32

646 52 5
                                    

CHAPTER 32

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 32

SI Nanay Lorna  ang nakausap ni Edward sa telepono. Puno ng hinanakit ang yaya.

“Ano ang kailangan mo? Kung awa lamang ang gusto mong ihatid, hindi na kailangan, marami nang naaawa sa alaga ko. Alam ng lahat na nagpapakahirap siya sa pagtulong sa kapwa pero hindi niya matulungan ang sarili niyang problema.”

“Yaya, I need to see her.” May pakiusap sa baritonong boses ni Edward.

“Sasabihin ko na lang sa iyo ang itsura niya, Edward. Naka-dextrose siya, nanlalalim ang mga mata, halos buto’t balat na lang, kasimputi ng papel ang kulay ng katawan.

“Ang alaga ko ay parang… ayaw nang mabuhay. Siguro ay pagod na pagod na sa katutulong sa mga mahihirap pero lalo pang dumadami ang naghihirap sa ngayon, sa halip na nababawasan.

“Sabihin mo nga sa akin, Edward… paano pa ba makakatulong ang isang taong said na ang lakas? You are killing my baby!” At humagulhol na ng iyak ang yaya.

“I need to see her, Yaya!” sigaw ni Edward, sigaw na may kasamang pagsinghot.

He is crying.

His heart is bleeding.

Ayaw niyang maging huli na ang lahat. Ang reyalisasyon na mahal pala niya talaga ang babaing ito na ayaw na ayaw niya ang mataas na pagkatao… ay tila isang masarap na trahedyang dagok sa kanya.

Aywan kung bakit ibinigay din naman ni Nanay Lorna ang kinaroroonan ng pinakamamahal na alaga. “Nasa Mt. Carmel Hospital siya, Edward.”

ANG mga tao sa lobby ng hospital, karamihan ay dahil kay Marydale. Ang mga batang yagit na laging pinapakain ng kanyang foundation ay hindi maitaboy ng mga taga-ospital.

Ganoon din naman ang mga taga-media.

Si Edward ay naka-dark glasses at naka-cap nang dumaan sa lobby, hoping na hindi siya mapansin at makilala.

Nakalusot naman siya. Ang mga personal bodyguards ni Marydale sa ngayon ay very present.

... ITUTULOY...

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon