29

655 47 4
                                    

CHAPTER 29

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 29

Kausap na ni Marydale sa telepono ang coordinator niya sa relief works sa Visayas.

“Don’t worry. There is enough food coming. Padating na ang padala ng mga kompanya ng daddy ko. Kaya maari na nating simutin ang nasa warehouse natin.”

“Ma’am, kagagaling lang po ninyo sa malaking trabaho. If you want to rest, I can manage with the job.”

Umiling kaagad si Marydale. “No, Elise. Kaya ko ito. Don’t worry about me.”

Nang maibaba ni Marydale ang telepono, nagsermon uli si Nanay Lorna.

“Don’t worry about you? Marydale, kahit iyung pinakamaliit na size na pantalon mo ay para nang mahuhulog sa katawan mo kung suot. You are that thin! I’m so worried!”

“I’m okay, nanay. I have to hurry up, ang dami pang gagawin! Stop making sermon muna, nanay… I really have to go.”

“Parang kayang-kaya ka nang ilipad ng hangin, Marydale!” Pahabol na bulyaw ni nanay Lorna.

SI MARYDALE ay dating may kutis-porselana. Maputi. Walang blemishes. Flawless talaga.

Pero ngayon ay parang sunog na siya sa araw. Sa layo kasi ng mga pinupuntahan nilang lugar ay walang masakyan, madalas ay naglalakad sila.

Gaya ngayon.

Si Marydale at ang apat na volunteers sa kanyang foundation na dalawang lalaki at dalawang babae ay limang kilometro na ang nalakad.

May tatlong kilometro pa silang bubunuin.

Ang mga relief goods nila ang nakakarga sa tatlong kabayo na sabay-sabay nang pumapanhik sa bundok

Madalas naman ay ganito.

Pero ramdam na ramdam ngayon ni Marydale na parang hindi na niya kaya, nanghihina siya.

Ang mga tuhod niya ay nanlalamig.

Hanggang sa bumigay na ang kanyang katawan at napaluhod na lamang. Dinaluhan kaagad siya ng mga kasama.

“Are you all right, ma’am?” May concern ang tanong.

“I was just out of balance. I’m okay.” Sinikap ni Marydale na makatayo kaagad. Pero nabigo siya. Walang lakas ang kanyang tuhod. Muntik pa siyang sumubsob.

Maagap ang kanyang mga kasama.

“Ma’m dapat kasi ay kasama ninyo ang inyong bodyguards kahit dito sa bundok.”

Kung hindi siguro siya hinahawakan sa dalawang braso ay nasa ground na ang kanyang mukha.

“Pampagulo lang sila sa mga misyon ko. Masyado silang istrikto, e. Kahit mga bata lang ang gustong lumapit sa akin ay sinisita pa rin nila.”

“Hinihingal kayo, ma’am. Bakit ganyan kayo magsalita?” Alarmado na talaga ang isa pang volunteer worker.

“I’m just… out of breath! S-sa pagod!”

“At kaya n’yo pa ba?”

“Hinihintay tayo doon sa itaas! Kakayanin ko!”

.....Itutuloy….

TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon