CHAPTER 7
"Alam mo, Marydale,” nakangiting sabi ni Nanay Lorna habang nasa ere pa ang eroplano,
“kaming mga Pinoy ay palakaibigan na mga tao. And we are always smiling to strangers don’t worry.”
“Ano nga kaya ang pangalan niya?” tanong ni Marydale, may pananabik na naman.
“Posibleng Juan, baka naman Berto. Or maybe his name is Burton. You know, Filipinos now have modern names, Marydale.”
“And who again is your president, yaya?”
“President Du30, Marydale.”
Tumangu-tango ang mayamang dalagang banyaga. Basta ang nasa isip pa rin niya ay ang napakaguwapong lalaking kamukha ng yumaong nobyo.
NAGPAPASALAMAT si Edward na sa San Simon ay hindi man lang nabalitaan ang tungkol sa pagiging cover boy niya ng Global Weekly.
Napayapa na siyang muli, ngayo’y hinaharap na naman nang husto ang kanyang farming.
Naalala ni Edward ang pangako sa ina, na sa loob ng susunod na dalawang taon ay may asawa at anak na siya.
Kaso ay wala pa ngang balak si Edward na magkanobya man lang. Enjoy na enjoy pa siya sa buhay na walang pressure, walang responsibilidad sa iba kundi sa sarili lamang.
He values his laid-back life, ang makupad na takbo ng kanyang buhay sa Santiara at karatig.
Here he is, pabasa-basa lang ng diyaryo sa umaga bago sasabak sa trabaho sa bukid.
Pakape-kape. Pakalakalabit ng gitara.
Pakanta-kanta na rin ng mga lumang paborito. All of me…why not take all of me… can’t you see, I’m no good without you…
Napadako ang mga mata ni Edward sa isang balita sa diyaryo sa umagang iyon. Binasa niya. Heiress Is Now In The Philippines for Charity. Marydale Maria Del Valle Entraya, the only daughter of multi- millionaire philantropist Luis Johnson Entrata, is coming to the Philippines to set up a charitable organization specifically aimed at helping the under-privileged youth of the country…
May kasamang larawan ni Marydale ang balita at nagandahan si Edward. Kakaiba kasi ang beauty ni Marydale, parang Pinay na tisay.
At ganitong tutulong pa pala sa mga yagit na kabataan ng bansa, lalong humanga kay Marydale si Edward.
Walang kaalam-alam ang gentleman farmer na siya ang tunay na dahilan kaya pupunta sa Pilipinas ang magandang banyaga.
“Sir Edward, tapos na po kami ni Nonong sa pamimitas ng mangga. Mga export quality po lahat.” Inabala siya ng isang tauhan.
“Okay, ako na ang bahala sa delivery. Puwede na kayong umuwi ni Nonong . Bukas naman.”
“E, Sir Edward, babale daw kami ni Nonong,” nakangising sabi ni Nognog habang katabi na si Nonong.
Napailing ang binatang gentleman farmer. “Sabi ko na nga ba, e. Magtsi-chicks na naman kayo sa kabaret sa bayan…”
“Sir naman… paminsan-minsan lang,” sabad ni Nonong. “Gusto n’yo, sama kayo?”
Tinitigan ni Edward ang dalawang tauhan na mga binata pa rin.
“Naku, sir, nagbibiro lang po kami. Alam naming hindi kayo nagkakabaret o nangtsi-chicks,” tarantang sabi ni Nognog.
“Saan ba ‘yon?” seryosong tanong ni Edward.
“Po? Ang alin po, sir?” tanong ni Nonong.
“Ang pupuntahan ninyo, saang lugar?” halos pabulong na sabi ng among binata.
NANG gabing iyon ay nakasama nina Nonong at Nognog sa paglilibang sa bayan si Edward.
Siguro ay si Edward na rin ang nakapansin sa wala halos kulay niyang buhay-binata
... ITUTULOY...
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)
FanfictionTRUE LOVE WILL COME ,, Ang Gustong buhay Ni Edward Barber ay Yong mabagal pero tiyak. Yong Simple pero Masaya. Kaya naman ang binatang Edward ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lu...