CHAPTER 30
Kahit hindi na nakasali si Marydale sa pagdi-distribute ng mga pagkain at gamot, kuntento pa rin siyang nanonood sa mga bata na kumakain ng mga masustansiyang pagkain na dala nila.
She is so proud of them.
Ang laking tulong sa kanya ng mga ganitong tao. Habang nakikita niyang tumatatag ang mga ito sa kanyang tulong, nagkakaroon pa naman siya ng dahilan para mabuhay.
Dati, tumutulong siya dahil mayaman ang kanyang ama at obligado siyang mag-share.
Pero ngayon, tumutulong siya dahil mamamatay siya kung hindi niya gagawin ito.
Ang kawanggawa ang nagbibigay sa kanya ng dahilan para mabuhay pa.
Wala siyang suwerte sa pag-ibig, pero sa pakikipag-kapwa tao ay marami.
Ito ang hindi maintindihan ng kanyang Nanay Lorna. Pati nga ng kanyang Dad na isa nang pilantropo ay umaangal sa matinding commitment niya sa pagtulong.
Natural lang naman na mangayayat siya. Lagi silang naghahabol sa oras at napakarami nang trabaho, e.
Look at these kids. Kaydali nilang mapaligaya. Pagkain lang at hindi mamahaling mga laruan, iilaw na ang kanilang mga mata.
Hindi talaga siya makapaniwala na dati ay ginawa lamang niyang dahilan ang mga yagit na batang ito para makapag-base dito sa Pilipinas.
That was unfair. That was cruel.
Hindi na talaga mauulit na ang pagtulong sa kapwa para sa kanya ay hindi pangunahing layunin.
She will die in this commitment. Hindi na siya dapat maghanap ng iba pang kaligayahan. This is enough.
Nakatingin na pala kay Marydale ang mga volunteers.
“Tingin ko talaga kay Ms. Del Valle ay maputlang-maputla.” bulong ng isa.
“Halos nakapikit na ang kanyang mga mata.” Worried din ang isa pang volunteer.
“This is not good. She is not okay!”
Nang sumubsob sa lupa ang wala nang malay-tao na si Marydale ay nagkagulo na.
Kailangang ibaba siya sa bundok para madala sa ospital. Dahil mahal siya ng mga taong tinutulungan, nag-iiyakan na ang mga ito.
Noong binubuhat ng mga volunteers si Marydale pababa ng bundok, saka nila na-realize na sobrang payat na pala ito.
Dahil hindi sila nahihirapan sa pagkarga dito. Para na lang timbang ng isang bata ang bigat ni Marydale Maria Del Valle.
At ang American-Mexican na dayuhan ay para nang papel sa kaputlaan.
ANG pagdala kay Marydale sa ospital ay nakunan ng press. Nagkaroon ng matinding simpatiya ang lahat dahil nitong mga nakaraang buwan ay talaga namang ang naging buhay ng mayamang dalaga ay puro kawanggawa lamang.
Ang isang close shot ng isang payat at sickly na si Marydale Maria ang bumandera kinabukasan sa front page ng malalaking diyaryo at tabloids.
Ganito naman ang mga headlines:
Rich Lady Of Charity Needs Prayers
Heartbroken, Overworked Marydale Crumbled
Goddess of Charities Critical
Ang mga headlines ay mula sa pagiging dramatiko hanggang sa eksaherasyon.
Maraming nag-akalang kawawang-kawawa na talaga ang anak ng pilantropo, at ito ay dying na o… naghihingalo na.
.... Itutuloy...
BINABASA MO ANG
TRUE LOVE WILL COME (MAYWARD)
FanfictionTRUE LOVE WILL COME ,, Ang Gustong buhay Ni Edward Barber ay Yong mabagal pero tiyak. Yong Simple pero Masaya. Kaya naman ang binatang Edward ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lu...