CHAPTER 13
SI Edward ang unang nakabawi.
“You are Miss Marydale Maria Del Valle Entrata, am I right?” walang ngiting tanong niya sa babaing kasama ng ina.
“Yes, I am. I’m glad to meet you, sir.” Excited at nakangiting inilahad ni Marydale ang kamay pero hindi tinanggap iyon ni Edward. Tumango lang ito sa dalaga.
“Marydale, siya mismo si Edward.”
“Yeah, Tita Cora. And he is… unfriendly.” May pagkadismaya sa tinig ni Marydale. Hindi ganito ang kanyang nobyong yumao. Tyler is a very warm person, hindi gaya ng Edward ito na parang bato sa kalamigan!
“Edward naman, bisita ko si Marydale, huwag mo ngang isnabin.” Sinita ni Cora ang binatang hindi ngumingiti.
“Mommy, I’m busy, okay?” walang siglang sabi ni Edward. Bago pa nakapag-sermon ang ina ay naiwan na niya ang dalawang babae.
Nagtuloy na siya sa loob ng malaking bahay, sa bedroom niya roon.
Napapailing na lamang si Cora sa inasal ng anak. “I’m really sorry dahil rude ang anak kong ‘yon, Marydale. Pasensiya ka na.”
“Tama kayo, Tita, tatandang binata nga ang suplado ninyong anak. Sayang, ang alam ko’y kay daming humanga sa kanya sa cover ng Global Weekly…”
“Alam mong naging unidentified cover si Edward sa international magazine na ‘yon?” may pagtatakang tanong ni Cora.
Nataranta si Marydale, nadulas ang bibig niya.
Pero saglit lang naman.
“W-Well… namukhaan ko lang naman po siya, Tita,” pagsisinungaling ng dalagang Mexican-American. “Subscriber po kasi ako ng Global Weekly.”
Never niyang ipaaalam kay Cota na kaya siya naligaw sa Pilipinas ay dahil sa paghahanap sa lalaking kamukhang-kamukha ng yumaong nobyo.
Kamukhang-kamukha nga ni Tyler pati sa katawan at tindig, kaso ay napakasuplado at arogante! Kaysarap tirisin ng lalaking ‘yon! gigil na sabi sa sarili ni Marydale.
At nadismaya ka kay Edward, ha, Marydale? Naturingang gentleman farmer, na suppose to be ay very kind sa mga tanim, pero wala namang manners sa harap ng panauhin.” Napapailing ang ina.
Hindi malaman ni Marydale kung ano ang sunod na gagawin. Hindi niya matanggap na mabibigo lang pala siya sa lalaking kawangis ni Tyler.
Pero walang balak sumuko ang dalagang Mexicana-Americana na nagtawid-dagat para lang masilayan ang kamukha ng nobyo.
“Tita Cora…”
“Yes, iha?” Nagbalik na sila sa living room. Tulog pa rin si Nanay Lorna, nakanganga.
“Para naman po akong na-snub ng inyong binata, nagagalit po ako…”
“Oo nga, e. Marydale, kung alam mo lang na ako ang hiyang-hiya sa iyo ngayon. You are my guest and yet –”
“Tita Cora, do me a favor. I’m the type of girl who doesn’t get snubbed just like that. I want to talk with your son sa dinner mamayang gabi, sa Terry’s Grill sa bayan, 8 o’clock sharp.” Si Marydale ang tipong hindi tatanggap ng NO bilang sagot.
Si Cora ay nataranta, napa-oo, nakapangako na rin. “Walang dudang darating si Edward nang eksakto sa oras, Marydale. Otherwise ay kalimutan na niyang mag-nanay kami.”
Yumakap sa ginang si Marydale. “I’m sorry it has to be like this, Tita, pero sobra naman kasi ang inyong anak…”
“Ako nga ang dapat mag-say sorry, iha. Imagine, ikaw na international personality ay hindi man lang nginitian ng anak kong ‘yon?”
“Baka naman ho sira ang ngipin kaya nako-conscious ngumiti?” Kahit galit ay nagpasubali ang dalagang banyaga.
“Naku, buung-buo ang ngipin ng bruhong si Edward, puwede ngang modelo ng Colgate! Nagkataon lang na may sumpong, you know… bad mood.”
“Tuturuan ko siya ng lessons in good manners and right conduct mamayang gabi, Tita Cora. Sige, babay na po.”
Muling naghalikan sa pisngi ang dalawa saka tuluyan nang lumabas ng Santiara si Marydale.
“Naku, may naiwan po, Tita!”
.... Itutuloy....
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)
FanfictionTRUE LOVE WILL COME ,, Ang Gustong buhay Ni Edward Barber ay Yong mabagal pero tiyak. Yong Simple pero Masaya. Kaya naman ang binatang Edward ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lu...