26

645 46 3
                                    

CHAPTER 26

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 26

Napasmid si Nikkulas II.

“Dapat ay hindi ka arogante at mayabang. Alam mo pala ang pangit na sikreto ng mother mo. Bakit ba kayong mga taga-Santiara ay habulin ng mga babae?”

Umangat lang nang buong kaaristokratuhan ang dalawang kilay ni Edward.

“Ikaw ang nagsabi niyan, hindi kami.”

“Pati ang anak ng multi-milyonaryong dayuhan ay nabaliw pa sa iyo!”

“Huwag mo siyang idamay dito.”

Ngayon gustong manuntok ni Edward.

Nakatunog naman si Nikkulas II na maaring maulit iyung napatulog siya noon ni Marco.

Umatras siya kaagad.

Hindi na niya hihintayin na lahat na papel sa maliit na bundok na iyon ay matupok ng apoy.

Bibilisan na niya ang pagpasok sa compound at bahay nila, mahirap na, baka umigkas na ang kamao ni Edward.

Hindi naman hinabol ni Edward si Nikkulas II.

Napatingin siya sa mga pahina ng magasin na hindi pa natutupok. Pumulot siya ng dalawang pahina na tungkol sa beach ng San Simon.

Ito ang cover article. Nabanggit din dito ang unnamed model sa cover na walang permisong kinunan ng larawan.

Napabuntunghininga si Edward. This started it all. Dahil sa isyu na ito ng Global Weekly ay kaydaming nangyari sa kanilang buhay.

Pati pala si Nikkulas II ay may ginawang milagro tungkol sa isyu na iyon.

“That jerk bought all the copies he can buy dahil sa sobrang inggit. At nagkataon pang sa pagbalik ko dito sa San Simon saka niya sinusunog ang mga inside pages. Ano ba ito, parang lagi na lamang may drama sa buhay ko.”

Malungkot na napapailing si Edward.

.....Itutuloy….

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon