CHAPTER 19
SI Edward ay parang mabuburyong na sa kunsumi. Bakit ba nagkaganito ang buhay niyang dati ay pribadung-pribado?
Ang tahimik niyang pagkatao ay ginagawa na ngayong pulutan ng media. Pati ang kanyang pagiging unnamed coverboy noon sa banyagang magazine na Global Weekly ay buong Pilipinas na yata ang nakakaalam.
Natural, nakapag-produce ang media ng cover ng Global Weekly na siya noon ang modelo na wala naman niyang permiso.
Muling inilathala sa mga diyaryo at magazines ang cover na iyon. Kumbaga ay naging komersiyal ang balita dahil talagang nilapa ng publiko.
Ang kulay ng romansa kasi ang dahilan.
Imagine, ang nag-iisang anak ng isang multi-milyonaryong pilantropo sa Amerika ay nakabase na sa Pilipinas at dito na tumutulong sa mga mahihirap, dahil naakit ito noon pa sa binatang Pilipino na kahawig ng nobyong namatay?
ARAW-ARAW ay may taga-media na nag-aabang sa Santiara. Sina Cora at Jerome ang magiliw at magalang na tumatanggi sa mga ito tungkol sa kagustuhang ma-interview ang kanilang binata.
“Sorry, ladies and gentlemen. Wala talagang pinagbibigyan na reporter ang aming anak. Wala siyang balak na pa-interview kahit kanino.” Ni minsan ay hindi nagsusuplada si Cora sa media, kahit nakakapagod din ang araw-araw na paulit-ulit na pagtanggi.
“Ma’am, kailan kaya maintindihan ng inyong anak na ang publiko ay kailangan din namang isipin niya. Ang babaing nagkakagusto sa kanya ay public figure na rin dahil sa estado nito, the least he could do is answer some basic questions. Gaya ng hindi ba siya naaawa kay Ms. Del Valle na may ibang taga-media na ipinalalabas na siya ang naghahabol sa inyong anak?”
Natigilan si Cora.
Bilang babae ay apektado siya sa negatibong image na napapala ni Marydale Maria Del Valle sa sitwasyon na ito.
“Si Marydale ay naging kaibigan ko muna bago sila nagkaharap ng anak ko. Honestly, I like her very much. I respect her being a very charitable young lady. Huwag naman sanang bigyan ng masamang kulay ng ibang taga-media ang ginagawa ni Marydale. Hindi niya kasalan kung siya ay magkaroon ng interes sa isang lalaki na kahawig na kahawig ng kanyan pinakamamahal na nobyo. Sino mang babaing lalagay sa kanyang katayuan ay gagawin din ito.”
Ma’am, kung magsasalita nga ho sana si Edward, kung siya mismo ang magtatanggol kay Ms. Del Valle , it will help a lot to wipe out the negative image of Ms. Del Valle now.” Ang reporter na ito ay umaasa na siya ang makakaunang mag-interview kay Edward.
Nalungkot si Cora.
Gusto man niyang tulungan si Marydale ay hindi naman niya magawang utusan si Edward sa isang bagay na alam niyang tatanggihan nito.
“My son is a very private person. He is old enough and he doesn’t need a mother to decide for him. Sa ngayon, ayaw niyang magpa-interview, iyon lang. Ang masasabi ko lang, apektado din naman ang anak ko. Mula nang pumutok ang balita, halos hindi na siya maaring lumabas.”
At magalang nang isinara nina Cora at Jerome ang gate ng Santiara.
... Itutuloy...
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)
FanfictionTRUE LOVE WILL COME ,, Ang Gustong buhay Ni Edward Barber ay Yong mabagal pero tiyak. Yong Simple pero Masaya. Kaya naman ang binatang Edward ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lu...