CHAPTER 23
Lalong humanga si Cora kay Marydale.
“Kung makikita lang sana ni Edward ang kadakilaan mo, iha.”
“Wala tayong magagawa, Tita Cora. I’m not needed in his life. Na nabulabog ko ang kanyang buhay is already too much of a trouble for him. Tita, if he contacts you, please tell him na nangangako na ako na hindi na lalapit sa kanya, para mabalik sa kanya ang dating peaceful life.
“Time will make the press forget the things between us. Mula ngayon, sisikapin ko na wala nang ibang mailathala tungkol sa akin kundi ang mga charities ko. Hindi ko na idadamay si Edward sa anumang paraan sa buhay ko.”
“Marydale, ang anak ko ang nawawalan ng malaki sa pasya mong iyan.”
Nanghihinayang si Cora, dahil alam niya, kaysarap mahalin ni Marydale ng isang lalaking kagaya ng kanyang binata.
“Ssshhh, Tita Cora, don’t say that. Your son is entitled to the life that he wants. Ako ay panggulo lamang para sa kanya, hindi natin maaring sabihin na mali siya ngayon o kailanman tungkol diyan.”
“Goobye, Marydale. Gusto sana kitang maging kaibigan man lang pero imposible.”
“I will always be your friend, Tita Cora, kahit hindi tayo magkikita at magkakausap,” buong katapatan na deklarasyon ni Marydale.
ALAM naman ni Marydale kung ano ang dapat na gawin para paunti-unting mamatay ang isyu sa kanila ni Edward.
Isang PR o Public Relation company ang kanyang kinontrata. Ang PR agency na ito ang mamamahala sa kanyang publicity.
Under strict instructions niya ang PR agency na ang susulatin lamang ng mga PR writers tungkol sa kanya ay ang kanyang mga projects sa charity foundation na itinatag niya sa Pilipinas.
Naging sunud-sunod ang write-ups tungkol sa mga pagtulong ni Marydale. Hanggang sa nakasanayan na ng publiko na basahin na lamang ang mga balita tungkol sa kanyang mga kawanggawa.
At huwag nang umasa na may maisusulat tungkol kay Marydale at kay Edward.
Ang very private na binata sa Santiara ay paunti-unti na ring nabubura sa kamalayan ng publiko, dahil nga wala na talagang balita tungkol dito.
HALOS anim na buwan nang nawala sa Santiara si Edward. Kahit isang tawag o isang sulat sa pamilya ay wala.
Pumanglaw ang Santiara sa pagkawala ng guwapong binata sa tahanan nilang iyon.
Ang natutuwa sa kalungkutan ngayon ng Santiara ay ang anak ng namatay na si Nikkulas Sr., Nikkulas II.
Napapaismid siya tuwing nakikita ang Santiara na lagi pa ring maraming ilaw sa arko nito.
Sa tuwing dumadaan siyang nakakotse sa bukana ng Santiara at nakikita niya ang arko ay bumababa si Nikkulas II at dumudura sa lupang katapat ng arko.
... Itutuloy....
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)
FanfictionTRUE LOVE WILL COME ,, Ang Gustong buhay Ni Edward Barber ay Yong mabagal pero tiyak. Yong Simple pero Masaya. Kaya naman ang binatang Edward ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lu...