi na siya mapapalapit sa kalooban ng lalaking nais niyang gawing inspirasyon sa pagpapatuloy ng buhay?

NAGMUKMOK sa tinutuluyang apartelle sa San Simon si Marydale. Dalawang unit ang okupado nila ng mga bodyguards.

Ayaw munang magbalik ng dalaga sa Manila, kung saan naroon ang sentro ng kanilang charitable organization para sa buong Luzon.

Nangingilabot na sa pamamayat ng alaga si Nanay Lorna. Parang naulit ang pagluluksa noon ni Marydale kay Tyler. Ayaw na namang magkakain ng dalaga, ayaw na ring kumibo, dalawang araw na.

Iyak lang nang iyak nang matahimik.

Naaburido na yata ang yaya, palihim na magtutungo sa Santiara nang gabi ring iyon.

Ang paalam lang sa tatlong bantay na Kano ay may bibilhin siya sa botika sa kanto.

Sumakay ng traysikel si Nanay Lorna at sumugod na nga sa bahay ng lalaking nagpapaiyak ngayon sa kanyang mahal na alaga.

"Buksan ninyo ang pinto! Kailangang makausap ko si Edward!" Kaylakas ng boses ni Nanay Lorna.

....Itutuloy....

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon