22 Wow Sweet Nila

642 48 4
                                    

CHAPTER 22

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 22

MAY tumatawag kay Marydale sa telepono.

“Yes?”

“Salamat naman at ibinigay ka sa akin n mga bantay mo, iha. Si Tita Cora mo ito, ang ina ni Edward.”

“Nakilala ko kaagad ang boses mo, Tita Cora. I’m glad to hear your voice.” Pumiyok ang boses ni Marydale.

“Marydale, I’m sorry for this. Pareho kayo ni Edward na biktima.”

“Pero mas kasalanan ko ito, Tita Cora. I started it, the problem, I mean. Kung hindi ko na lang sana siya hinanap.”

“No, no. Don’t blame yourself. Marydale, what you did is very normal for a woman who is lonely because of the death of her boyfriend.”

“Sana, Tita Cora, hindi ko na lang ginulo ang buhay ni Edward. Binago ko ang buhay niya, e. Kumusta na siya ngayon, Tita Cora?”

Hindi kaagad nakasagot si Cora.

“Tita Cora? What happened?”

Marydale, wala na si Edward. Nag-iwan lang ng sulat. Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta. Masyado sigurong naguluhan.”

Nanlumo si Marydale. Lalong nagi-guilty.

“Tita Cora, dapat kang magalit sa akin. My God, what have I done?”

“Iha, hindi ako tumawag para sisihin ka. Nag-aalala rin kasi ako sa iyo dahil mga harsh ang ibang opinyon ng mga reporters sa iyo, e. You’re a very decent woman, hindi ka nila dapat pagsabihan nang kung anu-ano.”

“It’s all right, Tita Cora. If that is their opinion, then I respect it. Mahirap yata nilang maunawaan kung bakit kailangan kong puntahan sa Pilipinas ang isang lalaking hindi ko kilala but looks almost exactly like my dead boyfriend.”

“Ayon sa diyaryo ay dumating daw quietly ang father mo, ano ang sabi niya?”

“Nakaalis na ang daddy ko, Tita Cora. He left because I told him that I can handle this.”

“And can you really?”

“Of course, Tita Cora. Sabi ko nga kay Nanay, ibubuhos ko na lang ang lahat kong panahon at atensiyon sa pagtulong sa mga mahihirap na bata dito sa Pilipinas. Nabigo man ako sa isa ko pang sadya dito, hindi ako kailangang mabigo sa mga charity goals ko dito.”

.....Itutuloy….

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon