6 Malapit Na Sila Mag Kita

879 59 8
                                    

CHAPTER 6

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 6

hanggang doon lang ‘yon, kakaunting tao lamang ang nakakita. Kumbaga sa pelikula ay hindi naging hit sa takilya si Edward.

Natuwa sa sariling uri ng katalinuhan si Nikkulas II. Walang kaalam-alam ang ulul na si Edward na pinakialaman ko ang kanyang kapalaran. Gago kasi, hindi naglalalabas ng San Simon.

MULA sa kabilang panig ng mundo, si Marydale kasama ang yayang si Nanay Lorn ay patungo na ng Pilipinas.

Nakumbinsi ni Marydale ang amang si Luis na sa Pilipinas naman siya magtatatag ng charitable foundation na tutulong sa mahihirap na kabataan, laluna ang mga yagit ng lansangan.

Ang mabait na ama ay ihinatid siya sa airport at pinasamahan sa mga bodyguard na ito mismo ang pumili.

Kasama ni Marydale sa chartered flight, bukod sa yaya, ang tatlong tapat na lalaking bodyguards na pawang Kano. Magrereport kay Luis ang mga ito tungkol sa kaligtasan ni Marydale.

Naalala ni Marydale na dalawang araw bago siya tutungo sa Pilipinas ay nakipagkita sa kanya ang inang si Aura.

Bagong banat ang mukha ng ina, nawala na rin ang mga bilbil, salamat sa magaling na cosmetic surgeon sa Chicago.

“You are going to the Philippines, Marydale? But that poor country is so corrupt and dangerous!”

“I can take care of myself, Mama.” Hindi na niya sinabi sa ina ang tunay na dahilan kaya siya pupunta sa Pilipinas. Sinarili na lang. Nasa Pilipinas ang lalaking mag-i-inspire sa akin para magpatuloy ng buhay, Mama. At least ay hindi ko maiisipang magpakamatay sa lungkot. Iisipin ko kasing siya ang extension sa mundo ni Tyler.

Naputol ang alaala ng dalaga, nagbalik sa kasalukuyan. Sa loob ng eroplanong palapit na sa Asya.

“Yaya, sino na nga uli ang national hero of the Philippines?” Habang nasa tapat ng Dagat-Pasipiko ay nagtanong sa katabing yaya Marydale.

“Si Doktor Jose Rizal.”

“Gosh, akala ko ay si Jose Feliciano. Singer nga pala ‘yon na blind.”

“Isa pang bayani namin ay si Andres Bonifacio, Marydale. He is the founder of the KKK.”

KKK? What is that, yaya?”

“Kagalang-galangan, Kataas-taasang Katipunan. See, I still know my history Marydale.”

Napangiti ang magandang dalagang banyaga.

“Oo nga, you are very good, Nanay Lorna. And you promised me to look for San Simon at once…”

“Oo naman, iha. Ako pa? Pagdating na pagdating natin sa Manila ay kokontakin ko agad ang mga kamag-anak ko. Tiyak na alam nila kung nasaan ang beach ng San Simon.”

“Hopefully that Filipino guy is as loving as my Tyler,” nasambit pa ni Marydale, nangilid pa ang luha.

......Itutuloy….

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon