CHAPTER 12
Natawa si Cora.
“Hindi naman strike anywhere. He seldom strikes nga e, parang supladong parang takot makipag-seryosohan sa babae. Nauubos ang panahon niya sa farming. Ewan ko ba, naguguluhan ako kay Edward.”
“Edward…?”
“Si Edward ang kontrobersiyal kong binata Marydale. By the way, did you know na anak ko si Tanner?”
Namilog ang mga mata ni Marydale.
“The Filipino genius who made a name in the world?”
“Oo, Marydale, siya nga ‘yon!” buong pagmamalaking nasabi ni Cora.
“Wow naman, Tita, ang galing mong mommy!”
“At alam mo rin bang anak ko rin si Marco na Olympic gold medalist sa swimming?”
“No kidding?” Hindi makapaniwala si Maryale.
“No kidding, Marydale! Heto siya sa photo, o! Ipinakita pa ni Cora sa banyagang dalaga ang litrato ni Marco habang sinasabitan ng medalya sa Olympics.
Nagtitili na sa tuwa si Marydale. “And he is also a computer whiz, kabilang na sa tauhan ni Bill Gates, I know!”
“Aba, kilala mo pala ang mga anak ko!” galak na nasabi ni Cora.
“Pero may kapatid pala sina Marco at tanner who is somewhat a laid-back bachelor, Tita Cora? Hindi mahilig sa kompetisyon ang Edward na ‘to?”
Nabawasan ang saya ni Cora. “Oo nga, e. Parang gano’n. Walang planong mag-asawa at lalong walang planong maging sikat na tulad nina Marco at Tanner.”
“Pogi ba naman po gaya nina Tanner at Marco?”
“Well, bilang nanay ay puro guwapo sa paningin ko ang aking mga anak na lalaki, magaganda naman ang lahat kong anak na babae.
Natawa si Marydal.
“I’ll be the one to judge, okay, Tita? Para hindi biased. Sasabihin ko kung super-handsome, moderately handsome or not handsome at all.”
“Nasa kanyang mga tanim sa dulo nitong Santiara. Halika, pasyalan natin ang aking binatang suplado.”
Masiglang niyaya na ni Cora sa backdoor exit ang magandang panauhin.
Mula doon ay maglalakad sila patungo sa kinaroroonan ni Edward.
Hustong paglabas nila sa backdoor ay muntik pa nilang makabangga ang papasok namang matikas na lalaki.
Na walang iba kundi si… Edward.
“Ayy! Ginulat mo naman kami, anak! Ikaw ang sadya namin ng panauhin ko.”
Sina Marydale at Edward ay nakatitig sa isa’t isa.
Alam nilang nakita na nila ang isa’t isa kahit hindi pa sila pormal na magkakilala.
Naalala agad ni Edward kung saan niya nakita ang magandang banyaga. Siya ‘yung nasa diyaryo a week ago, na anak ng pilantropong si Luis!
Alam na rin ni Marydale kung sino ang kaharap. Gosh! Kamukhang-kamukha nga siya ni Tyler! Imagine, I finally found him!
.....Itutuloy….
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)
FanfictionTRUE LOVE WILL COME ,, Ang Gustong buhay Ni Edward Barber ay Yong mabagal pero tiyak. Yong Simple pero Masaya. Kaya naman ang binatang Edward ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lu...