CHAPTER 18
At natawag ang pansin ng kanina pa nakikiramdam na member ng media. Ang reporter-photographer na ito ay nasa Terry’s Grill, two nights ago. Doon niya natiyempuhan ang away ng isang binatang guwapo at ng banyagang maganda.
Saka lang na-realize ng reporter-photographer na si Marydale Maria Del Valle na pala ang nasa kanyang paligid that night.. At taga-Santiara ang guwapong lalaking nakaaway.
Naintriga ang taga-media kaya narito sa vicinity ng Santiara, naghihintay ng posibleng development.
Unlike before na siya ay walang dalang kamera, ngayo’y handang-handa sa anumang scoop ang taga-media na middle-age na lalaki.
Si Edward ay naguguluhang hinarap ang yaya ni Marydale Del Valle. “Ano po ba ang kailangan ninyo sa akin, lola?”
“Bruho ka, hindi pa ako lola! Ikaw ang may kasalanan kaya ngayo’y nagmumukmok si Marydale doon sa apartelle! Dalawang araw nang ayaw kumain at kumibo at iyak nang iyak ang alaga ko dahil sa pagdaramdam sa kaarogantehan mo!”
Ang taga-media ay bukas na bukas ang tainga, palihim na rin niyang nakunan ang nagtatatalak na yaya pati na ang defensive na binatang taga-Santiara. May highly- advanced camera siya na maaaring gamitin sa gabi kahit walang flash.
“Hindi mo kasi alam, bruho ka, na kaya nagpunta sa Pilipinas si Marydale Maria Del Valle ay dahil sa iyo! Nakita ka niya sa cover ng magazine at nagkataong kamukhang-kamukha mo si Tyler na nobyo niyang namatay na!”
Hindi magkandatuto sa pagkuha at pagtatala ng detalye ang lalaking taga-media. Akalain ba niyang may love angle pala sa pagpunta sa Pilipinas ng magandang anak ng sikat na pilantropong Kano?
Natitigilan si Edward. Nagpapakagutom dahil sa kanya ang babaing nais niyang layuan? Ang magandang dalagang nanampal sa kanya noong isang gabi?
Pero nais niyang mainis sa nalaman. Na siya pala ay ginagawa lang substitute ni Marydale Del Valle sa namatay na nitong nobyo?
Nais na namang mainsulto nang husto Edward. Ayaw niyang itinutulad kahit kanino, patay man o buhay.
Ah, lalong dumarami ang atraso sa kanya ng anak ni Luis , naunawaan ng nagngingitngit na binatang taga-Santiara.
ANG KLARO, parang bombang sumabog mga diyaryo ang balita tungkol sa tunay na dahilan ng pagdalaw ni Marydale Del Valle sa Pilipinas.
Iskandaloso ang mga headlines. Na may kasama pang litrato ng yaya at ni Edward habang nag-uusap sa gate ng Santiara.
Del Valle Heiress Here For Love of Edward!
EDWARD of Santiara is Marydale Del Valle Love!
Panakip-Butas Ni Marydale ang Binata!
Edward Bachelor Snubs American Heiress!
Lalong nag-iiyak si Marydale nang malaman ang mga balitang iyon. Nagawang itago ng yaya ang ilang diyaryo pero sa TV naman aksidenteng napanood ng nagdadalamhating dalaga ang malaking balita.
Buko na pala siya ng buong Pilipinas.
Lalo pala siyang nawalan ng pag-asa na gawing pandugtong sa kanyang buhay si Edward Barber.
.....Itutuloy….
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)
FanfictionTRUE LOVE WILL COME ,, Ang Gustong buhay Ni Edward Barber ay Yong mabagal pero tiyak. Yong Simple pero Masaya. Kaya naman ang binatang Edward ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lu...